CHAPTER 4

107 7 2
                                    

"Hija, try this" binigay ni Tita Imee sakin ang isang dress. Napangiwi ako sa design. Sobrang sexy.

"Ah t-tita kas--" tatangihan ko na sana yung binigay niya pero itinulak na niya ako sa fitting room.

Damn. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. I'm wearing a black sleeveless high slit dress. Tita naman T^T

Lumabas ako at pinakita sa kanya. Tuwang tuwa naman siya kasi bagay daw sa'kin.

"Ang ganda ganda mo. Nagtataka talaga ako bakit kayo naghiwalay ni Simon e"

Simon na naman. Kahit saan ako magpunta pangalan niya naririnig ko -,-

"Alam mo yan nalang suotin mo mamaya sa party"

"Tita, sobrang sexy po nito" mahinahong reklamo ko.

"Why? You're sexy naman"

Napakamot nalang ako sa ulo. Ang kulit ni Tita Imee.

"Hilary come here" tinawag naman ako ni Tita Irene na may dala dalang high heels.

Oh shoot. May isa pa pala.

Tiningnan ko ang dala niya at sobrang taas ng takong. Makakalakad pa ba ako nito. Hays.

"Wow" manghang sabi ni Tita Irene.

"It looks good on your feet. Bagay na bagay sa dress mo" komento din ni Tita Imee.

Jusko. Sila pa talagang dalawa ang nag agree. Hindi pa nga ako pumapayag sa dress tapos may mataas na takong na naman.

Kasalukuyan kasi kaming nandito sa mall at pinag s'shopping ako nung dalawa. May party mamaya kasi umuwi si Sandro.

Sandro Marcos. My ex bestfriend. I don't know what happened but simula nung naging kami ni Simon hindi na niya ako kinakausap. Kami talaga tatlo ni Vinny and Sandro ang mag best friends. Hindi ko maintindihan isang araw ayaw na niya ako kausapin. Hanggang umalis siya papuntang London. We never had the chance to talk.

Anyway, kanina pa kami nandito. Nagpa manicure pedicure kami. Inayos din ang buhok ko. Nagpa facial and body massage. Ang daming ka ek-ekan sa buhay. At eto nga ang last destination namin. Ang pamimili ng damit at sapatos. Medyo pagod na din ako kakasukat sa mga binibigay nila sa'kin. Hays.

Nang matapos kami. Hinatid na nila ako pauwi.

"Vinny will pick you up later" habilin ni Tita Irene sa'kin

Tumango naman ako at nagpaalam sa kanila.

-------
I look myself in the mirror. I'm wearing the black sleeveless high slit dress that we bought and a 4 inched high heel silver stiletto. I put some light make up. I also let my hair flow down. I wore my pearl earrings and a necklace.

After mag ayos. Kinuha ko ang purse ko at jacket. I went downstairs and saw Vinny's car.

Nasa labas siya nag-aantay sa'kin.

"Hey gorgeous" he greeted and kiss my cheeks.

"Hey handsome" I said while grinning at him.

"Let's go"

Pinag-buksan niya ako ng pinto at pumasok ako sa loob. The drive went smoothly. Hindi ko maiwasang kabahan habang papalapit kami sa bahay nila kasi magkikita na naman kami. Simon never failed to make my heart beat. Iniisip ko pa lang siya pero ang bilis na ng tibok ng puso ko.

Nang makarating sa mansion. Dumiretso kami sa dining hall.

"Hello my dear Hilary. You're so beautiful" sumalubong sa amin si Mama Meldy.

"Hello po. You're more beautiful Mama Meldy" bati ko sa kanya. She kissed my cheeks and hug me.

Iginiya niya kami sa isang table at umupo. Nagpaalam na muna siya sa'min dahil may dumating na naman na mga bisita.

Hindi mapaghahalataang may katandaan na si Mama Meldy dahil masigla pa'rin ito. Nakakatuwang tingnan.

Inilibot ko ang mata ko sa buong paligid. Medyo marami din pala ang dumalo. Hindi ko nakikilala yung iba. May iba naman na nakakakilala sa'kin bilang girlfriend ni Simon at binati ako. Mga taong walang alam na hiwalay na kami ni Simon.

Sobrang lakas din ng music. Talagang literal na party. Mahilig kasi sa musika si Sandro kasi Dj din kaya hindi talaga mawawala iyon.

Nahagip ng mata ko si Sandro. Wala paring pinagbago. Gwapo pa'rin ito ang kaso kinulang sa height. Pft. Well mas matangkad parin siya sa'kin.

Papalapit na sana siya sa table namin nang makita niya ako. Akmang kakawayan ko siya ng bigla siyang umalis. Hays

"Okay na ba kayo ni Kuya Sands?" tanong ni Vinny.

"I don't know. It seems that he's still avoiding me" malungkot na sagot ko.

-------
Hatinggabi na at sobrang wild na ng mga tao dito. Tapos na yung formal celebration. Nagsi-uwian na kasi yung mga matatanda kaya kami nalang ang natitira ngayon.

Para kaming nasa bar. Inom here. Inom there. May mga nagsasayawan na sa gitna. May iba nasa stage at todo giling ang katawan.

Nanatili pa rin akong nakaupo sa table ko at umiinom ng wine. Hindi ko alam pang ilan baso ko na to. Hindi ko din mahagilap si Vinny. Pati si Simon. Teka ba't ko ba siya hinahanap. Psh.

Kukuha ulit sana ako ng wine nang may pumigil sa'kin.

"You're drunk" tiningnan ko kung sino ang nagsalita at nakitang si Sandro iyon.

Ha! Himala pinansin niya ako ngayong araw. Akala ko masasayang lang pagpunta ko dito kung hindi ko naman siya makakausap.

Ngumisi ako sa kanya.

"Hello there London boy. How's life?"

"Halika na. Let's go home"

Hihilahin na sana niya ako paalis pero nagpumiglas ako.

"Can't you see I'm drinking? Napaka kj mo talaga Sands!" pagmamaktol ko sa kanya.

Marahas niya akong hinila patayo at lumabas. Halos mahiwalay na yung braso ko dahil sa pagkakahawak niya.

"Sandro! You're hurting me!"

Binawi ko ang kamay ko. Napatigil naman siya sa paglalakad.

"I'm sorry" saad niya.

"Sorry for what? For pulling me? Or for the past years of not talking to me?"

Hindi siya nakaimik sa tanong ko. Wala talaga siyang plano kausapin ako.

"Okay. Fine! Ganito talaga gusto mo Sands? Sige. Magkalimutan na tayo"

Hindi ko alam kung ano iniisip niya at iniwasan nalang ako bigla. Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya.

Tumalikod ako sa kanya at maglalakad na sana nang may makita ako.

Damn.

Can this day get any better?

I saw Simon with a blonde girl. Hugging. Laughing. Mas nanlumo ako ng halikan siya ng babae sa lips. Epekto ba to ng alcohol kaya kung ano ano nalang nakikita ko. Hays.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanila. Sige Hilary. Saktan mo pa sarili mo.

Naramdaman kong may nagtakip sa mga mata ko.

It was Sandro.

Until we meet again (Simon Marcos)Where stories live. Discover now