CHAPTER 3

80 5 0
                                    

"Congratulations to our newlywed couple!"

Napuno ng palakpakan ang buong lugar. Makikita mo sa mga tao na masaya sila para sa bagong kasal. Ang saya. Ang sarap siguro makasal?

Ano kayang feeling nun? Anong feeling na makasal sa taong mahal mo? Na makakasama mo siya habang buhay? Sabay kayong matutulog, kakain at siya din ang unang makikita mo paggising mo sa umaga. Yung tipong sabay kayo tatanda. Mararanasan ko kaya yun?

Habang nag d'daydream ako biglang may kumalabit sa'kin.

"Oy Cassandra" bulong ni Vinny sa'kin. Tiningnan ko siya ng "ano ang kailangan mo" look.

"Kakainin mo pa ba yang cake?" Tinuro niya ang natitirang cake sa plato ko.

"Gusto mo ba? Sayo na" inilagay ko ang cake sa plato niya.

"Thank you!" masayang masaya naman siyang kumain. Pinisil ko ang pisngi niya.

"Ang cute mo William" sinamaan niya ako ng tingin dahil ayaw niya talaga sa William. Natawa nalang ako sa reaksyon niya.

"Punta muna ako sa labas" pagpapaalam ko sa kanya. Tumango naman siya bilang pag sang-ayon.

-------
Nakaupo ako ngayon sa swing ng garden nila habang pinapanuod ang mga bituin sa langit.

"Ang ganda" mahinang sabi ko.

"Yes. It's really beautiful" nagulat ako ng makita si Simon sa likuran ko. Nakatingin sa akin. Yung tipong malulunod ka dahil sa lalim ng titig niya.

"You're beautiful" bulong niya pero sapat na para marinig ko.

Hindi ko alam ang gagawin. Akmang aalis na ako para iwasan siya pero pinigilan niya ako.

"Please.. stay"

Yung boses niya parang nagmamakaawa sa'kin. Nang tingnan ko ang mga mata niya parang ang lungkot lungkot nito. Bumalik ako sa pagkakaupo sa swing.

"Here. Wear this" hinubad ni Simon ang suot niyang coat at isinuot ito sa'kin.

Gentleman as always.

Gawain niya ito lagi. Kapag giniginaw ako pinapahiram niya sa'kin ang hoodie niya. Hays. Naiiyak na naman ako.

Pilit kong pinipigilan ang aking mga luha at tumingala nalang sa langit para makita ang mga bituin.

"Hilary" mahinang tawag sa'kin ni Simon.

"Hmm?"

"Nothing" nilingon ko siya at tiningnan ang mukha niya.

Sobrang lungkot niya. Nararamdam ko ito. Alam kong pareho kaming may gustong sabihin pero hindi namin ito masabi. Napangiti ako ng mapait.

"Let's go? It's cold here." pag anyaya niya sa'kin.

Umiling naman ako. "I'll just stay here for a while. You go ahead. Susunod ako" ngumiti ako sa kanya.

Tinitingnan ko siya habang naglalakad siya palayo sa'kin. Doon na nagsimulang tumulo ang luha ko. I just realized that I still love this man. All the pain that I've been hiding just came out of nowhere.

Why did you leave me?

-------
Around 10 pm nang makauwi ako sa bahay.

"Thank you, William" paalam ko kay Vinny.

"Aren't you going to tell me what happened?" pilit akong ngumiti sa kanya.

"Ayoko muna pag-usapan" napailing nalang siya sa sagot ko pero hindi na siya nagpumilit pa.

"In case you need me, just call me" tumango naman ako. Ngumiti siya sa'kin saka hinalikan ako sa noo.

Nang makapasok sa bahay agad akong nagbihis at nahiga sa kama. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin at namamaga parin ang mata ko. Kaya sobrang pag aalala ni Vinny kanina kasi nang makabalik ako sa loob ng venue, pulang pula at magang maga na ang mata ko. Halatang galing sa iyak.

Ang daming nangyari ngayong araw. Nakakapagod. Ang sakit sa ulo. Ang sakit sa puso. Hays. Pinatay ko ang lampshade sa side table at natulog na.

Good night self.

Until we meet again (Simon Marcos)Where stories live. Discover now