Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 7

57K 2.4K 367
                                    

"ANO po ang ginagawa mo rito, Teacher Julio?" tanong ni Joy sa guro na bumisita sa kanya sa isla.

"Kukumustahin lang sana kita. Matagal-tagal ka na ring hindi napapasyal sa kabilang isla."

"Maayos po ako, Teacher Julio. Nagpupunta naman dito si Teacher Geline." Nilinga nito ang bahay pero agad ding ibinalik sa kanya ang atensiyon.

"Ang lolo't lola mo ba nandiyan?"

Umiling si Joy. "Wala sila. Nasa kabilang isla."

Tumango ito. Humagod ang tingin sa kabuuan ni Joy at kapagkuwa'y napako iyon sa bandang dibdib. Tumiim ang bagang ng lalaki. Hindi niya maunawaan pero madalas ganito ang ekspresyon nito sa tuwing tititig sa kanya. Bumaling si Julio sa karagatan.

"Napakaganda ng islang ito. Ito yata ang pinakamagandang isla sa Siargao." Ngumiti si Joy na tumanaw rin sa karagatan. Sang-ayon siya sa opinyon ni Teacher Julio. Ang lugar na ito ay nakapaganda. Higit na mas maganda pa nga sa beach resort nina David kung ang pag-uusapan ay ang natural nitong ganda. Nakarating na siya sa beach resort nina David. Dinala siya roon nina David at Judah. Napakaganda niyon dahil sa mga cottage na naroon. May swimming pool at may mga turista na nahuhumaling sa tinatawag na surfing.

"Maaari ba akong maligo rito?" Ibinalik nito ang tingin kay Joy.

"Oo naman po. Walang problema."

Malapad na ngumiti si Julio. "Samahan mo ako."

Nakangiting tumango si Joy. "Sige."

Inabot ni Julio ang butones ng polo nito at isa-isa iyong binuksan. Hinubad nito iyon matapos mabuksan lahat. Nilamukos iyon sa isang kamay. Tumitig ito sa kanya at dahan-dahan ay humagod ang titig nito sa kanyang katawan saka muling tumitig sa kanyang mukha.

"Hubad ka na."

Niyuko ni Joy ang sarili at muling tumingin kay Julio. Umiling siya. "Bawal po."

"Bawal?"

"Ang sabi po kasi ng kaibigan ko at nina Lola at Lolo, hindi ako dapat naliligo nang walang damit sa dagat, lalo na sa harapan ng ibang tao." Kailangan niyang sumunod dahil kung hindi ay baka magalit na naman sa kanya ang kanyang lola at lolo at hindi na siya payagan lumabas ng isla. Ayaw niyang mangyari iyon.

Humakbang si Julio palapit kay Joy. Tumaas ang kamay nito at inabot ang kanyang buhok. Hinawi yon. Inipit sa likod ng kanyang tainga.

"Ayos lang 'yon, Joy. Tayong dalawa lang naman ang nandito kaya hindi ka papagalitan ng lola't lolo mo."

Marahas na umiling si Joy. "Hindi talaga puwede. Maliligo ako na naka-daster. Tara na po." Humakbang si Joy para magpatiuna sa dagat pero hinawakan ni Julio ang kanyang braso. Agad na napatingin si Joy sa braso niya nang medyo maramdaman niya ang pagbaon ng mga kuko nito sa kanyang balat. Medyo mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Hubarin mo na ang damit mo, Joy. Mas komportable kapag walang damit, 'di ba?"

Mula sa braso ay tumingin siya sq mukha nito. "Opo. Komportable nga iyon kaso lang—"

"Kaya nga hubarin mo na 'yan." Itinapon ni Julio ang polo nito sa buhangin at bigla na lang hinawakan ang laylayan ng daster niya saka hinila pataas. Agad naman iyong pinigil ni Joy. Itinulak niya pababa ang palda ng kanyang daster pero pilit iyong itinataas ni Julio.

"Teacher Julio, sandali po... bawal nga po. Magagalit sina Lolo at Lola at mga kaibigan ko."

"Hindi sila magaga—" Hindi na nito natapos ang sasabihin nang bigla na lang may sumuntok dito. Bumagsak ang guro sa buhanginan. Nanlaki ang mga mata ni Joy nang makitang si David iyon. Sinugod pa nito si Julio kahit nakahiga na at pinagsusuntok sa mukha. Ilang sandaling hindi nakakilos si Joy sa gulat. Kumilos siya para awatin si David nang makitang may dugo na ang mukha ni Julio. Hinawakan niya ito si braso at hinilang palayo.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay WHROXIE, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni WHROXIE
@Whroxie
After meeting in the most unexpected way, David Rivas falls for Joy L...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 41 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @Whroxie.
Longing  for  InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon