Chapter 15

120 7 13
                                    

HAPPY 100K READS TO ALVAREOZ SERIES 1: ORDERED TO BE HIS WIFE.

THANK YOU SO MUCH HJFAM! HINDI KO 'TO MAABOT KUNG WALA KAYOOO, LOVELOTS❣️❣️❣️

*****

8 months later...

Geraldine's POV

"Ano ba't nagmamadali ka diyan, Aldine? May pupuntahan ka ba?"

Isinuot ko muna ang aking sandals bago sumagot kay auntie. "Ngayon po ang uwi ni Hunter. Susunduin ko po siya sa airport."

"Sayang-saya ka ah? Boyfriend mo na ba 'yan?" inusisa pa ni auntie ang suot ko. Natawa naman ako sa inasta niya.

"Hindi pa, auntie. Pero baka mamaya, oo na." giit ko at ngumiti nang pagkalaki-laki.

"Awsus, ayun na po. Mag-ingat ka riyan sa Hunter na 'yan ah? Baka mamaya ay maging pakwan na rin 'yang tiyan mo."

"Grabe ka naman, auntie."

"Sinasabihan lang kita. Oh siya, umalis ka na. Kahiya naman sa'yo." giit ni auntie at inirapan na ako. Nagtungo na ito sa kusina upang ipagpatuloy ang pagluluto.

Ako naman ay umalis na nga sa bahay at pagkalabas ko ng kanto ay naroon na nga ang binook kong Grab.

Halos limampung minuto ang itinagal ng byahe at nang makarating na nga kami sa airport ay dali-dali na akong bumaba.

Ang tagal ko siyang hindi nakita. I missed him so much.

Nang makarating ako sa waiting area ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa dala kong pocket mirror. Inayos ko ang bangs ko dahil nagulo ito ng kaunti.

Nang makapunta ako sa waiting area ay nakita ko roon si Victoria, ang secretary ni Lucas Yuan.

"Oh, Geraldine! Mabuti naman at nandito ka na." bati niya sa'kin. Ngumiti ako at tumabi sa kaniya.

"Kanina ka pa dito?"

Umiling siya at umusog ng kaunti upang bigyan ako ng space. "Kararating ko lang din, mga 5 minutes."

Napatango ako. Pagkatapos niyon ay pinagmasdan ko ang suot niya. Nakapang-business attire pa rin siya na para bang pagkarating ng boss niyang si Lucas Yuan ay didiretso na naman sila ng kompanya upang magtrabaho. Well, malaki ang probability nun.

"Mukhang maghihintay pa tayo rito ng mga ilang minuto." giit ni Victoria at may inilabas na folder mula sa kaniyang bag.

"Nakapagpapahinga ka pa ba?" pabirong tanong ko sa kaniya, natawa naman siya.

"Medyo. Kailangan kasi talagang super focused sa trabaho lalo pa't may inihahanda kaming proposal ni Lucas sa mga business partners."

Napangiwi ako nang kaunti. "Sana 'di mo pinapagod nang lubos yung katawan mo."

"Okay lang ako, plus, lagi naman akong isinasama ni Lucas sa mga vacations niya abroad--instant pahinga."

Even though I know she's tired, nakikita ko pa rin sa kaniya na masaya siya sa ginagawa niya. I think she's really focusing on the brighter side of her life. I really admire her.

Few minutes still passed until they arrived. Halos maatake ako sa kaba habang hinihintay na makitang muli si Hunter.

Ayos lang ba ang ayos ko?

Ang mukha ko kaya?

Sabog ba ang buhok ko?

Paano kung hindi niya ako na-miss?

Paano kung--

Natigil ang pagkabalisa ko nang hawakan ako ni Victoria sa kamay. "It's okay, Geraldine. Don't be so anxious."

DuplicateWhere stories live. Discover now