Chapter 17

20 2 0
                                    

Geraldine's POV

Halos lahat yata ng empleyado ng Alvareoz Main ay nakalapat ang mga mata sa'min ni Hunter nang makapasok kami ng building. May mga iba pang nagbubulungan at ang iba naman ay parang wala namang pakielam at binabati lang kaming dalawa.

Tiningnan ko si Hunter para alamin kung ano ang reaksyon niya sa pangyayari pero steady lang siya at professional talaga ang datingan. Parang normal na araw lang sa kaniya.

Hay nako, paano naman ako? Hindi ako mapakali. Alam na ba ng lahat na jowa ko na ang boss naming lahat?

Nang makapasok kami sa private elevator ay nanlaki ang mga mata ko nang hawakan ako ni Hunter sa bewang.

He was smirking when I looked at him. A line formed between my eyebrows.

"Why are you smirking?"

"You look so tense. Don't be, love." he leaned closer to me and kissed my temple.

"Love, huh?" I gave him a teasing look. May endearment na pala siyang nagawa, ready ang kuya mo.

"What's wrong with it? Ayaw mo ba?" sobrang inosente ng kaniyang pagkakatanong.

Umiling ako at niyakap siya. Tumingala ako para tingnan siya. "I love it, mahal."

He chuckled and wrapped his arms around me. "I hope you know how much I adore you, love."

"I know. You love me so much!" I gently laughed before I continued speaking. "But I also hope that you know how much you mean to me, mahal."

Magsasalita pa sana si Hunter nang biglang bumukas ang elevator. Agad akong napahiwalay sa kaniya.

Namula agad ang pisngi ko nang makitang may sakto palang padaan sa harap ng elevator. Napa-side eye pa ito bago magpatuloy sa pagdaan. Nakakahiya!

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Hunter ang kamay ko. Akma na siyang lalabas ng elevator nang bawiin ko ang kamay ko.

"May makakakita, mahal." kabadong paliwanag ko.

Binigyan naman niya ako ng assuring look. "Then let them see how happy we are. There's nothing wrong with us being in a relationship, love."

Napakagat ako sa labi ko. Pa'no kung may masabi ang iba?

Inilahad na ni Hunter ang kamay niya para muling kunin ang kamay ko. Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ito pero nang tingnan ko si Hunter na para bang walang kahit na ano siyang kaba ay hinawakan ko na rin ang kamay niya.

He smiled at me. "Don't worry about anything, love." he even kissed the back of my hand.

Wala na, hulog na hulog na talaga ako sa lalaking ito. Ano bang nagawa kong kabayanihan sa past life ko at binigyan nila ako ng isang Hunter Alvareoz ngayon?

Nang lumabas kami ng elevator ay kinakabahan pa ako ng konti dahil sa mga tingin ng mga empleyado pero nang pisilin ni Hunter ang kamay ko na para bang sinasabi niyang 'wag akong kabahan ay nawala nga ang kaba ko.

Nakita ko ang iba kong mga close na empleyado na nakangiti at parang botong-boto sa'min ni Hunter kung kaya't napagaan pa nila lalo ang nararamdaman ko.

Pagkarating namin sa harap ng opisina niya ay ako na ang naunang bumitaw sa paghahawak kamay namin. Nang tingnan ko siya ay nagtataka pa siya kung bakit ako humiwalay.

"May opisina rin po ako, SIR Hunter." diniinan ko ang pagtawag ko sa kaniya.

He chuckled and nodded at the same time. "Okay, MISS Geraldine." gaya niya rin sa akin.

DuplicateWhere stories live. Discover now