Prologue

778 23 5
                                    

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, occurrences, and incidents are all inventions of the author. Any connection to real people, living or deceased, or real events is entirely coincidental.

STOP PLAGIARISM! IT IS A CRIME.

*****

Geraldine's POV

"O.M.G!!! My golly golly! Break na sila, oh yeah!" nagtatatalon ako sa tuwa.

Malapit na ang new year at may pa-good news ang CA fans! Break na ang super duper crush and idol kong si Calixter Alvareoz pati ang hindi naman kagandahang girlfriend este EX-girlfriend niyang si Maecy. My golly! This is the best year ever. Sinasabi ko na nga ba at hindi sila ang para sa isa't isa dahil ako talaga ang para sa kaniya!

"Aldine, ano ba lumabas ka na diyan at baka masira ko itong pinto ng kwarto mo! Nakakabanas ka ng babae ka ha! Wala ka na ngang trabaho tapos nandiyan ka pa sa kwarto mo, nagseselpon! Tumulong kang maglaba dito! Aba'y bwisit ka talaga! Labas!"

Halos takpan ko na ang tenga ko. Aysus, si auntie Sonya iyon. Ang laging nagmemenopause na kapatid ng tatay ko. Palibhasa'y byuda na kaya ganiyan. Armalite ang bunganga.

"Lalabas na ho!" sigaw ko at inayos ang kama ko. Panira talaga ng saya iyong si auntie. Kaya nagagalit sakaniya yung pinsan kong si Angela na anak niya eh. Lagi kasing binabawalan ni auntie si Angela tungkol sa Kpop. Hays.

"Dalian mo at marami pang gagawin!" muli nitong sigaw. Hays, papaano ko ba natitiis iyong si auntie?

Pagkababa ko ay lumabas na ako ng bahay. As usual, marami ang nakikilaba dahil may pabomba si auntie.

"Lovelie! Angela! Aba'y mga wala talaga kayong hiya! Magsibangon kayo diyan at baka mapatay ko kayo! Maglaba kayo dito! Itatapon ko yung mga panty niyo sa pagmumukha niyo, mga bwiset!"

Umiling nalang ako at tinulungang maglaba si ate Alyana. Panganay na anak ni auntie.

"Nakakarindi si nanay, ano? Wala ka pa'rin ba talagang balak na umuwi sa bahay niyo?" tumigil siya ng kaunti sa paglalaba. Napanguso naman ako.

"Mas gusto ko nalang dito, mas nakakarindi naman ang katahimikan doon." napapikit ako.

Bakit nga ba ako narito kila auntie? Dahil may tinatakasan ako? Hindi eh. Gusto kong lumayo sa tunay kong pamilya. Hindi sila ang pinangarap ko.

"Alam mo, mas mabuti kung aayusin mo ang relasyon mo sa kanila. Hindi maganda na nagdaramdam ka sa kanila." giit ni ate Alyana.

Napailing akong muli. "Hindi pa ito ang panahon, ate. Ayoko muna." sagot ko. Basta. Ayoko munang bumalik sa kanila.

"Oh anong ginagawa mong babae ka? Maglaba ka na at huwag na kayong magkwentuhan, bwiset!" hinagis ni auntie ang sabong panlaba sa amin. Nashoot iyon sa batsa kaya parehas kaming nabasa ni aye Alyana. Aish, wala talagang pasensiya si auntie.

"Kayo po ba si ma'am Geraldine Bartolome?" Isang lalaki ang dumating sa bahay nina auntie. May dala itong sobre na sigurado akong para sa akin.

"Ako nga." sagot ko sa walang ganang boses. Wala pa mang isang buwan ay may dumating na namang sobre. Hindi ko pa nga nagagamit yung last na dumating.

"Ipinabibigay po ni madame Aurelia." ibinigay niya sa'kin ang sobre at umalis na. Nang silipin ko ang laman niyon ay napailing nalang ako.

"Oh sino 'yon?" tanong ni auntie pagkapasok ko sa loob ng bahay. Nanunuod ito ng variety show habang kinukutuhan si Angela.

Tumabi ako kay auntie at ibinigay sa kaniya ang sobre. "Padala ulit ni mama. Sa'yo nalang, auntie." nawalan na talaga ako ng gana. Akala ba nila gusto ko ang pera nila? Mangarap sila.

Kinuha ni auntie ang sobre at ginamit iyon para batukan ako. "Sa'yo iyan tapos ibibigay mo sa'kin? Itago mo nalang kung ayaw mo."

Napapikit ako. Gusto kong pumunta sa kompanya ng mga magulang ko at ihagis sa mga pagmumukha nila ang mga pera na ipinadadala nila. Hindi ako gamit na basta basta nalang ipinamimigay. Nakakainis.

"Napakamapagmalaki naman kasi niyang nanay mong nagmamaganda. Sa susunod talaga na pumunta iyan dito, sasampalin ko siya ng kawali!" nasabunutan pa yata ni auntie si Angela sa gigil niya. "Kung ayaw mo ang pera nila, mas ayaw ko ano! Kung pwede ko lang talagang sunugin ang kompanya ng nanay mo, ginawa ko na."

"Ma, masakit." giit ni Angela. Sabi ko na eh. Gigil na gigil talaga si auntie kay mama. Pero okay na okay lang sa'kin. Sumusobra na kasi si mama.

"He! Manahimik ka." baling ni auntie sa anak nito at muli niya itong kinutuhan. Napailing nalang ako. Ang swerte nga ng mga pinsan ko at nandito si auntie at inaalagaan sila. Ako kasi, hindi ko naramdaman iyon.

"Aldine!" napagawi ang tingin ko sa hagdan. Pababa si ate Alyana at dala nito ang cellphone niya.

"Oh?" tanong ko at umusog ng kaunti para makaupo rin siya.

"Naghahanap ng mga employees ang Alvareoz Main!"

Nanlaki ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko?! "Hindi nga?!" napatayo ako sa tuwa.

"Nagchat kasi si Zen sa'kin. Sinabi niya nga iyon! My ghad, yung pangarap mo!" giit niya at pumalakpak. Nabatukan naman siya kay auntie dahil ang ingay daw nito.

"Kailan ako pwedeng mag-apply?" tanong ko. Sa totoo lang, kaya kong makapasok sa iba't ibang kompanya ng walang hirap kung may kapit ako sa pamilya ko pero, mas gusto ko na sariling sikap ang ginagawa ko.

"Bukas daw sabi ni Zen." sagot ni ate Alyana at hinilot ang likod ni auntie. Napatango naman ako.

Kailangan kong maghanda ng magandang isusuot! This is it pansit!

DuplicateWhere stories live. Discover now