Chapter 7

110 12 0
                                    

Napatagal na naman ang aking update dahil tinamaan na naman ako ng katamaran. Hays.

Love you JDnians~~

*************

Geraldine's POV

It's Saturday at wala akong pasok. Ang sabi rin kasi sa'kin ni Hunter ay magpahinga muna ako. Gusto ko ngang magreklamo sa kaniya dahil sobra ang pagkaprotective niya sa'kin. Isang linggo palang akong secretary niya pero parang isa na'kong matanda na pwedeng magresign.

Ayoko yung feeling na parang biased. Ang dami pa namang chismosa sa kompanya at idagdag mo pa ang general manager ng dati kong department. Ilang beses ng nagsusumbong sa'kin si Zoya na pinag-iinitan daw siya nito dahil lang sa kaibigan ko siya. Namumuro na talaga ang Candy na iyon.

Nandito nga pala ako sa ospital. Nagmistulan na itong bahay para kay ate Alyana. Ayaw niyang iwan ang tabi ng anak niyang si Lovelie. Ilang araw naring tumatawag sa kaniya yung boss niya pero hindi niya sinasagot. Sigurado siyang papagalitan lang daw siya nito.

Actually, ngayong secretary na'ko, mas lumuwag ang damdamin ko. Hindi ko na kailangang isipin pa yung mga perang pinapadala ni dad. Mags-stay nalang talaga iyon sa aparador ko at hinding hindi ko gagamitin iyon kailanman. Ako na'rin ang tutulong sa gastusin dito sa ospital dahil nga may away between auntie and mom. Masyadong mataas ang pride ni auntie para humingi pa ng tulong sa kuya niya kaya ako nalang. Nasa side naman ako ni auntie.

Ang tanging problema ko nalang ngayon ay ang pagbalik ng walang konsensiya kong ate. After what she had done to me, babalik siya na para bang walang nangyari. Kung siya nakalimutan niya na ang nangyari, pwes ako hinding hindi pa! Kahit kailan ay hindi maaalis sa utak ko ang ginawa niya. Hampaslupang babae. Gusto ko siyang ingudngod sa putikan! Ugh!

"Aldine, pwede ka bang bumili ng prutas sandali? Kahit diyan nalang sa mall." napa-angat ang tingin ko nang magsalita si auntie.

Kumunot ang noo ko at tumayo mula sa pagkakaupo. "Naubos na ba yung mga binili ko nung isang araw? Ang dami nun ah." sagot ko. Napa-irap naman si auntie.

"Angela! Angela!" tawag niya sa anak nito. Nang makalapit si Angela ay kinutusan siya ni auntie. "Tutal punyeta ka naman at ikaw ang umubos nung apple na para kay Lovelie, samahan mo ang ate Aldine mo sa mall at bumili ulit kayo ng prutas! Napakatakaw mong hampaslupa ka, hahampasin na kita ng dextrose hayop ka."

Napangiwi si Angela. Natawa nalang ako at inayos ang pagkakasuot ko sa sandals ko. "Tara na." yaya ko sa kaniya.

"Alam mo ate lagi nalang high blood si nanay. Pwede mo ba siyang ipacheck up? Mukhang malala na siya eh."

Natawa ako at ginulo ang buhok niya. "Hayaan mo na si auntie. Nagmemenopause lang siguro."

Napanguso siya. "Alam mo ate, may kaisa-isa lang talaga akong tanong sa isip ko." sabi niya at inayos ang buhok niya.

Kumunot naman ang noo ko. "Ano naman 'yon?"

"Bakit ganun yung ugali ni nanay? Alam ko naman na lumaki siya sa mayamang pamilya 'tsaka yung mga napapanood ko sa TV, nag e-english sila pero bakit si nanay parang simula't sapul pinanganak siya sa low class na pamilya?" tumigil siya sa paglalakad. "Ni minsan hindi ko pa narinig si nanay na magsalita ng full english. Gusto ko ngang marinig yung accent niya eh."

Napangiti ako. "Siguro dahil gusto niya lang kalimutan na naging mayaman siya. Mahirap din naman ang naranasan ni auntie nung kasing edad niya ako. Alam mo naman 'yon di'ba?"

"Pero bakit hindi ko pa nga siya naririnig na mag english? Kahit kausap niya si tito Jaime, hindi talaga siya nag e-english."

DuplicateOù les histoires vivent. Découvrez maintenant