Chapter 0: Destiny Road

827 85 5
                                    

Minsan tinatanong ko ang aking sarili kung bakit ba ako nakiki paglaban.

Para ba sa pamilya?

Sa minamahal?

O sa bayan?

Matagal ko ng tinatanong ito pero ngayon ko lang natuklasan ang sagot ko sa bagay na ito.

Para sa pera

Iba-iba ang opinyon ng ibang tao.

Pero sa isip ko ay halos lahat ng bagay ay nasa sasagutan ng pera.

Wala kang makain ano ang kailangan?

Wala kang masuot na damit ano ang kailangan?

Wala kang bahay ano kailangan?

Gustong mag-aral ano ang kailangan?

May sakit at nasa ospital ano ang kailangan?

Mang liligaw ka ano ang kailangan?

Mag mamahal ka ano ang kailangan?

Hindi ako hipokrito para mag kunyari

Marami na akong naranasan sa buhay lalo na ang kaway ng kamatayan.

Dahil dito iniisip ko rin sa bandang huli ang kailangan ko sa buhay.

Ang gusto ko sa buha.

Mag saya

Gamit ang pera

Mag pahinga

.....

Madilim ang gabi dito sa Seoul.

Sa bawat hakbang na aking nilalakad ay na iniisip ko kung ano na ang mangyayari sa akin.

Mag hanap ng babae at magka pamilya?

Mag hanap ng bagong trabaho?

Maraming akong tanong sa sarili kung ano na ba ang gagawin ko matapos ang aking serbisyo bilang retiradong sundalo.

Tumingin ako sa langit at pumikit ng saglit.

Dinama ko ang ingay ng paligid at ang lamig.

Kumalma ang aking pakiramdam at hindi nag-tagal narinig ko ang isang palabas malapit sa aking kinatatayuan.

Lumapit ako sa isang telibisyon ng isang tindahan at nakita ko sa komersyal ang tinatawag na 'VR game'.

Dito sa mundong ito ay mararanasan mo ang mapunta sa ibang bagong mundo.

Mundo ng pantasya at mahika.

Digmaan at mga halimaw.

Para maging alamat ay Ibat-ibang uri ng pagsubok ang kailangang daanan.

Para makilala ang iyong pangalan.

Ito ang kuwento na narinig at nakita ko sa palabas.

Hindi ko alam kung bakit.

Pero...

Kusa na nag-lakad ang aking mga paa patungo sa loob ng tindahan.

Hindi ko na namalayan na nasa harap na pala ako ng tindera.

Nakita ako ng tindera at ngumiti siya sa pani bago niyang mamimili.

"Ano po kailangan nila sir?" Masiglang bati ng batang babae saakin.

Sa tanong na ito ay parang isang lamig ang naramdaman ko sa aking katawan.

Hindi ko alam kung bakit pero kusa ng bumukas sa aking bibig para sa sagot.

"Gusto kong bumili ng VR Game"

Sa bandang huli gumaan ang aking pakiramdam ng sinabi ko ito.

The Immovable OnlineWhere stories live. Discover now