Chapter 49: Bet Offer

63 9 2
                                    

Hinambalos nila ang kani-kanilang dibdib pangbulabog nang nag battle cry ang mga mini-Silver Giant sa gagawin nilang atake.

Para silang puting liwanag na tumalon ng napakataas mahigit dalawang daang metro sa langit, Sa kunting hinto nila sa ere ay pabagsak na sila sa napili nilang direksyon.

Parang nag isiskydiving lang sila na una paa pabagsak.

Mabilis bumulusok ang mga mini-Silver Giant pababa para silang mga bulalakaw sa bilis, Sa pagdikit ng kanilang mga paa sa lupa ay parang umalon ang buong kapiligiran at nagsi-angatan ang mga lupa na sumira sa 300 metrong lupang pabilog na ikinasawi ng mga players, puno at ilang mobs sa area.

BOOOOOM!

BOOOOOM!

BOOOOOM!

20 na mini-Silver Giant na parang suicide bomber ang nagkalat sa paligid.

BOOOOOM!

BOOOOOM!

BOOOOOM!

Hindi lang sila pati ang mga players na nasa likod ng mga Red Eagle ay muling umatake habang may mana pa silang natitira.

BOOOM!

BOOOM!

BOOOM!

Walang ibang maririnig sa paligid kundi puro pagsabog dahilan para magkagulo ang mahigit 3000 players sa paligid at mukang padami pa ng padami sila sa bawat minutong lumipas.

Matapos gamitin ng mga mini-Silver Giant ang kanilang mga skills ay mabilis silang sumugod sa mga players ng magkakasama grupong tatlo.

Kaya bali may 6 group ng mini-Silver Giant ang naghiwalay hiwalay ng direksyon para ubusin ang mga players na natira sa nangyaring mga pagsabog.

Ang natirang dalawa na mini-Silver Giant ay pumunta sa direksyon ng Liutenant na syang pinakamalakas sa kanilang kasalukuyang grupo ngayon para ubusin din ang mga kalaban na malapit ng mamatay salamat sa bombang pang yayari.

Maraming nagagalit sa atake ng mga mini-Silver Giant, Hindi nila inaasahan na maraming AOE skill ang kalaban na kayang umabot ng halos 300 metro ang lawak ng kasiraan na magagawa.

Ang ilang mga players na nagtatangkang pumasok sana sa Ups Mining Area ay ngayon tuluyan ng nag si alis pabalik.

Namatay ang halos 1500 players sa nangyari pag-atake ng mini Silver Giant, May ilan pa ding players na matapang tumuloy at pumalag sa mga mini-Silver Giants, Tanks at Warriors na kasamahan ng mga nasa ere na players.

Gamit ang dami ng kanilang Guilds na-pressure nila ang mga player na may Silver Giants kahit papaano.

Pero madaling nasisira ang mga grupo ng 4 Major Guild at ilang other Guild ng lumitaw ang mahigit 50 Assasin na pinag-baback-Stab sila sa leeg.

Pareparehas ang mga weapons ng mga Assasin na malakas ang ups at parang na mass produce.

"Ano bang Guild to!? Ang lalakas ng mga equipments nila!"

"Sila ata ang Iron Rose"

"Huwag na tayo tumuloy, Kahit marami pa tayo kung mamatay naman lang sayang lang ang gamit natin na mahuhulog pati 1 level down!"

"Huwag na magpakabayani atras nalang dali!"

Sa lumilipas na minuto marami muli ang nadagdag na players na galing sa side ng 4 Major Guild na kanina ay nasa 1500 ngayon ay dumami na muli pabalik sa 3000.

Laban sa 3000+ players na karamihan ay ordinary member nasa ngayon ay walang kaayusan dahil halo halo sa command ang kanilang Guilds.

Kinaya lang tuloy sila ng 132 players ang grupo ng mga players na may disiplina, kaayusan at ginagalang nila ang pinaka mataas na ranggong Guild Member na naka assign sa oras na ito.

The Immovable OnlineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora