Chapter 9: Good Depth

276 50 2
                                    

Plop!

Sumisid si Deon muli sa gitnang ilalim ng lawa para tignan kung meron syang makikita pa o makakalaban.

Nang makita ni Deon ang pinaka ilalim napansin nya ang isang bagay.

*Treasure Chest

Napangiti si Deon sa tuwa dahil base sa kwento ng Mayor, May mga nakuha itong yaman sa mga napaslang ng Armored Crocodile.

Binuksan nya ang laman at nakita ni Deon ang dalawang bagay na sa loob.

1000 pirasong silver coins at isang belt.

*Silver Scale Belt (Silver Rank)
*Level: 20
*Defence: 100
*Magic Defence: 100

"Hahaha!" Tumawa sa galak si Deon

Mapapansin na malakas ang equipment na ito kahit ang magic defence ay mataas.

'Benta ko din kaya?' Inisip nya mabuti at mukhang mas mabuti pa na itago nya nalang muna sa ngayon.

Una sa lahat isa itong belt equipment.

Ito ang pinaka bihirang equipment sa mga baluti bukod sa sandata, At level 20 ito kaya sa paningin ng iba mababa na value nito pag na abot na ng iba ang level 30.

Napag lipasan na agad sa paningin ng iba ang level 20 equipment kahit belt pa ito na Silver Rank Equipment pero kay Deon mas maganda na gamitin nya kaysa sa ibenta.

Tinignan nya ang bawat sulok ng lawa at siguradong wala na talaga syang natuklasang iba.

Perposia

Matapos ang pag lalakbay umuwi na sya sa kanyang lungsod at pinuntahan ang Mayor para ibigay ang patunay na napatay na ni Deon ang Armored Crocodile.

"Isa palang Armored Crocodile ang naka tira doon." Sumenyas ang Mayor sa kasambahay at sinabi din "Kunin ang bangkay ng Armored Crocodile sa lawa ng Perposia hindi pwede masayang ang mga materyales nito."

'Mga NPC lang pala ang may kakayahan na kunin ang bawat parte ng isang halimaw. Hanggang maliit na parte lang ng balat o karne ang nahuhulog pag player ang naka patay sa mga halimaw' Sinabi ni Deon sa kanyang isipan.

"Maraming salamat mang-lalakbay. Kung hindi dahil saiyo mas marami pang aksidente ang mangyayari" Galak na sinabi ng Mayor at dinadagan ang pahayag "Sabihin mo sa akin ang gusto mong premyo sa kabutihang natulong mo mang-lalakbay"

'Oh? pwede akong pumili ng premyo' Hindi ito pinalampas ni Deon.

"May mga sandata at baluti na ako, Meron din akong gold coins at napapansin ko na isa ang tangi kong kinakailangan ay lumaki ang Inventory Slot ko" Sabi ni Deon sa Mayor.

"Inventory Slot?" Tinanong ng Mayor na nag tataka.

"Opo Mayor Inventory Slot" Inulit ni Deon

"Hmmm......" Napa isip ang Mayor.

"Hindi mo alam yun Mayor?" Tanong ni Deon.

"Hindi ko alam. Ano ba iyun mang-lalakbay?" Tanong ng Mayor

"Hahaha baliwalain mo nalang ang sinabi ko" Kinamot ni Deon ang likod ng kanyang ulo sa hiya.

"Ang nais kong premyo ay 10,000 gold coins" Seryosong sinabi ni Deon, Gayun pa man alam ni Deon na imposible ito.

"Hindi ko kaya ibigay ang gusto mong hingin mang-lalakbay" Malungkot na sinabi ng Mayor.

"1000 gold coins"

"Patawad mang-lalakbay masyadong malaking halaga ang hinihingi mo"

"100 na gold coin?"

"Hindi ko kaya patawad mang-lalakbay"

The Immovable OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon