Chapter 19: Peaceful Word

259 46 4
                                    

Mula sa Mountain Ridge papunta sa gubat kung saan karamihan ng halimaw ay mga Heavy Boar ay mapapansin ang isang 'Halimaw' na tumatakbo.

Hindi ganoon ka bilis pero maganda tignan kung susubukang sakyan ito.

Tatlong metro ang laki na may katawang tulad sa tao samantala ang paa nito hanggang hita ay parang may pag kahayop tignan. Maamo ang mukha pero mararamdaman mo ang bangis pag tinitigan kana ng halimaw na ito.

Matipuno at malapad ang katawan na meron mga baluti na kulay itim na parang gawa sa balat ng isang Rhino. Pula ang mga mata nito, makapal at  mahaba ang buhok na talagang mapapahanga ka sa ganda ng kanyang desenyo dahil sya ay...

Isang taong Leon

May ilang mga player na nakakita sa pag takbo ng Leon, Mas mabagal sya sa kabayo pero mas kakaiba tignan ito lalo na't may isang napakagandang dalaga na naka sakay sa balikat nito.

Sila si Deon at si A-yeong

Naka upo si A-yeong sa kaliwang balikat ni Deon habang ginagamit niya ang kanyang kanan braso na yakap-yakap ang ulo ni Deon para hindi sya mahulog.

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ni A-yeong.

"Ground Golem" Sinagot ni Deon habang kalmadong tumatakbo na parang tulad sa jogging.

Nagulat si A-yeong at tinanong "Kaya mo?"

"Sa tingin mo?" Tumingin si Deon sa kanyang kaliwa para tignan si A-yeong.

"Hindi ko alam" Umiling si A-yeong sa pag sagot.

"Mataas ang defence ng Ground Golem" Sinundan ni A-yeong ang pag banggit.

"Gaano kataas?" Dumeretso na ng tingin si Deon sa daan habang nadadaanan nila ang ibang player sa paligid.

"7,000"

"Ang buhay naman ay?"

"70,000"

"Kung ganun madali lang" Ngiting sinabi ni Deon at tumalon sya sa isang puno na naka bagsak at pinagpatuloy ang pag takbo.

Nag tatanungan ang dalawa habang sila ay nag lalakbay, Nadaanan nila ang tulay kung saan makikita ang ibang player na namimingwit ng isda. Nadaanan rin nila Deon kung saan malapit nya napatay ang Dead Head Skull Gold Rank Boss noon at kinuwento ni Deon ito kay A-yeong.

Kapansin-pansin na pala tanong si A-yeong kay Deon.

Bakit ang lakas mo?

Nandadaya ka ba?

Bakit Barbarian Beast?

Bakit hindi Human pinili mo?

Ano pa nakuha mong gamit?

Hinintay mo ako mabuhay sa Mountain Ridge?

Anong ginagawa mo sa ilalim ng lupa noon?

Kailangan mo ba ako?

Kung nandito lang si King's Way at nakita nya si A-yeong na ganito na pala-tanong at pala-salita sigurado ma-iinggit sya.

Sa gubat na ito may mga player sa paligid na lumalaban sa mga Heavy Boar para magpa level at gumagamit ang mga Mage at Archer nila ng ibat-ibang uri ng skills upang matalo nila ang mga ito.

Sa gitna ng laban napadaan sila Deon sa mga atake ng mga player ng biglang may tamamang na skill sa mukha ni A-yeong.

Hinarang ni Deon ang kanyang kaliwang kamay na parang sasapo lang ng bola para salagin ang naligaw na atake.

Ting!

"0"

Umusok saglit ang balat ni Deon sa 'Flame Shot' skill ng Mage na hinarangan ni Deon.

The Immovable OnlineOù les histoires vivent. Découvrez maintenant