Chapter 43: Near Fight

265 42 11
                                    

Tinitingnan ng Silver Giant ang lupa na puro naka angat sa paligid.

Alam ng Silver Giant na natamaan nya ang Leon kahit hindi nya na ito na pigilan sa pag langoy sa lupa. Mukang deretso ang direksyon ng Leon na kanyang kalaban.

Ito ang nasa isip ng Silver Giant.

Para maka siguro ang Silver Giant ay binaba nya ang kanyang ulo gamit ang tenga sa lupa at pumikit para ramdamin ang ingay.

Baliwala

Hindi nya mapakinggan, Mukang malalim masyado ang lupa at mabilis na nakakalayo sa kanya ang Leon.

Kumulot ang kilay ng Silver Giant Gorilla at tiningnan nyang muli mabuti ang paligid.

Habang wala pang ginagawang pag galaw ang Silver Giant ay mabilis na tumatakas si Immovable papunta kala Icy na lumalayo.

Naisip ni Immovable na humiga para mabilis bumalik ang kanyang HP pero masyadong matagal ang paraan na ito kaya na isip nya isa pang plano.

Ang mag sakrispisyo ng taohan.

Tama.

Bilang sundalo na mataas ang posisyon noon ay hindi ma iiwasan ang mag sakripisyo para sa nakakarami.

Una hindi naman talaga mamatay ang mga player sa laro na ito sa tunay na buhay kaya ayos lang ang plano na ito.

Masakit lang at maraming masasayang pag namatay.

Kaya pinuntahan nya sila Icy.

"Akomi, Malapit na ako sa lugar nyo" Sinabi ni Immovable gamit ang system call.

"Alam na namin gagawin Guild Master" Tumango si Akomi habang nakasakay kay Magma.

Si Magma lang ang may HP na mataas bilang Gold Rank Boss pet kaya nabuhay sya sa AOE na atake ng Silver Giant kanina.

Hindi lang sya na isama sa loob ng 'Iron Will' Wei Min dahil hindi sya kasya.

Bumaba si Akomi ngayon habang tumatakbo pa si Magma at nakita ito ni Wei Min kaya bumaba narin sya.

Nakita nila A-yeong ang pag baba nilang dalawa.

"Pasensya na Akomi, Ito ang isang paraan na naiisip ko sa ngayon" Sinabi ni Immovable sa call system.

Napatango si Akomi sa narinig.

Dahil ito nalang ang isa pang paraan para manalo.

"Mauna na kayo, Kailangan kami ni Guild Master" Sabi ni Akomi.

Nakita rin ni Icy na bumaba sila at sinabi.

"Ipag patuloy ang pag takas, Kayanin nyo ang sakit" Sinabi ni Icy na medyo naka ngiti.

"Mag ingat kayo Akomi! Wei Min!" Sinabi ni Xeimie.

Napa iling nalang si Wei Min sa narinig.

"Mag ingat daw tayo" Sabi ni Wei Min.

"Hehehe ganyan talaga sya" Sagot ni Akomi.

Hindi kumibo sila Flex Shadow, Rozen, A-yeong dahil wala naman silang magagawa bukod sa tumakas. Kahit tumulong sila sa pag atake ay hindi sila papansinin ng Silver Giant.

Masasayang lang pag namatay sila.

Pero kung si Wei Min na bilang Tank ay maari nyang makuha ang atensyon ng Silver Giant.

Na kailangan talaga ni Immovable ngayon.

Crack!

Lumabas ang ulo ni Immovable at nakita ito ni Akomi. Mabilis ginamit ni Akomi ang 'Heal' sa kanyang Guild Master habang naka tago sila sa likod ng lupang naka usli dahil sa AOE kanina ng Silver Giant.

The Immovable OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon