Chapter 50-A: Situation Status

52 7 2
                                    

Pinatay na ni Immovable ang linya ng tawag na galing kay Whiteblood at tinoon nalang nya ang kanyang pansin sa mahigit 30,000 libong Orc na matipunong nakatayo sa kanyang harapan.

Si Immovable ay nasa taas ng malaking upuan na trono na itsurang gawa sa buto na bagay sa laki nyang 7.8 metro, Kalmadong pinagmamasdan ni Immovable ang mga Orc habang katabi si Icy na nasa kanang balikat nya na parang maliit na manika.

Kung titignan parang fairy na maliit si Icy kung ikukumpara kay Immovable na talagang napakalaki.

Maya-mayay nag salita na si Icy ng patanong.

"Aking Master...mukang masaya ata ang araw mo ah?" Simpleng tanong ni Icy

May iniisip na iba si Immovable sa oras na ito para sa mga Orc na nasa harapan nya ng biglang marinig nya ang tanong ni Icy kaya simple syang sumagot kay ng hindi lumilingon sa kanya "Masasabing kong ayos lang naman"

Ngiting binanggit ni Immovable habang tuloy lang ang pagmasid nya sa mga Orcs na parang mga statwa.

"Dahil ba sa babaeng yun? Whiteblood ba tama?" Medyo mapilit na tanong ni Icy.

Medyo parang pinagpawisan ang noo ni Immovable na kumulot sa tanong ni Icy, Sa tagal ba naman nilang nagkasama sa laro at ilang beses ng nagkita sa tunay na buhay eh hindi pa ba mamapansin ni Immovable ang ilang pagtingin ni Icy?

Pero nag-ignorante nalang si Immovable sa bagay nato para sa gayon hindi maging komplikado ang kanilang mga relasyon.

"Sya nga si Whiteblood, Pansin kong magaling sya manguna. Base din sa Intel report meron syang Rank S Talent related sa kanyang hidden Class na Heavy Balista" Simpleng balita ni Immovable kay Icy.

"Hmmmm...so malakas nga sya" Napataas nalang ang kilay ni Icy na parang masakit sa tenga nya na pag-usapan ang ibang babae.

Well si Icy naman nag labas topic tungkol kay Whiteblood, Kasalanan nya.

"Malakas sya kung tutuusin, limitado lang sya dahil wala syang Platinum Ranks na kagamitan"

"Kaya gusto mo sya?"

"Tama, Kaya gusto ko sya maging isa sa captain ko habang may pagkakataon pa" Pumikit ng saglit si Immovable na parang nag-iisip muli.

"Bakit hindi nalang ang ibang Guild Master ng 4 Major Guild ang i-recruit mo?" Takang tanong ni Icy.

"Limitado ang growing stage nila base sa intel report ayon din sa paghusga ko" Simpleng sagot ni Immovable.

"Si Empress? Bakit mo sya tinanggap?"

Naalala ni Immovable ang isang simpleng kaibigan na kasama nila sa server 5 si Empress isa sa pinakamalakas na Guild at Guild Master. Ka level nya si Kings Way, Orcas, Wang Lei at Zack. Ang problema lang ay hindi pumayag sa alok ni Immovable si Empress na sumali agad.

Nag join lang si Empress at Kings Way ng nagkaroon na ng join all server, mas pipiliin na kasi nilang sumama sa Iron Rose Guild kumpara sa ibang Guild na taga ibang server.

"Malaki ang potential nya tulad ni Whiteblood"

"Hmmm hindi mo na sya kaibigan hindi ba aking Guild Master?"

"Hindi na, pero iba ang turing ko sa aking kaibigan kumpara sa taohan" Ngiting sinabi ni Immovable.

"Kaya pala Liutenant na si Empress hmmmm"

"Base yun sa contribution nya sa ating Guild at maayos na pangunguna sa kanyang grupo"

Medyo natawa nalang ng kaunti si Icy at lumapit sya ng kaunti pa kay Immovable sa kanyang pisngi at sinabi "Hindi ba dahil magagandang babae lang ang gusto mo para magsilbi saiyo?"

The Immovable OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon