Chapter 16: Once Again

275 51 1
                                    

Gabi na sa laro ngayong oras na ito.

Sa gabi maraming player ang hindi na nag papa level at nag hahanap nalang ng ibang lugar na mas kaya nila tapusin para pag levelan.

Dahil lumalakas ang mga halimaw ng 50% sa lahat attribute. Pero mas malaki din ang makukuha nilang experience bukod dito wala ng ibang kina-ganda ito.

Hindi tataas ang tsansa ng pagbagsak ng gamit, Mahirap talunin ang kalaban at mabagal.

Bakit pa tatalunin kung wala naman din saysay.

Sayang ang oras

Pero kay Deon hindi nya ramdam ang bagay na ito, Habang pinapatay nya ang mga maliliit na bulate na kasing taba ng dalawang daliri na pinag patong.

*Name: Worm Soil
*Level: 35
*HP: 5250
*MP: 150

May kataasan ang buhay ng mga ito dahil sa gabi na ang panahon, Pero kay Deon isang ipon para mapag sama-sama nya lang at burado na ang mga buhay nila.

Kaya dere-deretso ang level ni Deon dahil walang maka pigil sa kanya, Umaga man o gabi.

Habang nag lalakad si Deon tinignan nya muli ang nakuha nyang item kay Vargo noon.

Kinuha ni Deon sa inventory ang gamit.

*Barbarian Beast Blood - Improve Barbarian Race Blood purity by 10%.

Hindi alam ni Deon ang halaga nito pero base sa pangalan, Magiging puro ang dugo ng Barbarian Beast.

Ano ibig sabihin nito?

Ayon sa mga player na naka basa sa aklatan sa mga syudad o lungsod ay nag mula ang mga Barbarian Beast sa dugo ng Dragon.

Ano nga ba ang Dragon?

Ito ang pinaka sikat na halimaw sa mundo kung saan ibat-ibang bersyon ng mga bansa sa mundo ang meron, Tulad ng Europe na parang Lizard na may pakpak sa likod at bumubuga ng apoy ito, Sa China naman isang parang Ahas ang kalagayan na may mga kamay at paa sa mag kabilang dulo ng katawan.

Sa Biblia unang na banggit ang salitang Dragon tungkol kay Satanas, Ang traydor na Angel na tinawag sa Biblia na matandang Dragon.

Tuso ang ibig sabihin

Sumisimbolo ang Dragon bilang kasamaan pero sa mundo ng Gran Eon sa larong ito ay sumisimbolo ito bilang lakas.

Sabi sa ibang alamat kung sino man ang maka inum o maka ligo sa Dugo ng Dragon ay hindi na sila tatablan pa ng matatalim na bagay tulad ng mga sandata.

Parang imortal na ang kalagayan

Pero ngayon isa nalang alamat ang Dragon na syang tumulong sa mga hayop na mag ka isip tulad sa tatlong lahi na nag ka hubog na tulad sa tao. Hanggang lumipas ang maraming henerasyon tinawag silang Barbarian Beast.

Sila ang pinaka mataas na antas ng hayop na nag karoon ng isip.

Kaya nag dadalawang isip pa si Deon hanggang ngayon kung kailangan nya na bang gamitin itong Barbarian Beast Blood o hindi pa.

Laro lang

Ito ang sabi ng iba pero si Deon tinuring nya na itong trabaho at libangan.

Tinago muli ni Deon ito dahil may hinala sya na magagamit nya pa ito sa ibang bagay.

Dito sa tuktuk ng bundok makikita ang bilog na buwan ng malinaw.

Dalawa ang buwan dito sa Gran Eon at kapansin pansin ang maraming bituin sa langit.

Napaka sariwa ng hangin na tinitikman ni Deon sa oras na ito na parang paraiso sa ginhawa.

Hindi nag tagal nakita ni Deon ang kalabang inaasahan nya.

The Immovable OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon