Chapter 15: Permanent Increase

297 52 1
                                    

April 11, 2030

Walong araw narin ang lumipas nang malaman ng publiko ang tungkol sa apat na Gold Rank Boss, Bukod sa pinaka-unang Gold Rank Boss ang Dead Head Skull.

Ground Golem na nakita ng Kingdom Guild

Killer Kangaro na nakita ng Heavens Gate Guild

Spike Antler na nakita ng Blood Freedom Guild

At si Vargo ng grupo ni Deon na nag-viral na unang Boss na nagsasalita sa laro.

Ini-upload ito ni Weyong sa YouTube sabay inedit niya ang ibang video mula sa pag pasok ng kweba pati narin ang pagbanggit ni Deon tungkol sa mga Permanent stats sa usapan nila ni Vargo.

Sa oras na malaman ng karamihan ang Permanent stats ay baka ibenta nila ito ng mahal o gamitin nalang nila sapagkat malalaman nila ang tunay na kahalagahan nito sa laro.

Sa ngayon ang highest level ay 35 at ang mga normal na level naman ay 32 o 33. Samantala si Deon ay nasa level 28 na nasa nakalipas na walong araw na pagso-solo.

Puro matataas na level ang tinatalo ni Deon sa ibang lugar pero hindi parin nawawala ang dati nyang gawain na tapusin ang lahat ng misyon na ginagawa nya para sa sekretong misyon sa bawat bayan o baryo.

Ito ang dahilan kaya nakakakakita siya ng mga Gold Rank Boss para talunin.

Binalikan ni Deon ang Old Turtoise para patayin muli at napansin nya na ang respawn time ng Boss ay depende sa Rank.

Iron Rank Boss 48 Hours Respawn/2 days

Silver Rank Boss 96 Hours Respawn/4 days

Gold Rank Boss 192 Hours Respawn/8 days

Wala na talaga si Vargo sa Rat Nest, Kaya Old Turtoise nalang at mukhang tama si Deon sa akala nya na walong araw ito muling mabubuhay.

Nakita nya ang Old Turtoise kaya ngumiti si Deon. Saglit lang ang labang nangyari, Isang 'Bronze and Iron Bones' lang at 'War Cry' at namatay ang Old Turtoise.

Ngayon wala paring Gold Rank Equipment na nahulog galing sa Old Turtoise pero nahulog nito ang bagay na gusto ni Deon.

*Old Turtoise Magic Liver - Permanently increase Magic Defence by 300 (One time use of the same kind.)

Ito lang at pati ang ibang materyales at karne tulad ng dati na syempre 5 gold coins.

Masaya parin si Deon kahit iisa lang ang nakuha niya pero ito parin ang pinakamagandang loot para sa kanya. Kaya nang matapos niyang kunin ang gamit niya, Napasabi siya sa bangkay ng Old Turtoise.

"Sa susunod ulit" Pangiting sinabi ni Deon habang naglalakad.

Madaming binalikan si Deon na Boss noon para sa gamit pero kaya na itong patayin ng ibang players dahil mas mataas na ang kanilang level, Tulad ng Black Iron Bear na Level 20 na saglitan nalang sa mga level 25 pataas na players.

Maraming iba-ibang Boss ang nauunahan si Deon kahit binalikan niya ang iba dito. Buti nalang ang Armored Crocodile na binalikan nya ay hindi pa natutuklasan kaya dalawang beses nya itong napatay.

Tumagal na ang muling pag ka buhay ng Armored Crocodile ngayon kaya nang makabalik si Deon sa pangatlong beses ay nag iba na ang Rank nito.

Isa na itong Level 25 Gold Rank Boss.

*Name: Armored Crocodile (Gold Rank)
*Level: 25
*HP: 35000
*MP: 2000

Nasa-ilalim ng tubig si Deon habang napapatawa siya dahil sa saya. Naging sulit ang pag balik nya dito kahit matagal ang paglalakbay niya papunta dito.

The Immovable OnlineWhere stories live. Discover now