Chapter I

64 28 44
                                    


Pagdating ko sa unahan ay nabigla ako sa aking nakita sapagkat ibang daanan na ang aking tinatahak .

__________________________________



"Hayy naku Haisle , ang tanga-tanga mo talaga . Bakit dito kapa dumaan ehh hindi naman ito ang daanan papunta sa bahay mo ehh, " naiinis kong sermon sa aking sarili .



Bumalik ako sa aking dinaanan kanina at hinanap ko ang daanan  papunta sa bahay namin . Kahit ako'y natatakot ay patuloy pa rin ako sa aking paglalakad . Nakakaramdam  ulit ako na parang may sumusunod sa akin sa aking likuran pero binalewala ko lang ito .


Tanging liwanag lang ng aking cellphone at buwan ang aking naging ilaw .


Maya-maya may narinig akong kaluskos ng mga dahon sa aking likuran at bigla namang namatay ang ilaw ng aking cellphone . Tiningnan ko ang aking cellphone at na shutdown na pala ito .


Naglalakad ulit ako pero lalong  lumalakas ang kaluskos ng mga dahon sa aking likuran kaya buong tapang ko itong nilingon at nabigla at napasigaw ako sa aking nakita.



" Wahhhhh mama help me huhuhu ! " sigaw ko habang tumatakbo papalayo sa isang bampira.

Wala na akong pake kung saan ako mapupunta basta hindi na ako masusundan ng bampirang iyon .


Patuloy pa din ako sa pagtakbo at pagharap  ko sa kabilang direksiyon ay nakita ko naman sa may unahan ang bampira kaya bumalik ulit ako . Nakita ko ito ulit sa may unahan kaya huminto nalang ako at umiyak dahil sa takot .


" Lord kayo na po bahala nila mama at papa . Alam ko na po ang mangyayari sa akin ngayon, " naiiyak kong dasal .

Maya -maya biglang naging blurry ang aking paningin at nawalan ako ng malay .


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Madilim ito at tanging mga kandila lamang ang nagbibigay liwanag sa lugar na ito . Pinipilit kung bumangon pero bigla akong napahiga dahil sa sakit na  naramdaman ko sa aking  leeg .


Nang idampi ko ang aking kamay sa aking leeg ay bigla akong napadaing sa sakit . Nakita ko na may pulang likido sa aking kamay . Dahil sa takot ako sa dugo ay bigla akong napasigaw .


Maya-maya may lalaking pumasok sa kwartong kinaroroonan ko . May suot itong mask at tanging mga mata lang niya ang aking nakikita . May dala itong tubig at panyo .


" Hoy ikaw bampira ka , anong ginagawa mo sa akin  ? "  galit kong tanong sa lalaking nasa harapan ko .


Hindi ito nagsasalita  bagkus inilagay nito sa lamesa ang kanyang dalang tubig at pagkatapos biglang  lumapit  sa akin  . Dali - dali kong tinakpan ang aking leeg gamit ang aking mga kamay  baka kakagatin na naman niya ako. Naku , mahirap na !!


Kinakabahan akong tumingin sakanya sapagkat napakalapit na ng mga mukha namin sa isa't -isa. Dahan -dahan nitong tinanggal ang aking kamay na kasalukuyang nakatakip sa aking leeg . Dahil sa takot ko na makagat  muli  bigla ko siyang sinumbatan .


"Hoy pangit na bampira , ano na naman ang gagawin mo sa akin ha, kakagatin mo ako ulit  ?" galit kong tanong . Bigla naman nitong tumayo ng tuwid at saka inihagis sa akin ang dala niyang  basang panyo .


"Aba't napaka walang modo mo naman !" pasigaw kung sabi.

" Sige , isa pang salita  hahalikan kita diyan !" pagbabanta niya  sabay talikod.


Tumahimik naman ako at tiningnan ko na lamang siya ng masama. Naku , baka totohanin niya yung sinabi niya noh .  Ayoko ibigay yung first kiss ko sa isang bampira . Yuck , kadiri  kaya  kasi kahit sino lang ang kinakagat . At saka ang first kiss ko ay para lang sa taong minamahal ko noh .


Naguguluhan ako sa inihagis  niyang panyo kaya ibinato ko ito pabalik sa kanya para lingunin niya ako .


"Anong gagawin ko sa oanyo niya , aber.  Kakainin ?"


Matapos kung ibato sa kanya ang panyo , lumingon naman ito sa akin kaya nagtanong ako sa kanya gamit ang aking mga kamay ( handsign ) .



"What ?" naguguluhang tanong niya kaya naghand sign ako ulit.


"Magsalita ka nga dyan !" naiinis niyang sabi kaya nagsalita na ako.


" Ehh sabi mo kasing pangit na bampira ka , hahalikan mo ako  kapag nagsasalita ako kaya kamay ko nalang ginamit ko ! Pwede ba pakawalan mo na ako  ! " pabulyaw kung sabi dahil naiinis na talaga ako  sa kaniya.

Bigla naman itong  lumapit sa akin at itinali ang panyo sa aking mga mata .


"Hoy , hoy anong gagawin mo sa akin bampira ka , mandurugas ka !" sabi ko habang nagpupumiglas.


" Hoy , magtanong lang naman sana ako sayo kanina kung aanhin ko yang panyo mo !" natataranta kong tanong .



" Hoy bam... " sigaw ko ulit ngunit hindi ito natapos sapagkat may dumamping malambot na bagay sa aking mga labi .


Wahhh , ninakaw niya ang first kiss ko . Hayop talaga itong bampira na ito .


Pagkatapos ng  halikan namin este di pala yun matatawag na halikan  kasi di ako nag -respond.  Pagkatapos niyang nakawin ang aking first kiss ,  tinanggal na niya ang panyong nakatakip sa aking mga mata. Tiningnan ko siya ng masama .

"Oh,  ipahid mo yang panyo ko doon sa sugat mo sa leeg ," sabi niya.


" Bampira na nga , magnanakaw pa !" naiinis kung bulong  .


"Anong magnanakaw , hindi ako magnanakaw noh !" depensa niya .

"Ay hindi pala , ehh ano yung kanina ?" galit kung sabi.


"Anong kanina ?"


" Nagtanong ka pa , ninakaw mo kaya first kiss ko , deny ka pa diyan !" naiinis kung sabi ngunit kinindatan lang ako nito .


"Edi mabuti , ako pala first kiss mo, " sabi nito sabay kindat at ngumiti bago umalis. Ewan ko kung pang-aasar ba  yung ngiti niya o genuine smile ba yun . Ayy , basta naiinis ako sa kindat niya.

 



/////////////Chapter 1 End  /////////////



🌀Pag ninakaw ang halik , asahan mo na may tinatagong  pagtingin . Ang tanong , kailan kaya ibubuga ni Hanz ang tinatagong  apoy  na nagliliyab  sa loob ng kaniyang puso ?





D𝗼𝗻'𝘁 𝗳𝗼𝗿𝗴𝗲𝘁 𝘁𝗼 𝘃𝗼𝘁𝗲 , 𝗰𝗼𝗺𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗶𝗳 𝘆𝗼𝘂 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗰𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿. 𝗔𝗹𝘀𝗼 , 𝗽𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲 𝗿𝗲𝗰𝗼𝗺𝗺𝗲𝗻𝗱 𝗶𝘁 𝘁𝗼 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 . 𝗜𝘁  𝗺𝗲𝗮𝗻𝘀 𝗮 𝗹𝗼𝘁 𝘁𝗼 𝗺𝗲 . 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗹𝗲𝘀𝘀.

THE VAMPIRE'S GIRL [ 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 ✓ ]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ