CHAPTER IV

41 26 10
                                    

Nagmamadali akong umuwi sa bahay namin . Nang makarating ako sa bakuran namin , nakita ko kaagad  si mama na nakakunot  noong nakatingin sa akin .

" Saan ka galing ? Bakit ngayon ka lang umuwi ?" tanong ni mama.


" Ahmmm , doon nalang po ako natutulog sa bahay ng  friends ko ma, dahil gabi na kasi at maputik pa yung daanan, " pagsisinungaling ko.

" Oh sigi , pumasok kana sa loob para makapag almusal kana. Naku , pinag- alala mo kami ng itay mo !"




|||||||| Fast Forward ||||||||



Nang mag alas syete na ng gabi  . Nandito na kami sa loob ng bahay namin . Naku, may kasunduan pa naman kami ni Hanz na pupuntahan ko siya ngayon .


Kami ay nakahiga na para matulog  . Nang mapansin kung tulog na sila mama at papa ay dahan - dahan kung binuksan ang aming bintana at nakita ko sa labas ng bahay namin na may nakaupo.


" Pssssst ," tawag ko kay Hanz   at lumingon naman ito .  Dahan -dahan akong umakyat sa bintana namin upang doon dumaan .  Tumalon ako sa bintana namin at sinalo naman ako ni Hanz.


" Sorry kung natagalan ako , andiyan kasi sila mama at papa ehh , hindi pa natutulog ."


" Ok lng naman , so tara na sa bahay ko sapagkat delikado dito !" sabi niya ng may pag-alala kaya sumunod nalang ako sakanya .


Nang makarating na kami sa bahay niya ay pumasok kami kaagad sa kwarto niya.


" Dito ka lang sa loob ng kwarto ko ha ! "sabi nito sa akin.

" Bakit , saan ka pupunta ? " tanong ko.


" May misyon ako ngayon at ito'y delikado kaya dito ka lang sa loob , huwag kang lalabas hangga't di ako dumating . Gets mo ? " sabi niya kaya't tumango nalang ako .


Pagkatapos niya akong binigyan ng babala ay binuksan niya  ang kanyang bintana at doon dumaan . Dali-dali kong isinara ang bintana nang maka -alis siya dahil ito ang bilin niya . Dahil sa wala akong magawa sa loob ng kanyang kwarto ay natulog nalang ako sa kanyang kama.


Makalipas ang ilang oras , may kumatok sa pintuan kaya dali - dali akong nagtago sa ilalim ng kama.

"Mrs. Farmie , ikaw ba iyan ?"

" Oo ako ito iha , buksan mo na ang pinto !" 


Lumabas ako sa aking pinagtaguan at dali-dali kung  binuksan  ang pinto ng walang pag -iisip . Laking gulat ko dahil pagbukas ko ng pintuan ay wala naman si Mrs. Farmie kaya nagpasya na lamang ako na isara  ito pero bago ko isara ang pinto ay biglang may bampirang nagpakita sa akin. Dahil sa gulat at takot ko ay bigla akong sumigaw ng malakas.


Maya -maya biglang dumating si Hanz at sinuntok niya ang bampira at napasuka naman ito ng dugo .


" Go inside my room and lock the door . Let's talk later but first I'll deal with this assh*le ! " galit na sabi ni Hanz kaya dali -dali kung sinunod ang kan'yang utos . Narinig ko ang ingay sa labas  dahil sa kanilang pag-aaway . Makalipas ang ilang minuto , pumasok si Hanz sa kwarto . Tiningnan ako nito ng matalim .

"Anong sabi ko sayo ?" galit nitong tanong sa akin pero nanatili lang akong tahimik .


" Diba , sabi ko sayo bawal kang lalabas hangga't di ako dumating kasi delikado !" galit nitong sabi sa akin . Dahil sa naiinis ako sakanya ay sumagot din ako.


" And so , kung delikado dito ba't dinala mo ako dito ? Bakit mo ako pinabalik dito sa bahay mo kung delikado pala dito ! " naiinis kung sagot sakanya.


" Delikado din sa bahay niyo kaya dinala kita dito . Mas safe dito lalo na pag andito ako !" galit ding sagot niya .

" Bakit di mo nalang ako hinayaan huh! Andoon naman sa bahay ang parents ko ah , bakit mo pa ako pinabalik dito sa bahay mo ! Why do you act like a boyfriend ! " galit ko ding sagot at natigilan naman siya. Di ko na talaga mapigilan ang aking bibig.


" I'm sorry okay , I'm just worried about your safety !" malambot na sabi nito sabay niyakap ako . Maya -maya bigla itong natumba buti nalang nahawakan ko ang kanyang kamay .


" Mrs. Farmie , tulong !" sigaw ko .

" Wala dito si Mrs. Farmie , pina day - off ko lahat ng katulong ko !" sabi ni Hanz habang nanghihina.


" Hoy , anong gagawin ko ?" natataranta kung tanong kay Hanz.


" I got wound in my back !"nanghihinang sabi niya.

" Teka , 'asan health kit mo ?"  

" I don' t need bandage , I need your blood to heal my wounds, " nahihirapang sabi niya. Dahil sa natataranta ako, binigay ko kaagad sakanya ang aking kamay .


" Here, bite my wrist " kinakabahang sabi ko at ginawa din naman niya ang sinabi ko.


Pagkatapos niyang sumipsip ng dugo sa aking wrist ay tiningnan ko ang kanyang sugat sa kanyang likod at bigla - bigla itong nawala .

" Thank you ! " he mouthed sabay yakap sa akin .


" Welcome, " sabi ko na lamang at saka tinugunan ang kanyang yakap.


\\\\\\\\\\  Chapter 4 Ends  //////////////



🌀Anong ibig sabihin ng yakapan nila ? Peace na kaya sila ? Well, find it out !



D𝗼𝗻'𝘁 𝗳𝗼𝗿𝗴𝗲𝘁 𝘁𝗼 𝘃𝗼𝘁𝗲 , 𝗰𝗼𝗺𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗶𝗳 𝘆𝗼𝘂 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗰𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿. 𝗔𝗹𝘀𝗼 , 𝗽𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲 𝗿𝗲𝗰𝗼𝗺𝗺𝗲𝗻𝗱 𝗶𝘁 𝘁𝗼 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 . 𝗜𝘁  𝗺𝗲𝗮𝗻𝘀 𝗮 𝗹𝗼𝘁 𝘁𝗼 𝗺𝗲 . 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗹𝗲𝘀𝘀.

THE VAMPIRE'S GIRL [ 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon