CHAPTER III

44 27 18
                                    

Pagkatapos kung sinubuan ng pagkain kay Hanz de bampira / magnanakaw /kidnapper / masungit , ay kumain na din ako sapagkat ako'y nagugutom na .


Pagkatapos kung kumain ay napagdesisyonan kung tumakas sapagkat may pasok pa ako bukas at hindi ko pa nagawa ang aking mga project huhuhhu , asan na kaya yung mga binili ko ?



Tiningnan ko ang kanyang 5 katulong at busy naman ito sa mga kani - kanilang trabaho kaya hindi na ako nag-aaksaya ng oras para tumakas  dahil pagkakataon ko na ito .



Dahan -dahan akong tumakbo  sa pasilyo ng kan'yang palasyo este bahay pala . Kinakabahan akong tumakbo habang dumaan sa mga pasikot -sikot na mga silid . Hanggang sa di ko inaasahan ay bigla akong nabunggo sa isang napakatigas na pader at ako'y napapikit dahil alam ko naman na ako'y babagsak  pero laking gulat ko ng hindi manlang ako bumagsak.  Ibinuka ko ang aking mga mata at nahawakan pala ako sa bewang ni bampira . Yo ! nakakahiya , parang nasa mga eksena to ng mga wattpad stories ahhh .


Dahil sa kahihiyan ay bigla -bigla akong tumuwid ng tayo habang hinimas -himas ko ang aking ulo dahil sa sakit . Hindi pala ako nabangga sa pader kundi doon pala sa dibdib ni Hanz . Grabe ang tigas ng dibdib niya parang pader.


" Saan ka pupunta huh ? " tanong ni bampira .

" Mind your own business !" masungit kung sagot.

" Yes I do ."


" Ehh bakit ka nakiki-alam sa akin ha  ?"

" Because your one of my business,  anyway !" sabi nito sabay hila sa kamay ko papuntang kwarto niya.


" Hoy , hoy , anong gagawin mo sa akin ha ?" kinakabahan kung tanong .



" You'll gonna take  my punishment dahil sa pagtakas mo ng walang paalam sa akin  !" sabi nito sabay kagat sa aking leeg .


Bigla akong napahawak sa kanyang leeg sapagkat ako'y nanghihina na .  Habang kinagat niya ang aking leeg ay biglang tumutulo ang aking mga luha dahil sa sakit na nararamdaman ko . Nang naramdaman niya na ako'y umiiyak na ay tumigil na ito sa kakasipsip ng dugo mula sa akin  at pinahiran niya ang  aking mga luha na dumadaloy  sa aking mga pisngi gamit ang kanyang kamay .


" Please pakawalan muna ako Hanz , may project pa akong gagawin , may pasok pa ako bukas , gusto ko pa mabuhay , may mga pangarap pa ako sa buhay ko . Gusto ko pa i-ahon sa hirap ang aking pamilya !" naiiyak kung sabi .


" I'm sorry , I can't control my thirst , sorry kung nasasaktan kita !" malungkot na sabi nito saka sinuntok ang kanyang sarili .


" Stop hurting yourself Hanz " suway ko sakanya pero hindi pa din ito tumigil . Naawa na din  ako sa kanya dahil kahit masungit ito minsan may puso naman pala. Patuloy niyang sinasaktan ang kanyang sarili. Niyayakap ko na lamang ito para tumigil na siya . Although , bago lang kami nagkakilala ay nakaramdam naman ako ng kunting awa sa kanya .


" I know what you feel Hanz , alam ko mahirap  kontrolin na hindi ka makakainom ng dugo sapagkat ikaw ay isang bampira, "  pagpakalma ko sakanya . Niyakap din naman niya ako ng mahigpit .


" Thank you for understanding me ! " bulong nito sa tainga ko .


" Sorry  sa inaasta ko kanina , pero totoo talaga iyon , may project pa akong gagawin at kailangan ko na itong gawin sapagkat may pasok ako bukas at baka nag-aalala na sa akin sila mama at papa, " pagmamaka-awa ko kay bampira.


" Oh sige papayagan kita pero kailangan sasamahan mo ako dito kapag gabi na !" sabi nito na naka deadly face at tanging tango  lang ang itinugon ko .

" Teka , anong pangalan mo ?" tanong niya.


" Haisle Rivera and you ?"


" I'm Hanz De Vera "

" Oh siya , naalala mo ba yung dala ko kagabi  ?" tanong ko sakanya .

" Ay oo , andito pala sa cabinet ko ," sabi niya sabay kuha sa mga gamit ko.

" Ano ba project mo , baka makatulong ako !" sabi niya.

" Ay ! ako na gagawa  , kaya ko na yun , saka aalis na ako baka hinahanap na nila ako !" sabi ko sabay ngiti .


" Balik ka mamayang gabi ahhh , susunduin kita sa labas ng bahay niyo !" sabi niya at tumango naman ako saka umalis.

 


/////////  Chapter 3 Ends ///////////




🌀Kung ikaw  si Haisle , sa tingin mo babalik ka pa kaya sa bahay ng isang bampira kahit ninakaw niya ang iyong first kiss at sinipsip niya pa ang iyong dugo ?




D𝗼𝗻'𝘁 𝗳𝗼𝗿𝗴𝗲𝘁 𝘁𝗼 𝘃𝗼𝘁𝗲 , 𝗰𝗼𝗺𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗶𝗳 𝘆𝗼𝘂 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗰𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿. 𝗔𝗹𝘀𝗼 , 𝗽𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲 𝗿𝗲𝗰𝗼𝗺𝗺𝗲𝗻𝗱 𝗶𝘁 𝘁𝗼 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 . 𝗜𝘁  𝗺𝗲𝗮𝗻𝘀 𝗮 𝗹𝗼𝘁 𝘁𝗼 𝗺𝗲 . 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗹𝗲𝘀𝘀.

THE VAMPIRE'S GIRL [ 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon