Chapter X

26 20 2
                                    

                 HANS  POV :

Andito ako ngayon sa kagubatan naglalakad at naghahanap ng mga hayop na kakainin. Di ko na mapigilan ang aking sarili na uminom ng dugo sapagkat ako'y uhaw na uhaw na talaga. Siguro nag-crave lang ako ng dugo dahil eclipse ngayon. Habang naglalakad ako sa kagubatan ay tiningnan ko ang buwan at pulang -pula ito. Napangiti nalang ako ng makita ko ito at saka nagpatuloy ako sa paglalakad . Maya -maya may narinig akong mga tinig ng mga tao kaya dali -dali akong pumunta sa lugar na iyon . Nakita ko yung demonyitang  nagsumpa sa akin kasama ang kaniyang anak na naging girlfriend ko noon . May kausap silang babae na maganda .

" Ahm kumukuha kami ng mga ligaw na gamot !" sagot ng demonyitang babae. 

" Di ako naniniwala sa iyo Haisle . Baka iba yung pinupuntahan mo dito !" sabi ni Rebecca na may mala- demonyong ngiti.

" Haisle , parang familliar yung name niya !" sabi ko sa aking isipan.

" Ahm ano kasi... !" nauutal na sabi ng babae  pero di iyon natapos sapagkat nagpakita ako. Ayokong may mabiktima na naman tong dalawang hinayupak na to.

Galit kong tiningnan ang dalawa at aakmang  susugudin ko ito sana pero biglang naglaho silang dalawa. Tiningnan ko yung babae at bakas sa kaniyang mata ang pagkagulat. Maya -maya bigla ulit silang dalawa nagpakita.

" Oh the sweetie boy is here . Ang bampira na matagal ng hinahanap ng mga tao dito !" natatawang sabi ng demonyitang si Dionisia. 

" Ngayong gabi ay  di ako makakapayag kapag di mo ako ibalik sa dati ! Papatayin kita, masamang demonyo !" galit na sabi ko.

" Te-teka Hanz , bakit ang laki ng galit mo kay Aling Donya ?" tanong ng magandang babae na di ko kilala . Tiningnan ko muna ito ng may pagtataka. Teka , bakit kilala niya ako ?.

" Siya yung dahilan kung bakit ako nagka-ganito at saka sino ka ba't nandito ka . Bakit kilala mo ako  ?" tanong ko sa magandang babae.  Para itong nanlumo ng marinig niya ang sagot ko.

" Weh di mo ako kilala ?" tanong niya .

" Magtatanong ba ako kung kilala kita tskk !"  naiinis na sagot ko.

" Hahahaha patawa ka talaga Sir !" sabi niya habang tumatawa ng peke.

" Anong sir ang pinagsasabi nito . Kanina tinawag niya ako sa aking pangalan pero ngayon sir na naman ?" sabi ko sa aking isipan.

" Anong sir , hoy babae wag ka nga mag-imbento ng mga istorya dahil diyan ako nasisira dahil sa babaing ito !"  galit na sabi ko habang itinuro ko si Rebecca ang babaing naging gf ko noon. Galit ko itong tiningnan subalit ngumiti lang ito sa akin.

" Hindi ako nag -imbento sir , totoo tong mga pinagsasabi ko . Girlfriend mo po  ako .  Sir and Maam pa  nga ang endearment natin eh !"  naiiyak niyang sabi habang tumatawa pa din. Hala may girlfriend pala ako . Sa pagkaka-alam ko wala naman ah . Sir at maam ang endearment namin ? What the fudge wala akong maalala. Teka , pinagloloko ba ako ng babaing to ? Habang nag-iisip isip ako ay biglang sumingit sa aming usapan ang demonyita.

"Te-teka , magkakakilala kayo?" nakangiting tanong nito sa babae.

" Yes po , actually boyfriend ko po siya !" naiiyak na sagot niya.

" Boyfriend mo ako? Kailan pa ako nagkakaroon ng girlfriend " natatawang sabi ko at napahagulhol naman ito. Bigla naman ako naawa sa kaniya kaso di ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya dahil wala akong matandaan.

" Di mo ba ako mahal Hanz ? Di mo ba ako minahal ?"  naiiyak na tanong nito . Parang natunaw ang aking puso ng makita ang babaeng to na umiiyak . Pero wala akong pake kung anong masabi ko sakanya dahil wala naman talaga akong girlfriend tssk and isa pa love never exist.

THE VAMPIRE'S GIRL [ 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 ✓ ]Where stories live. Discover now