Day 25

2K 51 0
                                    


Day Twenty-Five

SETH

"Dad, anong oras na, nasaan ba talaga kayo ni Mommy?"

Malalim akong bumuntonghininga at sinulyapan si Rykki na anim na oras nang walang malay.

"Sera, I told you may inaasikaso lang kami—"

"Don't lie to me, tell me nasa hospital na naman ba ang Mommy?"

Hindi na ako nakasagot pa at ang katahimikan na iyon ang dahilan para marinig ko ang paghikbi ng anak ko sa kabilang linya.

"Anong nangyari kay Mommy, Dad? Is s-she okay?"

"She will be."

"I want to go there!"

Gusto ko mang tanggihan at sabihing maghintay na lang sa bahay ay alam kong nagmana siya sa ina niyang hindi magpapatalo sa akin.

"Fine. Tell the driver na dalhin ka rito."

Nang maibaba ko ang tawag sa anak ko ay naupo ako sa gilid ng kama ni Rykki at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.

"Who are you?"

Mariin kong naipikit ang mga mata ko nang maalala ang mga katagang iyon mula sa kanya. Ang takot at pagkagulo sa mga mata niya habang tinitingnan ako.

"Still not awake?"

Binalingan ko si Kian at inilingan. "She's going to wake up, right?"

"She will. We reviewed her brain activity and she's going to wake up, Seth," aniyang nilapitan ako at pinisil ang balikat ko.

"Hindi mo talaga siya maco-convince na i-give up ang bata?"

Sinulyapan ko ang tiyan ni Rykki at hinaplos iyon. Our baby still there. Lumaban siya at hindi iniwanan ang ina niya.

"I respect her decision, Kian. Hindi ko siya gustong pilitin sa bagay na ayaw niya."

"Then expect the worse, Seth. According to her scan mas lumaki ang tumor sa utak niya. That's the reason kung bakit pati alaala niya ay naapektuhan kanina."

"Will she remember me when she wakes up?"

Hindi nakasagot si Kian na tila hindi niya rin alam kung anong sagot sa tanong ko kaya napatungo ako't mapait na napangiti. "This is my karma for all the bad things I did to her. Pero makalimutan niya man ako, mananatili pa rin ako sa tabi niya hoping that she'll regain her memory of me."

"She's waking up," ani Kian dahilan para mapatayo ako't sulyapan si Rykki na kumurap-kurap ang mga mata nang magising.

Nagtagpo ang tingin naming dalawa. Ang tibok ng puso ko ay palakas nang palakas. Kinakabahang marinig muli ang sinabi niya kanina. Pero ngumiti siya sa akin at inangat ang kamay niya na tila inaabot ako. Yumuko ako at napapikit nang mapunta ang kamay niya sa pisngi ko.

"W-why are you crying?"

Umiling ako't dumilat. Nginitian ko siya at yumuko ako't kinintalan ng halik ang noo niya. "I'm just glad you're awake."

"W-what happened to me?" naguguluhan niyang tanong at nakitaan ko ng kaba ang mga mata niya na sinulyapan ang tiyan niya. "Iyong b-baby natin, Seth?"

"He's fine. You had a terrible headache that you passed out; you don't remember?"

Umiling siya. "No...ang naaalala ko lang natulog ako sa kuwarto ko sa condo ni Hiro."

Pumikit siya na tila inaalala ang nangyari pero hinawakan ko ang kamay niya at pinisil.

Her Last Days (COMPLETED)Where stories live. Discover now