Day 20

2.2K 62 1
                                    

DAY 20

RYKKI

SUNDAY came. I'm getting ready for Serafinas' family day in school. Nagsusuklay ako nang napansin ko ang mga hibla ng buhok kong nalalaglag sa sink. Natulala ako habang minamasdan ang kumpol ng buhok na nalagas sa buhok ko.

Minasdan ko ang sarili ko sa salamin at halos hindi ko na makilala ang sarili ko. I'm doing my best to fight but it's as if hindi magawang magkasundo ng katawan ko sa kagustuhan ng utak at isip ko. There are days when I woke up that I just wanted to end everything because of the unbearable pain.

"Ry? You okay?"

Napapitlag ako sa magkakasunod na katok at sigaw ni Seth mula sa labas. Agad akong lumabas bago pa masundan ang nag-aalala niyang pagtawag.

"Perfectly fine, aside from the fact that I'm losing my hair," pilit ang pagtawa kong saad sa kanya at iwinagayway ang suklay kong puno ng hibla ng buhok ko.

Inabot ni Seth ang suklay na hawak ko at saglit na tinitigan bago ibinalik ang tingin sa akin. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko bago ako hinila papayakap sa kanya. "Even if you turn bald, you're still the most beautiful woman in my eyes."

"How about me, Daddy?!" sabat ni Sera na hindi man lang namin namalayan ang pagpasok sa kuwarto. Sumingit siya sa gitna namin ni Seth at nakangusong inaantay ang sasabihin ng ama niya sa kanya.

"Do I need to say it out loud? Siyempre, ikaw rin ang pinakamagandang babae kay Daddy. Kamukha mo kaya ang Mommy mo."

Umiling ako at pinisil ang pisngi ng anak ko. "Ako ba ang kamukha o ang Daddy?" taas-kilay ko kay Seth na tumawa.

"Me?"

"Bakit parang ayaw ninyong dalawa na amining kamukha ko?" ani Sera na malakas na ikinatawa namin ng ama niya.

"Am I ugly?" dagdag pa ni Sera na humiwalay sa aming dalawa ng ama niya.

"Wala kaming sinabi," pang-aasar ni Seth dahilan para hampasin siya ni Sera.

"Dad! You're bad!" tili ni Sera at tatangkain sanang muling hampasin ang ama niya nang tumakbo si Seth na agad namang hinabol ni Sera.

Tumatawang minasdan ko silang dalawa. This is the perfect scenery for me. Ang mag-ama ko.

"MOMMY, are you sure you're okay to go? We can skip this event naman—"

"Sera, ayos na ayos ang Mommy. Wala kang dapat ipag-alala, let's enjoy this day, hmmm?"

Ngumiti si Sera at matunog na hinalikan ako sa pisngi. "I love you, Mommy."

"I love you too, my baby."

"Aba't bakit hindi ninyo ako sinasaling dalawa?" singit ni Seth sa gitna namin.

"Ang tagal mo Daddy! Sa'n ka ba nagpunta?"

Minasdan ko si Seth na natigilan at hindi ko maiwasang mag-alala dahil pakiramdam ko may problema siya sa mga nakalipas na linggo.

"May kinausap lang, let's go?"

"Wait lang! Yaya!"

"Sera, baka ma-late tayo—"

"Family picture first! We look so cute in our shirts!" tuwang-tuwa na saad ni Sera at gumitna sa aming dalawa ng ama niya.

Natawa ko at minasdan ang magkakapareha naming kasuotan. Pakiramdam ko lumolobo ang puso ko sa sayang nakikita ko sa mga mata ni Sera. How I wish her smile and happiness won't fade because of me.

"May problema ka ba sa office?" tanong ko kay Seth nang makasakay kami sa kotse. Mula sa pagmamaniobra ng kotse ay saglit niya akong sinulyapan.

"Hindi naman nauubusan ng problema sa office, but everything is fine, Ry."

Her Last Days (COMPLETED)Where stories live. Discover now