Day 9

2.1K 76 6
                                    

Day Nine

"HEY..."

Napangiti ako nang pumasok si Hiro sa kuwartong kinaroroonan ko. I insisted on going home dahil ayos na naman ako pero ayaw akong payagan ni Seth at maging ni Sera kaya heto at wala akong magawa kung hindi manatili sa apat na sulok na silid na ito.

"Okay ka na ba?"

Tumango ako at hinawakan ang kamay niya nang makalapit siya sa akin. "T-Thank you for coming, naikuwento sa akin ni Sera--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang mahigpit niya akong yakapin. Ilang saglit lang ay narinig ko na ang pagsinghot niya.

"Loka ka, ito na nga bang sinasabi ko 'eh bakit ba kasi ayaw mo pang manatili na lang sa ospital at magpagamot?!" panenermon niya sabay layo sa akin.

Umangat ang kamay ko na walang dextrose at pinahiran ang luhaan niyang pisngi.

"Nasabi ko na sa 'yo hindi ba? I don't want Sera to see me in that condition...Mas mapapadali ang buhay ko rito eh." pinilit kong langkapan ng pagbibiro ang huli kong sinabi pero sinamaan ako ng tingin ni Hiro kaya tumawa na lang ako.

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. "I was actually scared Hiro, nang maramdaman ko iyong sakit hanggang bumagsak ako. Pero ang mas masakit iyong nakita ko si Sera na umiiyak at natatakot dahil sa nangyayari sa akin... Iniisip ko tuloy kung nagiging makasarili ba ko sa paghangad na makasama siya sa sitwasyon kong 'to?"

"Ry naman 'eh... Hindi ka makasarili, alam ko 'yon higit kanino man..."

"Hindi nga ba? I almost lost Sera before and I lost him, hindi pa ba ko makasarili non? Maybe this is His way of punishing me for all the sins that I've committed. For not taking care of my children...for trying to kill myself..."

Tumulo ang mga luha ko at sa pagpikit ko, bumalik sa alaala ko ang nangyari sa akin anim na taon na ang nakakalipas. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Hiro at doon ko tuluyang hindi napigilan ang sarili kong mapahagulgol.

Why does it have to be me?

"Bakit ngayon pa? A-ayokong iwanan si S-Sera...she doesn't deserve this."

"Then fight... Susuko ka na lang ba? Do you really want to d-die?"

"I don't want to. I want to live for Sera..."

"WE can't have her operated..." said Dr. Kian Mendez.

Coincidence that he was the one on duty when I arrived in the hospital kaya siya na rin ang naging attending physician ko. Mabuti na rin lang dahil baka kung iba ay masabi pa kay Seth ang kondisyon ko.

I don't want him to find out. Not now.

Ipinahatid ko muna si Sera sa kanya sa bahay, maigi na rin at hindi na galit sa kanya ang anak namin.

"Bakit hindi puwede Dok?"

"Her tumor was located in a delicate part of the brain. Sad to say, she has an inoperable tumor..."

Frustrated na napapadyak si Hiro kaya mabilis kong hinawakan ang kamay niya.

"Then what shall we do?"

"We can do chemotherapy first...if it doesn't work, then we'll do the radiotherapy—"

"How much would it costs?" pagputol ko sa sinasabi ng doktor.

"Rykki, you don't have to worry about that!" pagsita sa akin ni Hiro. "Continue Doc..."

"As I have already said, we'll start with the chemotherapy, once a week will be our session...We need to start this immediately. So, I suggest that we got to do this tomorrow since it's Saturday, nakuha ko na rin ang lab results mo and I don't see any reason para hindi natin isagawa ang treatment. Then kapag nakita kong kaya pa ng katawan mo, we'll do also radiotherapy..."

Her Last Days (COMPLETED)Where stories live. Discover now