Day 17

2.4K 64 5
                                    

DAY 17

HUMINGA muna ako nang malalim at binuksan ang pinto ng kuwarto ni Rykki para lang lukubin ako ng kaba nang makita ang bakas ng dugo sa kama niya na tiyak kong dahil sa dextrose na mukhang siya ang nagtanggal sa sarili niya.

Rykki...

"Dad?" bungad ni Sera na may mga dala-dala nang nagmamadali akong lumabas ng kuwarto ni Rykki.

"Where's your Mom?!"

"W-What are you talking about, Dad? She's sleeping inside—Where's Mommy?!" sigaw niya nang sumilip siya sa loob ng kuwarto.

"Stay here. I'll find her."

"Sasama ako—"

"Stay here Sera and call me kapag bumalik siya."

Lakad-takbo na idinial ko ang numero ni Kian pero hindi niya iyon sinasagot. Nang malibot ko ang buong floor na kinaroroonan ni Rykki at hindi ko pa rin siya nakita ay doon ko lang naisipan ang security area ng hospital.

"M-My wife is missing from her room. Can you search for her?" hinihingal kong saad sa guard na nakita ko roon.

"Ano pong room Sir?"

"402. Probably thirty minutes ago..."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rykki na tila wala sa sariling sumakay ng elevator. Nakapaa pa siya at mula sa video ay nakita ko ang dumudugo niyang kamay.

Nagtatakbo ako palabas nang makita kung saan papunta si Rykki. Halos hindi ko na nahintay ang elevator at tuloy-tuloy akong nagtatakbo papanhik sa taas ng hospital. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Rykki na yakap ang sarili niya sa sulok at tulala.

"Ry..."

Lumuhod ako sa harap niya at tila roon niya lang ako nakita. Nang mahaplos ko ang pisngi niya ay tila natauhan siya.

"S-Seth..."

"Why are you here?"

Umiling-iling siya at nawalan ako ng balanse nang biglaan siyang yumakap sa akin. Isinubsob niya ang sarili sa dibdib ko at ilang sandali lang ay umalingawngaw ang pag-iyak ni Rykki sa lugar.

"Hush, love..."

"I-I don't know why I'm h-here. I think I-I'm losing my mind, Seth! I'm s-scared!"
Mas hinapit ko si Rykki papalapit sa akin at hinaplos ang buhok niya. "Don't be. I'm here, Rykki. I won't leave you."

"I d-don't want to die, Seth! I don't want to die like this! But why is He like this to me? K-Kung mamamatay rin naman pala ako bakit hindi pa noong sumuko na ako? Noong panahong ginusto ko na lang mawala! Bakit ngayon pa na ang tanging g-gusto ko lang ay muling mabuo ang pamilya natin? Ang makasama si Sera at ikaw! Gusto kong muling sumubok S-Seth but why is everything so unfair?"

Mariin akong pumikit kahit may ideya na ako sa ginawa niya noong tangkang pagtapos sa buhay niya, ang sakit pa ring marinig manggaling iyon sa bibig.

"If you don't want to die then please Ry, listen to me. Let's do everything to save you, Rykki. I'll stay with you."

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Nang unti-unting humina ang hikbi niya ay inilayo ko siya sa akin at sinapo ang mukha niya. Pinunasan ang luha niyang patuloy sa pag-agos.

"Aren't you scared?"

"Of what?"

"Of staying with someone na bilang na lang ang mga oras?"

Umiling ako. Gustong muli na kontrahin ang negatibo niyang pag-iisip pero alam kong hindi iyon ang gusto niyang marinig mula sa akin.

"No...what scares me is losing you without fighting just like what I did years ago. Just give me a chance, Rykki."

Her Last Days (COMPLETED)Where stories live. Discover now