Day 14

2.5K 73 4
                                    

DAY 14

"Then let's start anew, Rykki. Hindi natin kailangang ibalik ang nakaraan kung puwede namang magsimula tayong muli."

Humigpit ang kapit ko sa seradura ng pinto sa narinig na sinabi ni Seth. Umiling-iling habang mariing pumikit patuloy sa pagkawala ang mga luhang gusto ko mang pigilan ay hindi ko magawa.

How can we start anew kung mawawala rin naman ako? Para saan pa?

"But what t-to do? I don't want to—"

"Then what do you want me to do? Ang hayaang mawala ka muli sa buhay ko?"

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin kaya mabilis kong binuksan ang pinto at isasara na sana nang marahas niya akong hilahin patungo sa kanya.

"What's holding you back, Rykki?" anas niyang hinaplos ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang patuloy ang pamamalisbis. "You wouldn't cry like this kung totoo ang sinasabi mong hindi mo na ako mahal. Do you want me to beg? To kneel? Anong gusto mo para hayaan mo kong muling maging bahagi ng buhay mo?"

Napatda ako nang makita ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Seth. His eyes are begging me to agree with what he wants. And I want to gave in but I can hear those words inside my head telling me that I'm dying.

"N-Nothing Seth, 'wag na nating ipilit pa, what happened with us was just a mistake! It's not love, it's just lust! Nothing else!"

Itinulak ko siya at patakbong pumasok sa kuwarto pero bago ko pa maisara ang pinto ay nakapasok na siya at marahas na isinara iyon.

"Take back what you just said!" mariin niyang pag-alog sa balikat ko. Matalim ang matang nakatingin sa akin pero hindi galit ang nakikita ko roon kung hindi sakit.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at marahas na bumuga ng hangin.

"It wasn't l-lust, Rykki. I never touched you with just lust. I did that because I love you. It was only you, Ry...why is it so hard for you to accept me?"

"And why is it so easy for you to ask me to take you back again when everything is complicated?!"

"Ano bang komplikado sa atin Rykki?! May anak tayo, hindi mo ba gustong mabigyan ng buong pamilya si Sera? Is this about Divine? My parents? I'm willing to give up everything just to have you again, Ry—"

"Ang komplikado ay kahit anong gawin o sabihin mo, hindi pa rin no'n magagawang mapanatili ako sa buhay mo!"

Kumunot ang noo niya at umiling-iling. Ang tingin ay nagsasabing hindi niya maunawaan ang sinasabi ko.

Bakit ko pa ba kailangang itago, kung malalaman niya rin naman?

"I'm...dying, Seth."

Napatda siya sa sinabi ko at lumipas ang ilang minutong nabalot ng katahimikan ang kuwartong kinaroroonan namin.

"W-What?"

Lumunok ako at tinatagan ang sarili kong ulitin ang mga salitang hindi pa rin magawang lunukin ng isipan ko. "I'm dying—"

"No! A-Ano bang pinagsasabi mo? This is not the time for a joke—"

"J-Joke? Oh, how I wish it was a joke, Seth but it's not."

Umiling-iling siya. "Bakit ka mamamatay? I d-don't believe you—"

"Brain tumor. Terminal illness. You can directly ask my doctor, Seth. He's your cousin."

Lumunok siya na tila hindi pa rin maproseso ang sinasabi ko.

"H-How can we start a new life together again when I don't even know kung magigising pa ako bukas...I'm dying, maybe two months from now, one-month, next week or tomorrow."

Her Last Days (COMPLETED)Where stories live. Discover now