Day 18

2.3K 67 3
                                    

DAY 18

"ANO bang meron at may papiring-piring pa kayong mag-ama sa akin?" natatawa kong untag nang bago ako lumabas ng kotse ay piniringan ako ni Sera.

Narinig ko ang hagikhik ni Sera habang ang ama niya naman ay kulang na lang buhatin ako sa pag-alalay sa akin papasok sa loob ng bahay. Makalipas ang apat na araw na pananatili sa hospital ay pinayagan na rin ako ni Kian na makalabas sa hospital. Iyon nga lang ay babalik ako pagkalipas ng tatlong araw para sa unang session ko sa radiation therapy.

Habang pinakikinggan ko ang saya sa boses ni Sera ay hindi ko pa rin alam kung paano ipagtatapat sa kanya ang tunay na kalagayan ko. Ayokong sirain ang kasiyahan niya lalo pa't tuwang-tuwa siya sa pagbabalikan namin ng ama niya. I don't want her to suffer. But I know hinding-hindi ko rin maitatago ito sa kanya.

"Surprise!"

Kumurap-kurap ako sa panandaliang pagkalabo ng mga mata ko bago gulat na minasdan ang loob ng bahay. Sa garden area ay may banner na nakasulat ang pag-welcome back sa akin. Pero hindi iyon ang ikinagulat ko kung hindi ang halos mapunong tao sa garden. My colleagues, friends and batchmates were here. Kahit iyong mga kaibigan ni Seth na naging kaibigan ko rin ay nandito sa harap namin na ngiting-ngiti sa akin.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Seth sa bewang ko na umani ng tuksuhan mula sa mga tao dahilan para pamulahan ako ng mukha.

Hinampas ko si Seth sa braso at tatangkaing lumayo sa kanya pero mas lalo niya lang ako hinapit patungo sa kanya.

"Pre, mamaya na 'yan! Gutom na kami!" sigaw ni Hades na mukhang hindi pa rin nagbabago sa pagiging mahilig sa pagkain.

"Ba't may paganito pa? Para namang ang tagal kong nawala."

Yumakap sa bewang ko si Sera. "This is your official welcome party here, Mommy! You're really back in our lives! Permanently!"

Panandaliang naglaho ang ngiti sa labi ko sa sinabi ni Sera pero pinalis ko ang negatibong iyon sa isip ko at niyakap si Sera.

Naubos ang maghapon sa pakikipaghuntahan sa mga kakilala namin ni Seth. Papalubog na ang araw nang isa-isa nang mag-alisan ang mga bisita.

"Ikaw ba nagpasimuno ng party na 'to?" naiiling kong tanong kay Seth.

"You know me, wala akong alam sa ganito. Idea 'to ni Hiro at ng anak natin. You're happy?"

Tumango ako at ngumiti. "Very happy."

Nang may tumawag kay Seth ay tumayo ako at hinanap si Hiro na naabutan ko sa pool area na mag-isang umiinom ng alak tila may malalim na iniisip.

"Problem?"

"Hey..."

Inagaw ko ang alak na hawak niya at inilapag iyon sa table na malapit sa amin.

"That's my drink, woman."

"Baka malasing ka..."

"Why? Afraid that I'll spend my night here at masira ko ang gabi ninyo ng asawa mo—"

"Sira!" hampas ko sa kanya na ikinatawa niya pero hindi no'n naitago ang lungkot sa mga mata niya.

"May problema ka nga."

Bumuntong-hininga si Hiro at iniwas ang tingin sa akin. "Kilalang-kilala mo talaga ako..."

"Ano 'yon?"

"Same old story, they still don't want me, Ry. I found out na may sakit ang Daddy kaya dumalaw ako pero ano pa nga bang inaasahan ko. Hindi pa rin nila ako tanggap at mukhang hindi kailanman nila ako matatanggap."

Her Last Days (COMPLETED)Where stories live. Discover now