1 - Home

461 11 1
                                    

I'm too scared on publishing this story because I might not finish it like my other stories because of my damaged mental health but writing is helping me to cure my mental health :((( so please bear with me :)))

....

Third Person's POV

Masayang nakatingin sa tanawin ang hari at ang kanyang asawa.

"Maganda ata ang gising nyo mahal na hari" saad ng kanyang asawa at hinawakan ito sa braso

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tawagin mo ako sa pangalan ko, Rachel. Parang hindi mo ako asawa kapag hindi mo ako tinatawag sa aking pangalan" sagot ng hari at humigop ng tsaa

"Nasanay lang ako na tawagin ka sa iyong titulo, Herbert" saad ni Rachel


"Dapat ay masanay ka na sa pagtawag sa pangalan ko dahil limang taon na tayong kasal, Rachel. At ikaw ang reyna ng buong Lucresia kaya hindi maganda pakinggan kapag tinatawag mo ako sa aking titulo"


Nagpakawala ng isang malakas na bumtong hininga si Rachel at malungkot na ngumiti.

"Kahit na kasal tayo ng limang taon ay hindi parin ako maituturing na reyna ng bansang ito. Hinding hindi dahil kay--"

Napalingon sila ng may kumatok sa pinto at agad na lumabas ang katiwala ng hari. Si Malcolm.

"Paumanhin mahal na hari at Ms. Rachel sa pagistorbo sa inyo subalit ay may importante kayong dapat malaman" paninimula ni Malcom kaya tumayo ang hari at si Rachel para pakinggan ang gusto nyang sabihin.

"Tumawag ang airline department ng Lucresia at pinapasabi na si..." nag alangan ni Malcolm kung itutuloy nya ba ang sasabihin nya dahil kinakabahan sya.

"Sino, Malcolm?" tanong ni Rachel


"Si Prinsesa Astrid ay nakasakay sa isang pribadong eroplano pauwi ng Lucresia" agad na nanlaki mata ng hari at ni Rachel kasabay ng pagpasok sa silid ng ina ng hari.


"Queen mother" yumuko si Malcolm ng makita ang matanda


"Herbert! Papaanong makakauwi ng Lucresia si Astrid!" galit na saad ng ina ng hari na si Elizabeth.

"Ayaw nyo ho bang umuwi ng Lucresia ang panganay kong anak?" makahulugang tanong ng hari.

"Alam mo kung gaano kalaki ang gulong ginawa ni Astrid noong huling beses syang narito, Herbert! Hindi na dapat sya umuwi sa bansang ito, isa syang sakit sa lipunan!" agad na inalalayan ng hari ang kanyang ina  nang muntik nang matumba.

"Nakita mo na?! Nalaman ko lang na uuwi sya ay tumataas na ang dugo ko!" dagdag ni Elizabeth


Napabuntong hininga ang hari at pinakalma ang ina.


"Kahit ano hong gawin nyo kay Astrid, kung gusto nya ay alam na alam nyo ho na gagawin nya lahat. Kaya wala na ho tayong magagawa" saad ng hari at lalong nastress ang matanda.



"Malcolm, paghandain mo na ang aming mga anak. Ihanda rin ang mga paboritong pagkain ni Astrid" agad na sumunod si Malcolm at galit na humarap si Elizabeth sa anak nya.

"Isang malaking gulo ang dala ni Astrid, Herbert. At sana ay handa kang panagutan lahat ng gagawin nya bilang ama" pagbabanta ng matanda at naglakad na palabas ng silid.

Agad namang sinabihan ni Malcolm ang mga butler ng mga anak ng hari para gisingin ang mga ito.

"Magandang umaga mahal na Prinsesa" agad na kinusot ng batang Prinsesa ang kanyang mga mata at tamad na nagmulat ng mata


Lucresia: We All LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon