11 - Camping

130 5 3
                                    

Napaawang ang labi ko sa sinabi nya.

"What did you just say?" lumapit ako sa kanya para saktan sya pero nagtago sya sa likod ng head prof.

"Joke lang naman e! Wala ka bang humor?" napapikit ako ng mariin at napairap ako.

"Why do they let anyone enter in this country?" mariin kong saad at naglakad papasok ng cafeteria.

Wala na. Nawala na ako sa mood.

Tumayo ang mga nasa loob ng cafeteria pero hindi ko sila pinansin. Umorder ako ng isang steak at umupo sa isang upuan saka kumuha ng knife para hiwain ang karne at ibibigay ko sa pusa mamaya.

"Wow steak" napapikit ako nang mariin at sumandal sa upuan saka sya tinignan ng masama.

Napataas ang kilay ko nang makitang pamilyar sya. Tinitigan ko sya saglit pero ngumiti lang sya.

Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao at binubulong yung pangalan nya. Sikat ba sya?

"Get out of my sight before I lost my patience" saad ko at napakamot sya ng batok nya.

"Sungit talaga" napabuntong hininga ako at itaas ang baba nya gamit ang kutsilyo na kina gulat nya.

"Stop messing me up" saad ko at nang matapos nang hiwain ang steak ay tumayo na ako para lumabas ng cafeteria.

Hinanap ko ang pusang nakita ko kanina at nakita ko sya na naglalakad papunta sa may gubat. Nilapitan ko sya at inamoy nya ang kamay ko. Agad kong inabot ang steak at pinakain sa kanya. Dahan dahan pa syang lumapit sakin at nang maglaon ay naging kampante rin sya sakin.

Hinawakan ko ang balahibo nya at pinadausdos ang kamay ko sa likod nya. Isa syang gray himalayan cat na may red at blue eyes.

"Star? Star?" agad na naging alisto ang pusa at hinanap ang tumatawag sa kanya.

"Meooow meoww" sinundan ko ang pusa at tumalon sya sa leeg ng amo nya.

Napataas ang kilay ko nang makita si Pierre. Agad nyang tinago sa likod nya ang pusa.

"H-hindi ko s-sya m-maiwan s-sa c-condo... w-walang mag-aalaga" natawa ako at tumango lang saka lumapit sa pusa.

Hinawakan ko ang ulo nya at dinilaan nya ang kamay ko kaya napangiti ako.

"She let you touch her?" napataas ang kilay ko sa sinabi nya.

"Ayaw nyang hinahawakan sya ng iba bukod sakin" napatango naman ako at nginitian ang pusa.

"You're kind to animals" napahinto ako at tinignan si Pierre.

"Because they won't betray me" nagkibit balikat ako at napahinto ng mapansing nakatingin sya sakin.

"What?" mataray kong saad at nilagay nya sa noo ko ang kamay nya pero agad ko ring inalis.

"You still have a fever" saad nya at siningkitan ko sya ng mata.

"No minding each other's business diba?" saad ko at nagkibit balikat sya.

"Pierre!" napalingon kami nang may tumawag sa kanya. Yung nerd na babaeng binubully ng taga Quire nung isang araw at yung nerd na tumulong sa kanya nung binubully si Pierre nung taga ibang section.

"Mahal na Prinsesa" yumuko sya nang makita ako.

"Hinahanap na tayo, magsisimula na raw yung panibagong activity" saad nya at hinawakan ang pusa pero agad syang kinalmot.

"Meow!" agad na nagalit ang pusa.

Napataas ang kilay ko nang maiwasan nya agad yung pusa sa pagkalmot sa kanya. Sayang, hindi sya nakalmot.

Lucresia: We All LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon