2 - Background

218 9 1
                                    

Agad na tumalon ang Prinsesa at nagpagulong gulong sya sa daan bago malakas na tumama ang sasakyan sa puno.

Inis na umupo ang Prinsesa sa damuhan at tinignan ang sugat sa siko, pisngi at tuhod.

"Hey! Are you okay?!"  agad na may lumabas na hologram sa relo ng Prinsesa.

"Just bruises" saad nya at napabuntong hinihinga.

"Bring me a chopper because they will find a way to kill me as long as I haven't stepped my feet at the Palace" saad ng Prinsesa at sumandal muna sa umuusok sa McLaren.

Napapikit sya ng mariin ng makitang butas-butas na ang dulo ng kanyang dress dahil sa pagikot nya kanina.

"Patience. Patience" mariing saad nya habang pinipigilan ang sariling balikan ang mga humahabol sa kanya at tapusin sila.

Ilang sandali lang ay dumating na ang chopper kaya inilabas nya ang dagger na nakasabit sa hita nya at sinira ang linya ng gas ng kotse saka naglakad papunta sa chopper at nang nasa taas na ay inasinta nya ang sasakyan gamit lang ang maliit na baril kaya sumabog ito.

"ASINTADO!" manghang saad ng lalaking nagmamaneho ng chopper pero umirap lang sya at sumandal sa upuan habang nakatingin sa ibaba na inaapoy ang kanyang mamahaling sasakyan.

'It will buy time to think that I really died' bulong nya sa sarili.

"Mukhang ayaw ka talaga nila pauwiin no?" tinaasan nya ng kilay ang kaibigan nya.

Napangisi ito at tumingin sa maliwanag na buwan.

"I am a the only Princess who's not welcome to her own country and family... well, I forgot that I don't have a family anymore" may halong pait nyang saad.

Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa palasyo. Hindi sila pinapaputukan ng mga kawal dahil kilala ang logo na nakalagay sa chopper.

"Boss, wala palang bababaan dito. Ano? Talon ka nalang?" sinamaan ng tingin ng Prinsesa ang lalaki kaya napakamot nalang ito sa ulo.

Tinignan ng dalaga ang ibaba at napangisi sya.

"Just land it down there" saad nya habang nakatingin sa malawak ang magandang garden na puno ng dandelions.

"Sa garden mismo? Boss, baka naman hindi na ako makabalik ng Lucresia nyan" tinaasan lang sya ng kilay ng Prinsesa.

"Just do what I said" napakamot ng ulo ang lalaki at bumaba mismo sa malaking garden. Kitang kita kung paano nasira ang garden pati ang mga magagandang bulaklak na hindi pa nahaharvest.

"Send my regards to your boss, y  gracias"

"Aws, thank you nalang, ginawa pang Spanish" nabatukan sya ng Prinsesa dahil sa sinabi nya bago lumabas ng chopper.

"Argh!" muntik na syang matapilok ng maglakad ito dahil ngayon nya lang napansin na nasira pala ang kanyang stiletto.

"Patience Astrid Patience..." pagpapakalma nya sa sarili nya bago maglakad habang hawak hawak ng kanyang kaliwang kamay ang kanyang stiletto.

"Mahal na Prinsesa, ano hong nangyari sa inyo!" gulat na saad ng head ng palasyo.

Magaan ang loob sa kanya ng Prinsesa dahil kasama sya ng kanyang ina sa pagpapalaki sa kanya.

"Just played with some idiots" walang gana nyang sagot habang naglalakad.

"Ho? Anong klaseng laro ba iyon at nagkasugat kayo?" nagaalalang tanong nito kaya huminto sya bago magsalita.

"Game of life and death" saad nya at naglakad na.

Napapahinto ang lahat ng katulong na naglilinis sa gilid nang makita sya.

Lucresia: We All LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon