5 - Drunk Party

176 7 0
                                    

Third Person's POV

Mabilis lang na nawala sa isipan ni Astrid ang nangyari kanina dahil sa natanggap nyang tawag. Itinuon nya ang pansin sa iniisip nyang gagawin para mamayang gabi.

["You're smiling widely"] napahawak sya sa dibdib nya ng may lumabas na hologram sa laptop nya.

"Hunter! Are you going to kill me?" gulat na sabi ni Astrid habang nakahawak sa dibdib.

["You're still not used to my suddenly presence?"] sarkastikong saad ng lalaki sa hologram kaya napairap si Astrid.

"Yeah yeah" hindi lang sya pinansin ni Astrid at napailing nalang ang lalaking kausap nya.

["I bet you're planning something for later"] saad nito na kinangisi lalo ni Astrid.

"You know me well. I want to turn her party into a drunk party" napailing nalang ang lalaki.

"Have you put the boxes inside the kitchen?" tumango ang lalaki.

["Yup! All clear. By the way, I need to go, bye"] pinatayan sya ng tawag ng kausap nya pero wala lang syang pake dahil sanay na sya.

Sankabilang dako, nakangisi syang bumaba at naglakad papunta sa swimming pool area kung saan gaganapin ang party mamaya.

"Mahal na Prinsesa" bati sa kanya nang makita sya.

"Princess Astrid" lumapit sa kanya si Rachel nang makita sya.

"Is there anything that I can do to help?" nagulat si Rachel at ang mga nakarinig.

"W-wala ho mahal na Prinsesa" saad ni Rachel at napataas ang kilay ni  Astrid saka tinignan ang mga lulutuing pagkain para mamaya.  

"Okay. I'll just go to kitchen to taste test" saad ni Astrid at agad na tumango si Rachel.

Nakangising pumunta si Astrid sa kitchen at agad na kinabahan ang mga tao sa loob ng kusina dahil makita sya. Nilibot nya ang paningin at napangisi nang makita ang hinahanap nya.

"Leave. I'll use the kitchen" utos nya at agad na nagsi-alisan ang mga tao. 

Napangisi sya at tinignan ang mga box ng wine na iseserve mamaya. 

"Wine will not make them drunk" saad nya habang nakangising pinapalitan ang wine na iseserve mamaya sa mga bisita.

 

"Wine doesn't but gin does" nakangising saad nya at mabilis na nilagay ang mga bote ng gin na katulad na katulad ng mga bote ng wine.

Si Astrid ang gumawa ng alak na purong gin pero may nilagay syang gamot na magpapawild sa tao hanggang sa makatulog. May mga side effects din iyon depende sa dami ng ininom. Hindi matapang ang amoy ng alak at sa una ay hindi mo mararamdaman ang tama.

Nang matapos na sya ay agad syang lumabas at inantay ang gabi. Nang maggabi na ay naghalf bath sya at nagsuot ng neon green two piece na pinatungan ng black silk robe type dress at nagsuot ng black high heels. 

Nagmake-up sya at ni-highlight nya ang kanyang jawline at nag white eyeliner at eye shadow na neon green pati ang kanyang labi ay neon green din, bagay na bagay sa maputi nyang kutis. Ginawa nyang clean high ponytail ang kanyang buhok at ngumiti sa salamin.

Umupo sya sa dulo ng kanyang kama at pinanood sa ipad ang pagdating ng mga bisita. May nakita syang mataas na opisyal at royalties na galing sa iba't ibang bansa at malalayong lugar.
Nakangisi lang sya habang inaantay na magsimulang kumain at uminom ang mga bisita.

Lucresia: We All LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon