MLT 2

127 5 10
                                    

Nag sign of the cross ako, Lord sorry talaga first and last na to. Kinuha ko yung relo, cellphones at wallet na nasa lamesa at nilagay ko sa bag, pati ung mamahalin na bracelet. Ready na sana ako palabas ng room hotel ng biglang bumukas yung pintuan ng C.R at napatigil naman ako sa aking kinatatayuan, binalot ng kaba ang buong katawan ko. May lumabas na lalaki a greek GOD...Ang gwapo gwapo niya. Wait!!! Siya yung naka long sleeve na playboy sa restaurant!.

"Who are you?" Nakataas na kilay na tanong niya. Nakakastarstruck naman, ang ganda ng eyes niya...nangungusap kasi at sobrang tangos ng ilong and his pinkish lips, ano kaya ang lasa non.Luh utak ko ehh. Di lang yon huh may anim na pandesal, he look so hot at nagpadagdag pa sa kanyang hotness yung basang buhok niya ngayon. Ano ba tong utak ko ang rupok.

Di ko namalayan na tinanggal na niya yung mask ko. Napatigil naman siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "How dare you too tresspass in my room lady" nakangising sambit niya sa akin.

"Sorry...." nanginginig kong sabi dito at di ko maiwasan matakot, paano kung barilin niya ako oh kaya ihh sumbong sa pulis.

May bigla namang kumatok. "Stay where you are and don't try to escape...you will regret it" seryosong sabi nito. Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko na pulis pala yung kumatok.

" Pasensya na po sa abala sir may nagreport kasi na may magnanakaw daw dito sa hotel nagchecheck lang po kami ng mga rooms"

"Wala naman akong nakitang kakaiba dito sa hotel...Im just spending time with my girlfriend" at itinuro ako. Tumango lang naman yung pulis at umalis na. Nagulat naman ako sa paliwanag niya don sa pulis at ano raw girlfriend niya ako? Di ko nalang pinansin yon dahil ang mahalaga ay di niya ako isinumbong.

"Salamat dahil hindi mo ako sinumbong...ibabalik ko nalang yung mga ninakaw ko" sambit ko dito. "Akala mo ba basta nalang kita papaalisin...you are wrong my lady thief" sabi nito sa akin at umupo sa kama niya. Bwisit naman ohh akala ko ligtas na ako.

"Fine anong kapalit para  di mo ako isumbong sa pulis. Nagawa ko lang naman yon dahil kailangan ko ng pera para sa pagpahospital ng kapatid ko" malay niyo diba maawa at paalisin na niya ako.

"Your body yun ang kapalit" nakangisi pa ang gago nung sinabi niya sa akin yon". Aba magpapahuli nalang ako kesa sa kondisyon niya. Pero yummy yan sabi ng malandi kong utak.

"No way!" pero humalakhak lang siya. "Your face was so hilarious. You will not be my sex slave...your not even my type" Aba akala naman niya pumapatol ako sa babaerong katulad niya, no way norway, gwapong gwapo sa sarili ehh pero gwapo naman talaga...hayst!!!. "Hindi din kita type noh! Hinding hindi ako papatol sayo" sigaw ko sa kanya.

"Chill lady thief I don't want to argue with you, Let's get down to my condition shall we" natatawang sagot nito sa akin. Napatigil naman ako dahil don. "Fine ano ba yon?" Tanong ko naman dito, huminahon na ako.

"It's easy you will stay with me and become my maid at hindi kita isusumbong sa pulis. Papaswelduhin din kita" sambit nito sa akin. Wala naman akong choice kaya pumayag ako at isa pa I tried to steal from him.

Kinabukasan...

Mga 11 na ng makarating ako ng hospital. Ako ang nakatoka na magbantay sa kanya ngayon. I stared at Chasi, sobrang awang awa ako sa kapatid ko. Kung pwede lang na nagkapalait kami, ako nalang sana yung nasagasaan hindi siya. Mabilis akong humalik sa noo niya at hinawakan ko ang nga kamay niya"Chas nagawan na ng paraan ni ate kaya sana magpakatatag ka at gumising ka hah" pinunasan ko naman ang luha ko.

"Ate Larisa" napalingon naman ako sa kapatid kong si Wilma na may dalang malaking bag, kumuha kasi siya ng gamit ni Chas sa bahay at

umupo siya tabi ko. "Ate paano kaya kong humingi kaya tayo ng tulong kay papa" suhestyun niya sa akin.

Yun ang pinaka huling gagawin ko sa buong buhay ko ang humingi ng tulong sa kasuklam suklam kong tatay. He abandoned us, sumama siya sa kabit niyang amerikana at ang balita ko pa ay may pamilya na itong bago.

"Nagawan ko na ng paraan Wilma...hinding hindi tayo hihingi ng tulong sa taong yung" madiing sabi ko dito. Papatunayan ko pati sa kanya na kaya namin na wala siya. Simula nung iwan niya kami ay wala na kaming ama.

" Sana di nalang ako nakipagkita kay jehyun ...ate I love Jehyun pero kung para kay Chasi magpaparaya naman ako ehh kahit na masakit makipaghiwalay sa kanya" humagulgol siya ng iyak. Pinunasan ko ang luha niya. "Aksidente yon Ilma...yung nakabangga sa kanya ang dapat sisihin" sambit ko sa kanya.

Bigla naman nagvibrate ang phone ko.

Fr.Bastard, yun naman ang bagay na itawag sa mga lalaking nanloloko ng babae.

You should be in my house at 9 am in the morning

I rolled my eyes...good luck to me magstastart na ang pagiging maid ko bukas.

To. Bastard

May pasok ako baka pwedeng mga  5 pm?

Fr. Bastard

Fine don't be late slave😉 I'll text you the adress tomorrow

Ahh! LORD! Ito na ba ang parusa ko dahil nagbalak akong magnakaw.

My Lady Thief (Hunlisa)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt