MLT 9

64 4 6
                                    

We were having a quiz ng tawagin si Prof. Alexa ng Dean namin. "Oh to the M to the G Laris..pakopya ako ng number 3, this is so hard for my brain" namomroblemang sambit ni Nayeon. I chuckled at napailing ako sa kanya. Dahil mabait ako ay pinakopya ko ito.  "Irephrase mo huh..baka mahalata ni Prof.Lex alam mo namang teror yan" sabi ko sa kanya and she just gave me a simple nod.

Dali dali naman niyang binalik sakin yung test paper ng makakopya na siya. "Thank you talaga Ris..I'll buy you a cake tomorrow" sabi nito sa akin at kinindatan niya pa ako. Pinagpatuloy ko ang pagsagot at sakto naman na pagbalik ni Prof.Lex ay tapos na ako sa quiz. "Finished or not passed your papers at pwede nadin kayong mag early lunch pagkapasa niyo" pagkasabi niya non ay tumayo na ako at nagpasa.

Sabay kaming lumabas ni Nayeon ng classroom ng makasalubung namin si D.O, Nayeon's boyfriend. Binati ko naman ito at gumanti lang siya ng ngiti. "Im so sorry Ris..may paguusapan pa kami ni D.O kaya di kita masasamahan mag lunch" pagpapaalam niya sakin. "Ok lang mauna na kayo" pagkaalis nila ay nagsimula na akong lumakad papunta sa cafeteria, bigla naman nag vibrate yung phone ko. It's Klein.

Fr. Klein

Are you done with your class?

Bakit naman kaya napatext to?

To. Klein

Oo mamayang 4:30 naman bakit?

Pagkasend ko naman non ay nagreply eto agad

Fr. Klein

Good accompany me to the mall and let's eat lunch together

Wala naman akong choice na tumanggi dahil maid niya ako slash alalay.

To. Klein

Ok magkita nalang tayo sa labas ng Campus ko

FASTFORWARD

Kanina pa ako inis na inis kay Klein ang arte arte, napakatagal pumili ng mga damit niya. Mas grabe pa siya sa mga babae ehh! Di lang yon huh ako ang pinagbitbit niya ng mga pinamili niya. Oo maid niya ako pero pwede naman siya maging gentlemen diba. Chivalry is really dead.

Pagkalagay namin ng mga gamit na binili niya sa sasakyan ay bumalik kami sa loob ng mall para kumain ng lunch. Naisipan naman niya na sa Jollibee kami kumain. Nakahanap kami ng mauupuan agad dahil konti lang ang tao.

" I want burger steak and fries and order what ever you like" utus niya sa akin at binigyan niya ako ng pera. Pumunta na ako sa counter para umorder ng mapatingin ako sa inuupuan namin ni Klein ay may kausap siyang babae at mukhang enjoy na enjoy siya makipagusap don. Sa inis ko ay padabog kong inilapag yung order namin.

Tinaasan naman ako ng kilay nung babae bago umalis.

"Bakit mainit ulo mo" nakangising tanong ni Klein sakin.

"Wala ka na don at pwede ba kumain ka nalang" sabi ko dito at nagsimula na kaming kumain. Medyo nawawala yung inis ko dahil sa sphagetti at chicken.

" May dumi ka sa gilid ng labi mo"  di ko naman siya medyo naintindihan dahil enjoy na enjoy nga ako sa pagkain.

I was stiffened when he wipe the side of my lips using his thumb at alam ko na namumula ang mukha ko dahil sa ginawa niya.

Ngumisi naman siya. "I did not know that you are a messy eater"

Hindi pumapasok sa isip ko ang sinasabi niya dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

LARISA FIA ORDES ano bang nangyayari sayo!

My Lady Thief (Hunlisa)Where stories live. Discover now