MLT 21

50 4 14
                                    

Halos takbuhin ko na ang kwarto ni Chasi, tumawag sa akin si Wilma na nag flat lign ang heartbeat ni Chasi. Nakita ko si Mama at Wilma na umiiyak. "Ate, si ate Chasi..magiging okay lang siya diba? hindi niya tayo iiwan diba? Sunod sunod niyang tanong sa akin. Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Kilala mo si Chas, malakas yon..parang kalabaw yon ehh" I said to lighten the mood. Kahit sa loob loob ko ay pinanghihinaan na ako.

"Kun-" niyakap ni mama si Wilma. "Wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan. Alam kong ang sama kong ina dahil sinisi kita..patawarin mo ako anak.. naging malamig ako sayo. Hindi dapat kita sinisi dahil di mo kasalanan ang nangyari sa kapatid mo" naiiyak na sabi ni Mama kay Wilma.

Lumabas naman ang doctor, nakangiti ito.

" Gising na po si Ms.Ortez". Nagulat kami sa sinabi ng doctor. Niyakap naman ni mama yung doctor. "Salamat doc! Sobrang salamat!". Kahit nagulat yung doctor ay ngumiti parin ito. Pinahid naman ni Wilma ang kanyang mga luha "Mama tama na ang pagchansing kay doc" biro nito kay mama. Natawa naman ako dahil don. Kumalas naman si mama sa pagkakayakap don sa doctor at namula pa ang mukha ni Mama. Teen ager lang?

"Sorry doc" sabi naman ni mama. Umiling naman yung doctor. "It's okay I understand and no need to thank me Ma'am I am just doing my job" nakangiting sabi nito kay mama. Natawa naman ako kay Wilma dahil parang kinikilig ito kay Mama at don sa doctor. Well the doctor is still handsome and charismatic kahit na may edad na ito.

Pwede pang makipaglabanan ng visuals kina Leanardo de Caprio o Albert Martinez ng Pinas. We went to Chasi's room at naiwan naman si Mama don sa doctor dahil ipapaliwanag pa kay mama yung mga gamot at mga medical records ni Chasi.

"A-te" nahihirapang tawag nito sa akin. I hold her hand. "Sobrang saya ko na nagising ka na..you are so brave my Chasi" sabi ko dito. Pinunasan ko naman yung luha  ko. We tell her stories and we also eat with her.

I felt my phone vibrated. Nag text si Liuetenant Semento.

Ma'am this is Liuetenant Semento. Nahuli na po namin yung bumangga sa kapatid niyo.

Napahagulgol naman ako dahil don. We finally got justice for my sister. Bukas ay pupuntahan namin yung driver and I swear to GOD na gagawin ko ang lahat para di na siya makalaya.

I left Chasi and Wilma to talk..dumiretsyo ako sa may labas ng hospital at umupo sa bench. Kinuha ko yung phone ko at tinext ko si Klein.

To. Klein

Baby! gising na si Chasi. Do your best sa laban mo huh! Love you to the infinity and beyond❤️😘

Nag reply naman ito sa akin agad.

Fr. Klein

That's good to hear baby, sabi ko naman sayo ehh magigising din ang kapatid mo. I love you very much♥️ to infinity and beyond. I can wait to finish this game and go home to you.

Napangiti naman ako sa nabasa ko.

To. Klein

Ingat ka sa byahe. Sabihin mo sa piloto na mag ingat sa pagpalipad ng eroplano kung hindi..Pipingutin ko siya

I put back my phone on inside my bag ng may lumapit sa akin na men in black.

"Ikaw ba si Larisa Fia Ordes" malamig na tanong nito sa akin.

Napakunot naman ang noo ko. "Anong kailangan niyo sa akin", kahit kinakabahan ako ay hindi ko iyon pinahalata. "Gusto kayong kausapin ni Mr. Nagato Namikaze" sambit nito at may ibinigay na note sa akin

Namayuki Cofee House. 5pm

Fastforward:

I am already here in front  of Namayuki Cofee House. Napahawak naman ako sa aking dibdib. Sobra akong kinakabahan! Mr.Namikaze's body guard assisted me. Nakita ko itong umiinom ng tea, one look at him and you can see authority on him. Kamukha niya si kuya Suho, but old. He's aura is very cold at maiintimidate ka talaga sa kanya.

Umupo naman ako sa harap niya. "Ms. Ordez, my son's girlfriend right" kinalibutan naman ako sa sinabi niya. I just nodded as a respond. Nag lapag naman ng lemon juice yung waitress sa lamesa. Hindi sana ako iinum ng juice pero natutuyuan na yung lalamunan ko sa kaba.

" Mr. Namikaze bak-" di ko naman natapos yung sasabihin ko dahil agad niya akong pinutol sa pagsalita. " I'll get straight to the point iha, I don't like you for my son, you are a thief and a daughter of a gambler" malamig na sabi nito sa akin. Nawindang ako sa mga sinabi niya at nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagkamuhi sa akin.

" I had you and your family investigated. Sumama ang tatay mo sa isang amerikana hindi ba? pero dahil sugarol ito ay iniwan ito ng pangalawa niyang pamilya at ngayon ay pinaghahanap na siya ng mga police at ng mga pinagkakautangan niya. Tutulungan ko ang tatay mo at ang kapalit non ay lalayuan mo ang anak ko."

Naramdaman ko nalang ang mga luha ko sa na dumadaloy sa aking mukha.

"Kapag hindi mo nilayuan ang anak ko ay hindi lang siya makukulong..I will make him suffer" pagbabanta nito sa akin at sumimsim naman siya sa kanyang inumin.

Akala ko ay puro kaligayahan lang ang aking mararamdaman ngayong araw, akala ko lang pala yon. Lahat pala ay may kapalit.

I wanted to be happy on Klein's side but I don't want my cruel father to suffer, afterall he is still my father.

My Lady Thief (Hunlisa)Where stories live. Discover now