MLT 27

66 5 7
                                    

Naglalaro kami ni ng doll house ni Nova ng may kumatok sa pinto. "Munchkin sandali lang" sabi ko dito at tumango lang siya sa akin. Ng buksan ko yung pinto ay nanlaki ang mata ko sa gulat, it's Jaehyun and he's very wet from the rain.

"Anong nangyari sayo at sumugod ka sa ulan" nagaalalang tanong ko sa kanya. "I saw Susan kissing someone" sabi nito sa akin na ikinalaglag ng panga ko. " Nova, munchkin punta ka muna sa kwarto mo" sabi ko kay Nova at sinunod naman niya yung sinabi ko.

Umupo sa siya sa lapag na may carpet. Tumungo naman ako sa C.R para kumuha ng towel para ibigay kay Jaehyun. "Oh magpatuyo ka muna ex" sabi ko dito. Di parin naalis ang lungkot sa kanyang mata.
"Sabi ko naman kasi sayo umamin ka na sa kanya" pangaral ko dito. Tumawa naman ito ng mapakla. " Ex paano ako aamin kung nakikita palang niya ang mukha ko ay kumukulo na ang dugo niya" malungkot na sabi nito sa akin. Napabuntong hininga naman ako at tinapik ang balikat niya.

"Ex samahan mo ako mag bar..I need alcohol right now" sabi nito sa akin at parang konting sundot nalang iiyak na siya. "Hindi ako pwede..walang magbabantay kay  Nova" sabi ko dito. Gusto ko siyang ramayan at samahan pero di ako pwede pumunta sa bar. " Edi don na muna sa condo ko si Nova, ate Hani is their" pangungumbinsi nito sa akin.

"Fine pero uuwi tayo agad huh! Mga hanggang 10:30 lang tayo" sabi ko dito at niyakap niya ako. "Bastos naman nito basa ka tapos mangyayakap ka!" Sigaw ko dito. Tumawa naman ito at nagpeace sign. "Sige sige. Kukunin ko lang yung extra kong damit sa sasakyan"

Fastforward:

"Oh black margarita for you, mas masarap pag sinamahan mo ng lemon" sabi ni Jaehyun sa akin at inabot yung inumin ko. Ininum ko to ng isang lagukan. What the heck ang tapang nito. Tinawanan naman ako ni Jaehyun. He also drink pero iba sa akin dahil yung mas matapang sa akin ang inorder niya.

"Nung una sobrang gigil at inis na inis ako sa babaeng yon pero tingnan mo naman nag iinom ako dahil sa kanya" tinapik tapik ko naman ang balikat niya. We drink and talk hanggang sa nakakaramdam na ako ng pagkalasing.

I was about to drink again ng mahagip ng mata ko si Klein kasama si Fern na masayang naguusap at nagbubulungan, kulang nalang maghalikan sila. I felt pang in my chest. Mukhang di niya pa nahahalata na nakikita ko sila.

Iniwas ko na ang tingin ko sa kanila at nilagok ang inumin ko at hinatak si Jaehyun sa dance floor, nagulat pa nga siya. Tamang tama dahil gusto ko yung tugtog. It's fire burning by Sean Kingston.

"Bakit gusto mong sumayaw?" Nakakunot na bulong nito sa akin.

"Gusto kong sumayaw at isa pa sinamahan kitang uminom now samahan mo akong sumayaw" I said in a smirk and I even wrapped my arms around his neck and started to sway. Tinatamaan na talaga ako ng alcohol. Habang sumasayaw kami ni Jaehyun ay nakita kong nakatingin na sa amin si Klein and his face became dark, galit parang anytime ay may susugurin.

Nag seselos ba siya? Parang timang lang Larisa siya mag seselos? Galit nalang ang nararamdaman niyan sayo. Even Fern is looking at me. Ng makaramdam ako ng hilo ay bumalik na kami sa couch. " Ako dapat ang lasing ehh" reklamo ni Jaehyun sa akin. Kanina pa salita ng salita si Jaehyun pero unti unti na akong binalot ng antok at hindi ko namalayan na nakatulog ako kung hindi pa mag bavibrate ang phone ko. Sinagot ko naman yung tawag

Teka nasaan ako? (Thank GOD you answered) nagaalalang bungad ni Jaehyun sa akin.

(Hoy asan ka uwi na tayo?) naiinis kong sabi sa kanya.

(Sorry ex, nakalimutan ko kasi na ngayon pala ang dating ni papa at kailangan ko na siyang sunduin. Wag ka ng magalala kasi tulog na daw si Nova at sinabihan ko narin yung kaibigan ko na waiter na bantayan ka jan sa bar..babae yon kaya wag kang magalalasabi nito at inendcall na niya.

Bwisit na lalaki yon, matapos magyaya na mag bar ay iiwan naman ako. Lumabas na ako sa kwarto kaso halos himatayin ako sa sobrang gulat. Nakasandal sa railings si Klein habang may hawak na alak. " Where is Jaehyun?" Tanong nito sa akin. "Ahh umuwi na" sagot ko sa kanya. Hindi iniinda ang kalabog ng puso ko. "You let your boyfriend leave you, knowing your in the bar" nakangising sabi nito.

Magsasalita na sana ako ng dumating si Fern. "Oh my gosh Larisa are you alone? Hatid ka na namin. Honey hatid na natin siya" sabi ni Fern at hinila ako. We went straight to the parking lot at nararamdaman ko parin ang pagkahilo.

Nakaupo ako sa likod habang nasa passenger seat si Fern, bakit Larisa gusto mo na ikaw ang nandoon? Girlfriend ka?! Girlfriend?. Napailing naman ako sa naisip. "Nahihilo ka pa ba Larisa?" Nagaalang tanong sa akin ni Fern.

"Medyo ok na ako" sagot ko sa kanya at ngumiti. "Why did you even get drank! What if someone did something to you!" Nagagalit na sabi ni Klein sa akin. "Sorry" yon nalang ang nasabi ko. Pinakalma naman siya ni Fern. We were silent the whole ride ng buksan ni Fern ang radio.

Baby come back, yeah, any kind of fool could see
There was something in everything about you
Baby come back, you can blame it all on me
I was wrong, and I just can't live without you, no

Napaubo naman ako sa kanta. "Oh I like the song" sabi pa ni Fern. Dahil sa pakikinig sa kanta ay di ko namalayan na nasa bahay na ako. " Thank you sa inyo"

My Lady Thief (Hunlisa)Where stories live. Discover now