Introduction

874 47 8
                                    

Ang sarap magkaroon ng crush, nu? Pasulyap sulyap mula sa malayo. Panakaw nakaw tingin.
Hindi mo na kailangang hangarin pang mapalapit sa kanya kasi makita mo lang siya kompleto na ang araw mo.

At kapag magkakatabi naman kayo hindi mo maintindihan ang nararamdaman mo, ang bilis ng tibok ng puso mo. Napapangunahan ng hiya at kaba, umaatras ang dila mo.

Haay.. Ang sarap magkaroon ng crush.

Lalo na kung crush ka ng crush mo.

Pero paano kung crush ka ng crush mo kaso torpe siya? Hmmm

---

New story!!

Paalala: Lahat ng mababasa niyo ay kathang isip lamang. Ito ay fanfiction story kaya ang mga pangalang gagamitin ay may pagkakatulad sa sikat na personalidad ngunit 'di nagkakahulugan na nirerepresenta nila ang nasa kwento. Muli, ito'y kathang isip lamang.

Ang tema ay babae sa babae kaya kung hindi mo gusto ang ganito istorya ay pwede mo ng hindi pansinin ang kwento.

Nais ko rin humingi ng paumanhin kung magkakaroon man ng mga pagkakamali sa salaysay.

At higit sa lahat nagpapasalamat ako sa mga patuloy na nagbabasa, hangad ko na mapaligaya ko kayo sa kwento ito.

Ang Crush Kong TorpeWhere stories live. Discover now