Unang Kabanata

664 43 31
                                    

Ten ten ten ten ten ten ten ten...

I'm pretty sure we almost broke up last night
I threw my phone across the room at you

"JAILE!!! Gumising ka na! Aba, nag-iingay na si Taylor!" sigaw ni Shie sa panganay na anak mula sa kusina.

I was expecting some dramatic turn away
But you stayed

"Napakatamad mo talagang bata ka. Bumangon ka na dyan!" inaantok na kinakapa ni Jaile ang cellphone sa may ulohan niya.

"This morning I said we should talk about it
'Cause I read you should never leave a fight unresolved" pagsabay niya sa kanta.

Unti unti niyang minulat ang mata at napangiti ng makita ang kanyang wallpaper.

"Good morning baby!" bati niya dito bago halikan ang screen ng cellphone.

"Ano pa ginagawa mo dyan? Maligo ka na!" masungit na turan ng ina niya. Napanguso naman siya habang naghahanda ng pang-ligo.

Pagkatapos maligo ay sabay sabay na silang kumain magkakaanak.

Apat silang magkakapatid. Siya ang panganay at unang taon niya sa kolihiyo sa kursong Theater and Performing Arts. Ang sumunod sa kanya ay si Jazzy na nasa pangalawang baitang sa highschool na sinusundan ni JB at Jambi na parehas nasa elementarya. 

Ang kanilang magulang ay si Shiriel na isang mang-awit at si Jonathan na isa namang enhinyero. 

"Ate, balita ko parehas kayo ng kursong kinuha ng crush mo ah" ani ni Jazzy sa kapatid na ngumiti naman ng ubod ng tamis.

"Oo nga daw. Feeling ko sinusundan niya ako kasi alam niyang iyon ang kurso na kukunin ko. Isipin mo mahiyain siya tapos yun kinuha niyang kurso. Feeling ko talaga crush niya rin ako hahahaha" napairap naman si Jazzi sa kapatid niya na parang nananaginip ng gising. 

"Kung may gusto sayo yun matagal ka ng niyang nilapitan. E alam ng buong Montori na crush mo siya." pambabara niya sa kapatid niya, Montori ay ang paaralang pinapasukan nila simula elementarya.

"Ano ka ba! Syempre mahiyain nga kasi iyon. Baka natotorpe lang sakin kasi napakaganda ko." positibong pahayag niya, napailing na lang si Jazzi sa kapatid.

"Ano ba yan puro crush usapan niyo? Bilisan niyo na kumain dyan ng makapasok na kayo sa eskwelahan. At ikaw Gaile, mag-pokus ka sa pag-aaral. Aba! College ka na!" suway ni Jonathan sa kanila at tumayo na para maghanda sa pag-alis.

Matapos kumain ay kanya kanya na rin silang pumasok sa kanilang paaralan. Nahuli naman si Jaile dahil hindi siya makapili ng susuotin niya, nakaayos na siya kanina pero naisip niyang hindi bagay ito sa kanya.

"Jaile! Yung mga kapatid mo naka-alis na. Ano na ginagawa mo dyan?!" inis na inis na sigaw ni Shie sa anak.

Natataranta naman si Jaile na sinuot ang white long sleeve. Sa ibaba niya ay skirt at doll shoes.

"My gad! Feeling ko hindi magagandahan sakin crush ko! huhuhu" maarteng pahayag nito habang nagmamadaling lumabas ng bahay dahil alam niyang mapapagalitan na siya ng ina kapag nagpabagal bagal pa siya.

Masaya siyang naglalakad papuntang school. Malapit lang ito sa bahay nila kaya nilalakad niya lang para makapag-exercise na rin dahil ayaw niyang tumaba. 

Saglit lang ang tanaw niya na ang Montori University, kitang kita niya ang mga estudyante na may kanya kanyang trip.

"Ano ba yan! Unang araw pa lang may mga mag-jowa na. Tsk. Edi kayo na!" bitter na bulong niya ng makita ang magkasintahang magkahawak kamay na pumasok sa malaking gate ng kanilang eskwelahan.

Ang Crush Kong TorpeWhere stories live. Discover now