Ika-Sampong Kabanata

192 36 8
                                    

Pagkasundo sakin ni Kate ay nagkulong ulit kami sa kwarto niya.

Nanuod kami ng movie na dalawa.
"Bakit ba ang layo mo lagi umupo sakin? Dito ka." tawag ko sa kanya.

Ayaw niya pa ng una kaya hinawakan ko ang palapulsohan niya at hinatak siya papunta sa akin. Pinaupo ko naman siya sa tabi ko.

Para di siya makatakas sakin at niyakap ko ang braso niya. Para naman siyang nanigas sa ginawa ko.

"Relax ka lang.." mahinang pahayag ko na hindi tinatanggal sa tv ang tingin.

Ilang minuto na lumipas pero naninigas pa rin siya.

Hinila ko siya pasandal sa sofa at hinilig ang ulo ko sa balikat niya.

Matagal bago ko naramdaman na kumalma siya. Haay.

Pagkatapos manuod ng movie ay may bago na naman akong naisip.

"Turuan mo 'ko mag-gitara." suhisyon ko sa kanya.

Walang salita na kinuha niya naman ang gitara niya. Pagbalik niya ay naupo siya paharap sakin habang nagtitipa sa gitara niya.

"May alam ka na ba sa mga chords?" tanong niya na hindi natingin.

"Konti." tumango naman siya sakin at sinimulang ipakita ang mga chords. Hindi ko naman ito magets.

"Oh." inabot niya sakin ang gitara kaya nagulohan ako.

"Mas matutunan mo kapag ikaw ang may hawak." paliwanag niya kaya tinanggap ko iyon.

"C-chord." aniya kaya pinakita ko sa kanya.

"Good. What about G?" medyo nalimutan ko ang chord na iyon.

"Mali. A yan." binago ko ang posisyon ng daliri ko pero umiling pa rin siya.

"Paano ba? Nalimutan ko, i-guide mo daliri ko." parang batang reklamo ko sa kanya. Parang takot na takot kasi siyang hawakan ako.

"Put your middle finger on the first string at third fret" explain niya na lalo naman akong nagulohan.

Ano yung fret?

Sa inis ko ay kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit.

"Ano ba problema mo? Wala namang germs ang kamay ko bakit ayaw mo hawakan?" asar ng tanong ko.

Bigla naman akong nakunsensya kasi para siyang tuta na napagalitan.

"Sorry. Ganito oh." ginuide niya na ang daliri ko at dun ko naalala ang G-Chord.

Nang naturo nya na sakin lahat ng chord ay nagrequest na akong tumugtog kami. Medyo nasakit na kasi ang daliri ko pero wala pa akong kantang natututunan.

"Gusto ko Taylor Swift song!" masayang request ko sa kanya.

"Itong love story na lang. 4 chords lang ito." tumango tango naman ako sa kanya.

Dinidictate nya sakin ang chord at sobrang tuwang tuwa ako dahil mabilis kong nakuha yun.

"You learned so fast." nakangiting pahayag niya ng matapos ko ang isang kanta.

"Oo nga. Kaso sakit ng daliri ko! Hehe" ani ko at pinakita sa kanya ang namumula kong daliri.

Tinitigan niya naman yun at nakita ko ang paglatay ng lungkot sa mata niya kaya mabilis kong tinago daliri ko sa likod ko.

"Pero diba sa umpisa lang naman ito? Hehehe ayos lang." pampalubag loob ko sa kanya.

"Okay.. I'll be back here. Kuha lang ako ng makakain natin, baka gutom ka na." tumango naman ako kaya naiwan akong mag-isa sa kwarto.

Ang Crush Kong TorpeWhere stories live. Discover now