Ikatlong Kabanata

281 36 18
                                    

Natahimik ang lahat sa sinabi niya. Napatingin sila kay Jaile na parang na-istatwa, hindi makapaniwalang kinausap siya ni Kate.

Nang makalayo na ito ay dun lang natauhan si Jaile. Nagmamadali siyang naglakad papunta dito. Ngiting ngiti na nakasunod.

Nahinto si Kate sa tapat ng entablado. Tahimik namang tumabi sa kanya si Jaile.

"Let's start from the top." pahayag nito at nagsimula na ulit sila sa praktis.

Sa sobrang tagal nilang nakatayo ay nakakaramdam na si Jaile ng pagkangalay. Gusto nya ng maupo kaso nahihiya siya kay Kate na sobrang hard working. Nakatayo lang ito, nanunuod at magsasalita kapag may napunang kulang o mali.

"Kate.." mahinang tawag niya dito.

"Uhm?" simpleng sagot lang nito.

"Hindi ka ba napapagod? Gusto mo umupo tayo? Hehe" pasimpleng tanong niya dito.

Bahagya siyang nilingon ni Kate pero mabilis na binalik ang tingin sa unahan.

"You can sit miss Pilones." simpleng pahayag lang nito.

"Ang formal mo naman sa akin. Jaile na lang o kaya Babe.." mahina lamang ang sinabi niya sa dulo pero sapat para marinig ni Kate.

"Okay." tugon nito. Nauna na syang maupo sa bakanteng upuan.

"Kate, upo ka rin." muling tawag niya dito.

"Later, Babe." balewalang sagot nito na kinahinto ni Jaile, gayon din siya.

Malinaw na malinaw niya narinig ang sinabi nito.

"B-babe?" hindi makapaniwalang ulit ni Jaile.

"H-Huh? I'm s-sorry. I'm too focus on the play. I didn't mean calling you that. I'm s-sorry." natatarantang paliwanag nito.

Pulang pula na ang kanyang muka pati na ang kanyang tenga. Naglilikot rin ang kanyang mga kamay. Di naman maiwasan ni Jaile hindi mapangiti.

"It's okay Babe, tabi ka na lang sakin kapag napagod ka na tumayo ha?" malambing na aniya.

Hindi naman siya tinitignan ng isa. Nag focus na lang ito sa unahan.

Madilim na ng mag-pasya silang mag-uwian. Talagang hindi na tumabi o kinausap ni Kate si Jaile pagkatapos ang eksenang iyon.

Bago lumabas ng gate ay napalingon siya sa kanyang likod. Napansin nya si Kate na naglalakad di kalayuan sa kanya. Akay akay ang bike nito, hindi sinasakyan.

Nang makita nyang tumingin si Jaile ay dali dali itong sumakay sa bike niya at pinaandar. Mabilis namang humarang si Jaile sa daan niya kaya napahinto siya. Muntik pa siyang masubsob sa biglaang preno.

"Isang daan lang naman tayo, angkas mo na ako." turan na magiliw ni Jaile dito.

Kinakapalan niya na ang muka niya kay Kate dahil nararamdaman niyang sumasang-ayon na sa kanya ang mga pagkakataon.

"Naka-skirt ka" sagot ni Kate. Tukoy sa suot ni Jaile.

Napatingin naman siya sa suot niya.

"Okay lang yan, may cycling naman ako." pangangatwiran niya.

"No." striktong pahayag ni Kate na kinabusangot ni Jaile.

"Tsk. Siguro kung si Viv aangkas sayo papayag ka!" maktol niya.

Nakayuko lang si Kate. Tinutuktok ng daliri ang manibela ng bike.

"Sabi mo nung first day taken ka. Girlfriend mo ba si Viv?" usisa niya parin dito.

"Hindi." tipid na sagot nito na hindi natingin kay Jaile.

"Sino gf mo? O bf?" umiling lang siya at pinedal ang bike ngunit maagap na hinawakan ni Jaile ang manibela para pigilan siya.

Ang Crush Kong TorpeWhere stories live. Discover now