Ikawalong Kabanata

216 33 7
                                    

Lumipas ang araw at lalo kaming naging malapit sa isa't isa ni Kate. Hindi na rin siya ganon katahimik. Siguro ay nagiging komportable na siya sa akin.

"Anong gagawin mo sa weekends?" curious na tanong ko sa kanya.

"Nothing. But maybe i'll bring Luke to his vet." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya dahil sa kaba.

"Huh? Bakit? May sakit si Luke?" nag-aalalang tanong ko. Talagang napapihit harap pa ako sa kanya dito sa kotse.

"Nope. Papa-groom ko lang medyo messy na fur nya." nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.

Akala ko may sakit si Luke. Alam ko gaano kahalaga kay Kate yun kaya malulungkot sya kapag may nangyari masama kay Luke.

"Ah okay. Wala akong gagawin sa weekends eh. Sama na lang kaya ako sayo?" hindi naman ako naasang isasama ako ni Kate kasi baka babe time nila ng jowa nya ang weekends at 'di niya lang sinasabi sakin kasi alam niyang masasaktan ako.

"Ikaw bahala." tipid na sagot niya.

"Ahm. Sure ka? Baka bebe time mo yun?" maintrigang tanong ko.

"Yes. It's okay." nakangiting pahayag niya kaya napangiti na rin ako hehehe

                                                                     

Pagdating ng Sabado ay maaga pa lang dinaanan na ako ni Kate sa bahay.

Pagbukas ko ng pinto ng sasakyan ay bumungad sakin ang napaka-cute na asong nakahiga sa upuan ng passenger seat.

"Luke!!" excited na bati ko sa kanya.

Nagdilat siya ng mata at tinignan ako. Nang makita nya ako ay agad sya na tumahol na kinagulat ko.

"Oh my gad. Nangangagat ba siya?" natawa naman si Kate at umiling.

"Luke, behave.." suway niya dito na parang naka-intindi.

Muling nahiga si Luke sa upuan kaya napalabi ako.

"Dun ka na lang muna sa likod. Kapag kilala ka na niya, di ka na niya tataholan." wala akong nagawa kundi maupo na lang sa likod.

Pinagmasdan ko na lang si Kate Naka-cotton short lang pala siya ngayon at oversized na t-shirt. Ang simple ng suot niya pero ang ganda niya pa rin.

Ngayon ko lang siya nakitang naka-casual.
I mean, yung hindi pang-school ang suot.

Ang bango niya tingnan pero mabango naman talaga siya. Haay. Wala bang pangit sa kanya? Yung matuturn off ako.

Naramdaman niya atang nakatingin ako sa kanya kaya sumulyap siya sa rear mirror at ngumiti ng magaan sa akin.

Ngumiti rin ako sa kanya at nag-behave tulad ni Luke.

Ilang saglit lang ay nahinto kami sa isang vet clinic. Pagka-park ng kotse ay nauna na akong bumaba.

Sumunod naman agad si Kate bitbit si Luke.

"Tara?" tumango lang ako sa aya niya at sumunod sa kanya papasok sa loob.

"Hello Kate and Luke!" masayang salubong ng babaeng nakaputing uniforme. "Kaibigan mo?" tukoy nito sa akin.

"Opo." tipid na sagot ni Kate.

"Anong haircut ba ipapagupit mo kay Luke?" kinuha niya si Luke mula kay Kate at wala man lang ka-angal angal ang aso. Sanay na ata sa kanila si Luke.

"Jaile, may gusto ka bang gupit para kay Luke?" nagulat naman ako sa tanong niya.

Nagtataka ang mata ko na sinasabing 'Bakit ako? Wala naman akong alam diyan'

Ang Crush Kong TorpeWhere stories live. Discover now