Ika-pitong Kabanata

264 35 10
                                    

"Wow. You seem happy today huh." salubong sakin ni Karina ng maupo ako sa tabi niya at sa tabi ko naman si Babe.

"Hmm. Lagi naman akong masaya." pahayag ko at nagkibit balikat.

Ayuko naman ikwento sa kanya na hinalikan ako ni Babe. Baka sabihin ni Kate, kiss and tell ako kahit pa nga sa noo niya lang ako hinalikan. Okay na rin yun hihihi

"Iba awra mo ngayon. Parang ang blooming mo. Naka-make up ka ba?" nginitian ko lang siya ng matamis sa sinabi niya.

Hindi nya na rin ako nakulit dahil nagsimula na rin ang klase.

                                                                
Nang matapos ang klase ay inaya ko agad si Babe sumama mag-lunch, sumang-ayon naman siya.

Palabas na kami ng classroom ng harangin ako ni Ashi.

"Hello!" bati nya at inabot sa akin ang isang pirasong pulang pulang rosas.

"Bakit ganyan amoy mo?" kunot noong tanong ko sa kanya pagkatanggap ko ng bulaklak.

Grabe kasi. Parang pinaligo nya na ang pabango.

"Para patunayan sayo na naliligo ako." ngiting ngiti pa sya at nagpogi pose.

"Hay naku, Ashi. Pang-33 times ko ng pangbabasted sayo ito. Sumuko ka naman" pambabara ko sa kanya at nilagpasan na siya.

"Anong 33? 32 pa lang!" pagtatama nya sakin na hindi ko na pinansin.

"Grabe din yun nu? She's so persistent." humahagikgik na puna ni Kare.

Naupo na lang kami sa canteen para kumain. Tahimik lang si Babe na nasa tabi ko.

"Ako na mag-order." aniya at tumayo ng hindi hinihintay ang sagot namin.

Sinundan ko na lang siya ng tingin ng pumila siya sa may counter.

"Psst." tawag pansin sakin ni Kare.

"Bakit?"

"Kayo ba ay may something na?" usisa niya. Tukoy samin ni Kate.

"Walaa" medyo pinahaba ko pa ang wala dahilan para mas maintriga si Kare.

"Hmm. May jowa yan ha. Baka masaktan ka. Parang pa-fall e." napairap naman ako sa paalala niya na naman.

"Alam mo naman na crush ko siya pero di naman ako naasa. Masaya na ako na nagkakasama kami." nakalabing pahayag ko.

"Mabuti ng malinaw. Pansin ko pa naman sayo, nakadepende na ang mood mo sa nangyayari sa inyo. Kaka-bothered." bumuntong hininga na lang ako.

Napansin ko rin ang sinasabi niya. Lalo yata talaga ako nahuhulog, ngayong nagkakalapit na kami.

"Hindi naman. Wag kang mag-alala. Masaya lang talaga ako pero di ako aasa hehehe" alanganing pahayag ko dahil pati ako di sigurado dun.

Eh kasi naman nakakaramdam ako ng pag-asa sa mga pinapakita ni Kate.

"Here.." isa isa nilapag niya sa lamesa ang pagkain namin.

"Wow! Favorite ko ito. How did you know?" takang tanong ni Karina.

Favorite nya ang burger steak tapos pati milk shake.

Pagtingin ko sa pagkain ko ay chicken nuggets at milktea cookies and cream.

"Instinct." tipid na sagot niya.

Pero ang accurate naman. Sinawalang bahala na lang namin iyon at nagsimula ng kumain.

Ang Crush Kong TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon