Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter Five

657K 11.6K 1K
                                    

Hindi maintindihan ni Magnus kung bakit matindi ang pagkainis niya sa babaeng iyon. Kumukulo ang dugo niya sa tuwing nakikita niya kahit ang anino lang no'n. Strange. Hindi naman siya likas na mainitin ang ulo lalung-lalo na sa mga babae. Ang pinagtataka niya, masyadong magaan ang loob niya sa kambal. Maging ang kanyang ina ay ganoon din. Kung sa bagay, malaki kasi ang pagkakahawig nila ng mga bata noong siya'y kasing edad nila. Hindi kaya...? Imposible. Ang babaeng naka-one night stand niya noon ay mukhang dyosa. She had the face of an angel and a body of a seductress kaya malayong mangyari na ang babaeng iyon at ang mukhang pindanggang si Ms. Mariano ay iisa.

Sa isang banda, pwede namang magbago ang katawan ng isang babae, lalung-lalo na kung nakaranas ito ng panganganak. Kaya siguro nalosyang na ang dyosang iyon. Teka. Ba't niya iniisip na si Ms. Mariano iyon?

Inalala niya uli ang hitsura ni Ms. Mariano. Lagi itong naka-t-shirt na maluwang at pantalong maong. Minsan lang niya ito nakitang nag-bestida at iyon ay noong pumunta ito sa interview. Pero kahit nang araw na iyon, ang damit ng babae ay parang daster. Marahil ay marami siyang taba at bilbil na kailangang itago kung kaya lagi na lang loose ang outfit niya. Pero paano nga kung ang dyosang nagpagulo sa isipan niya all these years at ang nakaiiritang babaeng iyon ay iisa? Pinangilabutan siya. Maisip pa lang niya na naikama niya si Ms. Mariano nasusuka na siya.

Tungkol naman sa pagkakahawig nila ng kambal, ayon sa kaibigan niyang doktor, hindi naman nangangahulugan iyon na magkadugo na sila. Marami namang magkamukha riyan na hindi raw magkaano-ano.

Natigil ang pagmumuni-muni niya nang may kumatok. Kasunod no'n ay ang pagsilip ni Mrs. Roman, ang bago niyang sekretarya. Ito ang napili niya sa lahat ng nag-apply. Medyo mabagal kumilos at pumik-ap ng mga instructions, pero okay na rin. At least, hindi na siya mag-aalala na baka magkagusto rin ito sa kanya at magpapakamatay kung hindi niya patulan.

"Sir, pinapatawag po kayo ni madam. Nasa office na po siya."

Ang madam na sinasabi nito ay ang kanyang ina. May sarili nga itong opisina sa building nila, pero bihira ito kung pumunta roon. Iyon ay kung mayroon lamang meeting ang mga board of directors ng San Diego Group of Companies. Bakit narito ito ngayon? Wala namang meeting, a.

"Okay, I'll be right there. Tatapusin ko lang ang ginagawa ko," at nagpatuloy siya sa pag-review ng sinumite sa kanyang marketing strategies ng isa sa mga manufacturing firms nila. Pero from the corner of his eye, nakita niyang hindi pa rin umaalis ang sekretarya. Napasulyap siya uli rito.

"Sir, ang bilin po kasi ni Madam Minerva, pumunta po kayo agad dahil may appointment pa raw siya," medyo nahihiyang sabi uli ng sekretarya.

Napabuntong-hininga si Magnus. Kinontrol niya ang pagkainis.

"Susunod na ako," sabi niya. Nang hindi pa kumilos ang sekretarya, tinaasan na niya ito ng boses, "I'm going there now."

Nagitla ito at parang nataranta pa. Sa pagkataranta, nalito pa kung saan patungo. Niluwangan sana nito ang bukas ng kanyang pintuan na animo'y papasok pa sa loob.

"Mrs. Roman, your office is over there. Outside," sabi niya sabay turo sa direksyon palabas. Tumalima naman agad ito, pero nauntog pa sa pinto.

Nang pumunta siya sa opisina ng ina, may kausap ito sa telepono. Panay ang tawa nito kaya nabatid niyang she's in a good mood. Nang makita siya nito, sinenyasan siyang maupo na sa visitor's chair at binaba na ang telepono.

"You might be wondering about this surprise visit of mine, iho," pa-suspense nitong panimula.

He has a gut-feeling na hindi naman importante sa kanya ang sadya ng kanyang ina. Ang dami pa sana niyang nire-review na dokumento sa kanyang opisina. He can't afford to waste time.

PERFECT STRANGER (WATTYS 2016 winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon