Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter Nine

618K 11.2K 822
                                    

Sa dyip pa lang, tinext na agad ni Shiela si Mrs. Legaspi na malapit na sila sa building ng mga San Diego. Nag-reply naman agad ang ginang. Ang sabi nito, pumanhik na siya sa HRD dahil safe pa raw. Hindi pa nakararating ng opisina si Magnus. Kahit na naging mabuti ito sa kanilang mag-iina sa Baguio, ayaw pa rin niyang magtiwala. Mabuti na iyong nag-iingat.

Pag-menor ng sinasakyang dyip malapit sa building ng mga San Diego, sinabihan niya agad ang kambal na maghanda nang bumaba. Gaya ng dati, nagreklamo na naman si Marius.

"Ba't kasi hindi pa tayo nag-taksi, e. Ang hirap mag-dyip."

"Ay sus! Nagsalita ang mayaman," panunudyo niya rito.

"Oo nga. Alam mo namang ang mahal ng taksi. Di ba, mama?" sabat naman ni Markus.

Ngumiti si Shiela at hinawakan na sa kamay ang dalawa. Nakisuyo siya sa katabing pasahero na ito na ang mag-abot ng dalawa niyang supot pagkababa nilang mag-iina. Hindi naman nagreklamo ang mama. Nang makababa, nilakad-takbo na nila papunta sa building.

"Ang sabi mo, bawal tumakbo? Ba't tumatakbo tayo?" tanong ni Marius.

"Nagmamadali tayo, anak. Kailangan nating mai-deliver agad ito kay Mrs. Legaspi. Hinihintay na niya tayo sa taas."

"Pwede naman nating ma-deliver iyan kahit hindi tayo tumakbo. Pagod na ako, mama. Pahinga muna tayo." Si Marius uli.

"Aawayin ka na naman ba ni Mang Magnus pag naabutan tayo doon mamaya?" tanong naman ni Markus.

"Takot ka ba sa kanya, mama?" sabat agad ni Marius.

"Hindi naman sa gano'n, anak."

"Huwag kang matakot do'n. Susuntukin namin iyon ni Markus kapag inaway ka pa uli," pakli agad ni Marius bago pa siya makapagpaliwanag.

"Hindi ba sabi ko huwag dapat manuntok ng nakatatanda sa inyo? Tsaka dapat n'yong igalang iyon dahil nga anak siya ni Donya Minerva. Hindi ba mabait sa atin si Donya Minerva?"

"Masungit kasi siya, e," halos sabay na sagot ng dalawa.

Pagkapasok nila sa building, hinila agad ni Shiela papunta sa elevator ang dalawa bago pa maisip ng mga ito na tumakbo sa hagdan. Ilang minuto pa ang nakararaan, kaharap na nila ang mabait na ginang. Kinurot pa sa pisngi ang kambal. Gigil na gigil sa mga ito.

"Iyang kay Mrs. Santillan nama'y ihatid mo na raw sa seventh floor. Hinihintay na rin nila iyan doon. Iwan mo na lang ang dalawang ito rito para makatakbo ka na agad do'n."

Nagprotesta pa sana ang kambal, pero pinilit niyang magpaiwan na. Paglabas sa HRD, tumakbo agad siya sa elevator. Mabuti't wala gaanong gumagamit n'yon dahil sobrang maaga pa. Wala siyang nakasabay pagpunta niya sa ikapitong palapag.

Samantala, ang dalawang bata naman ay nakahulagpos sa pangangalaga ni Mrs. Legaspi. Hinintay nilang malingat ito at lumabas na rin sila ng opisina. Tumakbo agad sila sa hagdan at umakyat.

"Baka maligaw tayo, Marius," nag-aalalang wika ni Markus. Tumigil ito sa pagtakbo paakyat. Binalikan naman siya ng kakambal.

"Natatakot ka ba? Nandito naman ako, a. Narinig ko si mama na aakyat daw siya. Kaya halika na. Puntahan na natin siya sa itaas."

"Sigurado ka bang umakyat si mama?" paniniguro ni Markus. Mabilis namang tumango si Marius. Mukhang siguradung-sigurado talaga.

Pagdating ng dalawa sa ikaanim na palapag, nagpaikot-ikot sila. Hindi na alam ni Marius kung saan pupunta. Nainis na sa kanya ang kakambal. Sinisi siya nito. Nagsisihan ang dalawa. Gano'n sila nakita ni Magnus na papasok na ng opisina sa palapag na iyon. Nabigla nga ito nang makita ang dalawang bata roon.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Gretisbored, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Gretisbored
@Gretisbored
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--a...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 32 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @Gretisbored.
PERFECT STRANGER (WATTYS 2016 winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon