INTRODUCTION

175 2 0
                                    


Nakatira sa isang eskwater ang magkakaibigang Seulgi, Jin, V, Wendy, Lisa, Kai, Byul, JK.

Eskinita Tres ang tawag sa barangay nila.
Eskinita tres ng Cainta Rizal.

Seulgi Angela Fuentes, 20 years old. Sa City Hall nagtatrabaho ang Parents at Ate Jessi niya. Seul, or Angel for short.

Guard ang ama niyang si Angelo, Nasa Accounting Dept. Naman ang Ina niyang si Jesusa, At nasa Treasures office naman ang Ate niyang si Jessi 24 years old.

Taehyung Villamor, 16 years old. Senior Highschool Student. V ang tawag sa kanya ng grupo. Kilalang Pusher ang mga magulang.

Jongkook Soliman, 16 years old. Pinsan ni V at kaklase nila ni Lisa sa Senior Highschool. Runner, Pusher at parehong lasinggero ang mga magulang.

Seokjin Que. 21 years old. JIN for short.  mga Con Artist ang mga magulang. May lahing intsik ang ama. Pero hindi pure.

Wendylyn Magsanoc, 20 years old. Wendy for short. Tindera sa palengke ang mga Magulang at minsan nagpupusher din.

Lalisa Manoban 16 years old. Senior Highschool student klasmeyt ni V. Lisa or Lala for short. Broken family. Ang ina lang niya ang kasama niya sa buhay. Nagtatrabaho naman bilang Mayordoma ng mga Ricaforte.

Jongin Katipunan, 20 years old. Kai for short. Magulo ang Pamilya dahil babaero ang Ama. Hindi na niya alam kung ilan na ba ang nga kapatid niya sa ama. Isang Foreman naman ang Ama niya, at Tindera din sa palengke ang ina.

MoonByul Fuentes. 21 years old. Pinsan ni Seulgi sa Ama. Parehong nasa munisipyo din ang mga magulang bilang Casual Employees. Byul for short.

Tzuyu Amanda Choi. 14 years old. Nasa 2nd year highschool. Kapitbahay nila Seulgi.
TZU, OR Amanda ang tawag sa kanya.

Jennie Rubyjane Kim. 17 years old. Jennie or Rubyjane. Mayaman naman ang angkan nila. Nasa Medical Field ang mga Magulang. First Year College taking up Medical Technologist.

MayJoy Dela Llana, 17 years. Old. Anak ng Engr. At isang Medtech. Mayaman din. Classmeyt siya ni Jennie.

Irene Fatima Ricaforte, 23 years old. Sa batang Edad isang ganap ng Professor. Anak ng mayamang Businessman. She is now a Professor sa Isang University. Irene, Rene for Short. A Physical Science professor.

JunMyeon Cruz. 23 years old. Suho for short. Anak ng isang General. Isa na siyang Software Engineer sa isang malaking IT company.

Bogurt Lapidez. BOGUM for short. Isang anak mayaman. Nasa real estate ang Family Business. Isa din siyang stockholder.

-------------------------

Seulgi!!!!

Tili ni Aling Jesusa habang hinahanap ang anak sa labasan.

Tol, hinahanap ka ng Nanay mo! Hinihingal namang sabi ni Kai ng makapasok na internet shop

Epal naman ni Nanay. Kakasimula lang eh.
Reklamo naman ni Seulgi

Magkano ba pustahan niyo? Tanong ni Kai habang palinga linga sa labas ng internet shop

150 tol. Ikaw na nga dito. Sagot naman ni Seulgi at agad na tumayo

Piningot kaagad siya ng Nanay niya ng magkasalubong na sila.

Puro na lang computer ang nasa utak mo. Matalino ka nga pero gamitin mo naman anak. Talak pa ng Nanay niya

Nay naman, aray.

Kabilin bilinan ko sayo na magsaing ka bago ka gumala. Pero trenta minutos na kaming nakarating wala ka pa din. Pag nalaman kong nagbubulakbol ka papadala kita sa Lola mo probinsya.

Kung Ikaw Ba Talaga. Onde histórias criam vida. Descubra agora