JIN
Walang pagsidlan ang saya namin ng maging successful ang operasyon ni Lola sa pangunguna ni Dr. Sana.
Parang yayakapin pa nga ito ni Seulgi ng makalabas sa OR pero tila nagkahiyaan pa ang dalawa.
Bakit di mo niyakap? Ang weak mo tol. Pagod yong tao. Sana man lang binigyan mo ng kahit mabilisan lang. Sabi naman ni Jk
Kung ano ano ang tinuturo mo diyan kay Seulgi. Piningot ito ni Chaeyeon
She's good infairness ha. tugon naman ni Irene na kasama sa loob ng operating room
Talaga? Tanong naman ni V
Mabilis ang kamay niya. Mabilis magkalkula ang utak niya, mabilis din siyang magdecide. Para siyang robot na fully charged kanina. Kaya mabilis lang ang operasyon ni Lola. Sabi ni Irene samin
Tired? Minasahe ko naman sa balikat si Irene
Ganyan dapat ang ginawa mo tol eh. Sabi pa ni JK sabay turo samin ni Irene
Binatukan na ito ni Chaeyeon.
Love love naman. Reklamo naman niya
Sa private room na ni Lola namin nakita ulit si Doc Sana. Nakapagpalit na ito at bagong ligo.
Lola alam niyo ba kung nasaan kayo?
Kilala niyo po ba ang mga kasama niyo dito?
Tumango namang nakangiti lang si Lola sa mga tanong ni Doc Sana. Tatlo ang Doctor na nag aayos ng ikinakabit sa kanya ngayon. 3 magagandang Doctor ActuallySeul hindi ba masakit ang ulo mo? Patingnan mo kaya kay Doc Sana. Humirit na naman si JK
Pinigilan naman naming ngumiti sa kalokohan ni Jk. Si Seulgi talaga ang napagtripan ngayon.
Tumaas naman ang kilay ni Irene. Heto pa ang isang selosa. Si Doc Violet ngiting ngiti lang habang chinicheck ang IV fluid.
Oo nga tol. Kanina nagrereklamo ka. Sakay naman ni V at tinulak pa talaga si Seul palapit kay Sana
Magpaconfine ka kaya. Hirit din ni Wendy dito
Tigilan niyo ko. Sagot lang ni Seulgi
Doc Sana, may gagawin ka ba after this? Tanong naman ni Kai
Wala naman. Bakit?
As a way of our Gratitude. Ayain sana kitang magdinner.
Doon na ako napangiti.
Oo nga naman Doc. Single din yang si Kai. Sulsol pa ni Lisa
Okay lang sakin. Sagot naman ni Sana
Magkasalubong na ang kilay ni Seulgi.
Puntahan ko lang si Nanay. Paalam bigla ni Seulgi at mabilis na lumabas
Ayan. Sige pagtripan niyo pa. Saway na ni Irene
Joke lang naman kasi. Napakamot na lang sa ulo si Kai
Alam niyong maraming iniisip yong tao pagtripan niyo. Baka gusto niyong maconfine dito. Sabihin niyo lang sakin. Sabi pa ni Irene
Napakaselosa mo naman. Ayan kasi ang asawa mo, hindi naman si Seul. Reklamo pa ni Kai
Kahit na. Hayaan niyo siya sa diskarte niya kung talagang seryoso siya. Hindi yong paglaruan niyo yong tao. Sermon na niya
Ayan. Nagalit na si Buntis.
Parang nagulat pa si Doc Violet sa nasabi dahil napatakip ito ng bibig
BINABASA MO ANG
Kung Ikaw Ba Talaga.
RandomA Good relationship of the Professor and her Students. Istorya ito ng isang grupo ng mga kabataan na lumaki sa hirap at pinabayaan ng mga magulang. Lahat sila ay scholar ng Bayan. Kaya kahit medyo pinaglipasan na sila ng panahon, ginawa pa din nila...