CHAPTER 08

34 1 0
                                    

JIN

Tuwang tuwa ako ng matanggap ako sa malaking Kumpanya sa Manila. Ang Planet Uno. Tatlo ang nangunguna pagdating sa IT, Ang Cruz Int'l, Planet Uno, at Mobile Express Inc.

Hindi din biro ang magiging starting salary ko. Kaya na eexcite talaga ako. Tapos nakuha ako bilang Kung ano ang course at specialty ko.

A Computer Network Architect. Kaya labis labis ang pasasalamat ko sa panginoon dahil hindi ako pinabayaan.

Chineck ko muna ang laman ng ATM ko kung magkano ba. Lalo akong napangiti ng may 37k pakong naiwan.

Agad akong umuwi dahil alas tres na naman ng hapon. My pasok pako mamayang gabi. Sa susunod na linggo pa ang start ko sa trabaho kaya hindi muna ako nag resign, sayang din ang kita ko.

Kamusta ang Job Hunting tol? Si V lang ang nakita ko sa computer shop

Natanggap ako tol. At sa susunod na linggo magtatrabaho nako bilang si Engr. Seokjin Que.

Napayakap naman V at para kaming timang na magkayakap habang tumatalon na lumilibot.

Astig! Congrats tol. Magkano sahod? Pabulong niyang tanong

Kinuha ko sa bag ko ang binigay sakin ng HR na papel, dun nakalagay ang sweldo ko, benefits, mga requirements na kakailanganin ko.

Nanlaki ang mata ni V ng makita ang starting salary ko. Tapos if ever din na may overtime work.

Langya! 53k? Per month? Woah! Parang hindi pa ito makapaniwala

Kaya sa linggo magsisimba tayo. Tapos sasamahan niyo kong bumili ng longsleeve tsaka slacks tsaka sapatos. Kailangan kasi naka semi formal kami sa work. Oh di ba? Magmumukha na akong tao tol. Excited pang sabi ko

Oo naman noh. Dapat my necktie na din. Astig mo talaga tol. Ilang buwan lang pwede ka ng kumuha ng sasakyan. Kahit yong maliit lang, sayang din yong pormahan mo tapos magcocommute ka lang.

Sus. Kayo muna ang priority ko. Tsaka na ang kotse. Lalo at graduating na si Wendy at Kai, tapos sa susunod si Seulgi. Tapos kayo na. Oh di ba. Pagsabay sabay tayong nagtrabaho mas malaking sasakyan ang mabibili natin. Kaya pagbutihin niyo, tiyaga tiyaga lang talaga muna tayo tol. Makakaraos din tayo.

Napayakap naman ang ugok sakin. Mukhang mag eemo na naman to. Iyakin tong batang to eh. Napaka emo.

Mauuna na muna ako tol. Iidlip muna ako sandali at magduduty pako mamaya. Bukas ko pa to lalakarin ang requirements ko.

Sige tol. Ayos. Ingat ka ha.

Kumaway na lang ako sa kanya bago na naglakad papunta sa bahay namin. Dumaan muna ako sa karinderya para bumili ng pagkain at kanin. Wala ka namang aasahan sa bahay dahil malamang, mga ipis at daga lang ang naghihintay sakin.

Napangiti na lang ako habang kumakain dahil naisip ko na mabibilhan ko na sila ng cellphone na may camera. Makakapagpicture na din kaming grupo.

Hindi dapat pala sa linggo makapag group picture kami. Para may mailagay ako sa Desk ko sa opisina. Nakita ko kasi ang mga Desk nila, my mga Family Picture or di kaya picture ng jowa.

Napangiti ulit ako sa naisip ko. Alas diyes pa naman ang pasok ko kaya pwede pa akong matulog ng 4 or 5 oras.

May maliit akong tulogan sa likod bahay. Hindi yun nakakabit sa bahay namin dahil maingay ang mga magulang ko. Kaya nagpagawa ako sa likod bahay ng munting tulologan ko

Yong bahay namin wala kang makikitang appliances. Bahay na may 2 kwarto. Bangko, mesa, plato, baso, kutsara, lutuan. Wala ding mga picture frames. Wala din kahit isang tanim. In short, walang kabuhay buhay na bahay.

Kung Ikaw Ba Talaga. Where stories live. Discover now