IRENE
Masaya kaming nag uusap ni Violet at Roseanne habang kumakain. Magkakaibigan na kami since highschool.
Si Roseanne lang ang naiba ng field samin. Mas bagay kasi talaga sa kanya ang maging abogado dahil parati na lang nakikipag argumento.
Ipaglalaban talaga niya ang theory niya kahit minsan mali naman.
Aaaaaahhhh!!!!
Nagulat ako ng biglang my tumili.
Is that them? Yong mga estudyante mo? I think they are in trouble again. Turo ni Roseanne
Mabilis kong sinuot ang salamin ko dahil hindi ko maaninag ng klaro ang mga mukha nila.
Oh yeah. Sagot ko naman sabay tayo
Napasunod na lang sina Roseanne sakin.
Excuse me what's happening? Agad akong pumagitna dahil dinuduro na ng babae ang mga bata
Mga magnanakaw ang mga yan! Sila lang yong dumaan sa table namin tapos nawala na yong bag ko!
Napatakip na lang ako sa isang tenga ko dahil ang tinis ng boses niya.
Mawalang galang lang po Miss pero hindi po pwedeng basta basta na lang kayong tumuro kung wala naman po kayong ebidensiya. Hindi po porke't sila yong dumaan, sila na po yong salarin. Sigurado po ba kayong bago kayo naupo bitbit niyo po yong Bag ninyo? As i can tell kasi andami niyong pinamili, so baka naiwan niyo dun or nasa loob lang naman ng mga plastic bags ninyo. And take note po, kung sila po yong kumuha ng Bag ninyo eh di ba po sana hindi na sila tumambay dito? Sana umalis na sila kaagad. Mahinahong explain naman ni Roseanne
Bakit ba kayo nangingialam? Mga kasabwat siguro kayo noh! Sigaw na naman niya ulit
Guard, guard!!! Agad itong tumakbo sa paparating na gwardiya
Isang sindikato daw kami ayun sa babae. Dinala kami sa loob ng opisina ng Manager nila, hindi lang kami nagsasalita, hinayaan muna namin ang babae.
Excuse me officer, hindi niyo kami basta basta mapapakulong. You already checked us, wala yong hinahanap niyang bag. So now, i am requesting for your record. May CCTV dun sa food hall ninyo. Sabi ni Roseanne
Hindi po namin basta basta na pakialam po yong recording ng CCTV namin. Kailangan pa po natin ng Abogado para sa Request. Sagot naman ng gwardiya
I am Attorney Roseanne Park of Park and Lim Law Firm, this is Doctora Violet Lim of Cainta Public Hospital, Professor Irene Fatima Ricaforte of Cainta State College. Do you think pag iinteresan namin ang laman ng bag niya? Sabi ni Roseanne
Pero hindi naman po kayo ang suspect Attorney. Medyo nag iba na ang tono ng Head Security ng marinig na ang mga pangalan namin
They are our friends kaya kilala namin sila. Mga mababait na mga bata ang mga iyan. Estudyante yan ni Professor Ricaforte. And alam kong alam mo kung sino yong may ari nitong Mall. Yong mga Ricaforte di ba? Sabi pa ni Roseanne
Parang nawala yong dugo sa mukha ng Head Security at mabilis na napatingin sakin.
Sorry po Maam. Hindi po kita nakilala. Agad na sabi niya sakin
So, pwede ko bang ma check ang CCTV recordings ninyo? Tanong ko
Ah opo Maam. This way po.
Nasa kabilang pinto lang naman pala ang mga monitor nila.Nanuod lang kami kay Roseanne dahil alam niya kung papano magcheck. Andami kasing pipindutin, kaya hindi na ako nag abala.
Pasensiya na talaga kayo. Hindi ko talaga intensiyon na mapahiya kayo. Nakailang sabi na siya samin
ESTÁS LEYENDO
Kung Ikaw Ba Talaga.
RandomA Good relationship of the Professor and her Students. Istorya ito ng isang grupo ng mga kabataan na lumaki sa hirap at pinabayaan ng mga magulang. Lahat sila ay scholar ng Bayan. Kaya kahit medyo pinaglipasan na sila ng panahon, ginawa pa din nila...