CHAPTER 1: ANAK MO

28.3K 535 81
                                    

CHAPTER 1
ANAK MO


Nagising ako sa malakas na iyak ni Paulo, ang anak ni Paul na isang Engineer. Sideline ko ang pagaalaga sa mga matatanda at mga bata dahil doon ako kumukuha ng perang pambaon ko sa pag-aaral.

Fourth year college na sa kursong Civil Engineering. Una kong nakilala si Paul noong may nagrekomenda sa akin na naghahanap daw ito nang mag-aalaga sa Lola niya.

Nakuha akong tagapag-alaga sa kanyang Lola Tonya pero tatlong taon ang nakalipas ay binawian ito ng buhay dahil sa katandaan. Naging malapit kami ni Lola Tonya kaya kahit ako ay nalungkot sa pagkawala niya.

Tatlong buwan ang nakalipas nang mamatay si Lola Tonya ay dumating ang isang anghel sa buhay ni Paul.

Kung tutuusin ay wala na akong trabaho kay Paul dahil wala na ang kanyang Lola pero tulad nang habilin nito sa akin, ay kapag nawala daw siya ay alagaan ko ang apo niya.

Ang apo niyang babaero at siraulo.

Ayoko sanang tuparin ang habilin nito pero natatakot akong multuhin niya at isama na rin sa kanya. May pangarap pa ako kaya akong multuhin niya kaya kahit labag sa kalooban ko ang alagaan si Paul ay ginawa ko na lang din.

Sinong mag-aakala na ang sira ulong iyon ay nakabuntis at nagkaroon pa ng anak.

Magpapahinga na sana ako noong araw na iyon pero bigla akong nakarinig ng iyak ng isang sanggol mula sa gate ng bahay at doon ko natagpuan ang isang baby na nasa isang basket na may kasamang letter na nagsasabing ang ama ng bata ay si Paul.

Nakapaloob din sa sulat ang pangalan ng baby at kung kailan ito pinanganak. Walang nakalagay kung sino ang ina ng bata, basta ang ginamit nila ay ang surname ni Paul na Mendoza.

Wala mang pahintulot mula kay Paul ay ipinasok ko ang baby sa loob ng bahay Inasikaso ko ito dahil mukhang naggugutom, panay kasi ang iyak.

Nang dumating si Paul ay nabigla siya sa naabutan. Inakala pa niya na anak ko si Paulo. Nang sinabi ko na anak niya ang sanggol na hawak ko ay hindi siya. Agad siyang umalis nang araw na iyon at alam ko na ang pupuntahan niya, sa bar.

Ilang linggo ang nakalipas ay pina-DNA pa niya ang baby at siniguradong anak niya ba talaga iyon. Nang lumabas na ang resulta ng DNA, ito ay 99.98% na nangangahulugan na siya ang ama at wala siyang kawala.

Babaero si Paul at sanay na ako na palagi may mga babae siyang kahalikan sa loob o labas man nitong bahay. Halos kabisado ko na ang kilos niya at galawan niya, college pa lang kami.

Minsan napapaisip ako kung hindi ba nagsasawa si Paul sa pambabae.

First year college ako noong maging taga pag-alaga ako sa Lola Tonya niya habang siya naman ay Fourth year. Tatlong taon ang tanda niya sa akin pero isip bata iyon. Hindi siya papatalo sa mga maliliit na bagay kaya naman noon pa man ay hindi na kami magkasundo.

"Gutom na si Baby Paulo." mahina kong sambit at agad siyang binuhat mula sa crib. May natira pang gatas sa tsupon niya kaninang madaling araw kaya pwede pa iyon. Kinuha ko ang tsupon at isniuksok iyon sa bibig niya.

"Ang cute cute cute talaga ng baby Paulo ko." nanggigil kong sabi at medyo kinurot nang mahina ang kanyang pisngi.

"Good Morning baby ko." bati ko pa dito

"Hindi mo yan anak, wag mong angkinin." biglang sulpot ni Paul na ikinagulat ko. Patago akong umirap at tumahimik na lang ako kesa sumakit ang ulo ko sa pakikipagtalo sa kanya.

Hindi ko naman inaangkin. Tinawag ko lang na 'Baby Paulo ko' ang arte niya.

"Ako na ang magpapainom sa kanya ng gatas. Ihanda mo ang almusalan ko." utos niya at dahan dahan ko naman inilipat si Paulo sa kanyang bisig.

ENGR.Where stories live. Discover now