CHAPTER 3: COME BACK HOME

18.4K 449 47
                                    

CHAPTER 3
COME BACK HOME


PAUL

Kasalukuyan akong nakatingin sa anak ko na mahimbing na natutulog sa crib. Nandito kami ngayon sa loob ng office ko.

Nagulat rin halos ang mga babae dito sa firm at maging ang mga katrabaho ko. Hindi kasi nila inakalang may anak ako. Marami silang mga tanong tungkol sa akin at anak ko pero mas pinili kong manahimik na lang.

Sa nakalipas na tatlong araw ay hindi bumalik si Camille kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Kahapon lang ay nagpabili ako ng crib ni Paulo para mabantyan ko siya dito sa office habang nagtatrabaho. Hindi ko naman siya maggawang maiwan sa bahay dahil nga hindi pa bumabalik si Camille.

"Ano ba kasing ginawa mo?" tanong ni Nikko na nandito na naman sa office ko tumatambay at nakikisagap ng mga tsismis.

"Nasabihan ko lang naman siya na lumalandi. May masama ba dun?" naasar kong sagot at tumawa lang siya.

"Lumalandi ba talaga si Camille?"

"OO" sagot ko pero hindi ko maggawang tumingin sa kanya.

"Yung totoo?" tanong pa niya.

"Fine! HINDI! Hindi siya lumalandi pero may lalaking lumalandi sa kanya." pagaamin ko.

Napabaling ako kay Paulo nang umiyak ito. Agad akong tumakip ng tainga dahil naririndi na ako sa iyak niya. Ilang araw na akong puyat dahil sa mga iyak niya.

Magtatrabaho ako, iiyak siya. Matutulog ako, iiyak siya. Magpapahinga ako, iiyak siya. Hindi na nga ako makababae.

Tumayo si Nikko at lumapit sa anak ko. Kinarga niya ito at pinatahan.

"Sinong tanga ngayon? Hindi naman pala lumalandi si Camille pero sinabihan mo na malandi. Malamang ay nagalit iyon sa iyo." pangangaral sa akin ni Nikko.

Napahawak ako sa aking sentido at hindi alam ang gagawin. Ano ba ang gagawin ko para bumalik si Camille.

Habang nagtatrabaho ako ay si Nikko muna ang naglaro at nagalaga sa anak ko pero bago magtanghalian ay unalis din siya dahil magluluto daw siya ng tanghalian.

Nang makaalis si Nikko ay nanatili lang ako nakatitig sa anak ko na mahimbing na natutulog. Ilang oras pa ang lumipas ay dumating si Nikko na may dalang pagkain.

"Menudo." sambit ni Nikko sabay abot ng tupperware.

Sa mga nakalipas na araw ay tuwing tanghalian lang ako kumakain na siyang si Nikko mismo ang nagdadala at nagluluto. Nasanay kasi ako na si Camille ang naghahanda ng lahat ng kakainin at kakailanganin ko.

"Kung ako sa iyo ay tinatawagan ko si Camille at humihingi ng sorry."

Narinig ko ang sinabi ni Nikko pero hindi ko na lang iyon inintindi. Bahala na kung anong mangyari sa amin ng anak ko mamaya at sa mga darating na araw.

Matapos ang tanghalian ay umalis na rin si Nikko.

Nakahinga naman ako ng maluwag kahit papaano nang tahimik lang sa buong maghapon ang anak ko. Mga bandang alas-quartro ay napagpasyahan ko nang umuwi kami dahil bumigat ang pakiramdam ko. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko at nahihilo ako.

Pagkalabas ng firm ay nagpaalam ang ilan sa akin at maging sa anak ko. Wala pang kinse minutos ay nakarating na kami sa bahay.

Pagkabuhat ko sa anak ko ay naramdaman kong mabigat na ang suot niyang diaper. Dumiretso kami sa kwarto niya at hinanda ang palanggan para malinisan siya.

Nang matanggal ang diaper ni Paulo ay tama ako na puno na nga ang lanyang diaper at dumumi na. May palanggan sa tabi ko na maligamgam na tubig at iyon ang ginamit ko na panlinis at pangbanlaw sa kanya. Isinabay ko na rin ang katawan niya dahil mukhang pinagpawisan kanina.

Sinuotan ko siya ng panibagong damit at pinulbuhan matapos nun ay inilagay ko na siya sa crib at ibinigay ang tsupon.

Ang lahat ng pagpapalit ng diaper at paglilinis kay Paulo ay hindi ko alam. Natutunan ko lang din iyon noong umalis si Camille. Nanood lang ako sa online at pinaulit ulit ang pagnood hanggang sa ginawa ko na kay Paulo.

Nang makalabas sa kwarto ng anak ko ay napahawak ako sa ulo ko dahil medyo nahihilo ako. Sobrang sama na rin ng pakiramdam ko at tila ba magkakasakit ako.

Pagpasok ko sa kwarto at agad akong nahiga. Hindi na ako nakapagpalit pa ng damit dahil hindi ko na maggawang tumayo ng maayos.

Unti-unting nagdilim ang paligid ko at hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Ang tanging masasabi ko lang ay sobrang sama talaga ng pakiramdam ko.

...

Nagising ako nang bigla king marinig ang iyak ng anak ko. Napahawak ako sa ulo ko at ramdam ko ang init ng buong katawan ko.

Bumangon ako at kinuha ang cellphone ko. Isa lang ang pumasok sa isip ko na pwede king hingan ng tulong at iyon ay si Camille.

Nakatatlong tawag muna ako bago niya tuluyang sagutin ang tawag ko. Tahimik sa kabilang linya pero pinabayaan ko na lang din dahil ang importante ay mahingan ko siya ng tulong.

"I'm sorry Camille sa mga nasabi ko. Pero may ipapakiusap lang sana ako sa iyo, bumalik ka naman oh. Baka pwedeng alagaan mo muna si Paulo ngayong gabi tapos pagkatapos 'nun ay okay na. Ibibigay ko rin sa iyo ang kabuuan ang sweldo mo."

Tahimik sa kabilang linya at mukhang walang balak na magsalita si Camille. Ilang sandali pa ay muli na namang umiyak si Paulo.

"Come Back Home." huling sabi ko bago ko pinatay ang tawag.

Hindi ko maggawang lapitan si Paulo dahil baka mahawa lang siya sa akin kaya naisipan kong si Camille muna ang magalaga dito ngayong gabi. Nakakasiguro naman kasi ako na bukas ay wala na rin akong sakit.

Sa bawat minutong lumilipas ay hindi ako mapakali, patuloy pa rin kasing umiiyak si Paulo at si Camille naman ay hindi ko alam kung dadating ba.

Lumipas pa ang ilang minuto ay narinig ko ang pagbukas ng gate na nangangahulugan na dumating si Camille. Narinig ko rin ang pagbukas ng kabilang pintuan at mayamaya pa ay unti-unting tumahan ang anak ko.

Muli kong ipinikit ang mata at sa ngayon ay nagpapasalamat ako na dumating si Camille. Magpapahinga kang din muna ako. Ngunit mababaw pa lang ang tulog ko ay bigla kong narinig ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko.

Dahan dahan kong iminulat ang mata at kahit malabo ang nakikita ko ay sigurado akong si Camille ang pumasok dito sa kwarto ko ngayon.





MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming Salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Merry Christmas!

ENGR.Where stories live. Discover now