CHAPTER 50: CEMETERY

10.3K 286 108
                                    

CHAPTER 50
CEMETERY

      
Hawak hawak ko ang mga anak kong sina Pamela, Paul at Pauline habang naglalakad dito sa sementeryo. May hawak hawak kaming mga bulaklak para sa pagdalaw namin sa puntod niya.

Bumuntong hininga ako at iniwan ko muna ang tatlo para balikan ang triplets na nasa loob ng sasakyan. Mula sa malayo ay agad akong tumakbo nang matanaw ko si Camille sa hawak ang isa sa mga triplets.

"Sabi ko sa iyo na ako na ang bubuhat sa kanila." saway ko kay Camille at inirapan niya lang ako. Binuksan ko ang lintuan ng sasakyan at kinuha doon ang dalawa at isinakay na rin sa kanilang stroller.

Ang tatlong anghel na nasa stroller na tulak tulak namin ngayon ni Camille ay mga lalaki. Sinong magaakala na lahat sila ay lalaki na pinangalanan namin na, Charles, Cesar at Cole.

Habang naglalakad ay hindi ko maggawang alisin ang tingin kay Camille. Mula nang manganak siya at mag-agaw buhay sa panganganak ay gusto kong hawak hawak ko si Camille. Gusto kong katabi kong katabi siya palagi, iyong hindi siya mawawala sa paningin ko.

"Matunaw ako, mahal kong asawa." sabi ni Camille at namula ako doon. Ang tanda tanda ko na pero kinikilig pa rin talaga ako pagdating sa kanya.

Tumaas ang timbang ni Camille at lumaki rin ang katawan niya. Kitang kita mo ang kanyang mga eyebags at kung minsan naman ay nakikita ko ang kanyang stretch marks sa binti at tiyan sa tuwing magbibihis siya.

Pero sa kabila 'nun, ay si Camille pa rin ang pinakamagandang babae para sa akin. Siya pa rin ang pinaka-sexy sa lahat. Walang sinabi aang mga artista at tinalo niya ang mga sikat na model sa Pilipinas man o sa ibang bansa.

Nang makarating sa puntod na dadalawin namin ay agad akong natatanta nang maabutan naming umiiyak si Pamela at Pauline.

"I miss Oggie." sambit nilang dalawa at si Paulo naman ay pinapatahan ang mga kapatid.

Noong nanganak si Camille sa triplets ay siyang araw ng pagkamatay ng aso nilang si Oggie na niregalo ako sa kanila noon.

Sa sobrang busy namin noon sa panganganak ni Camille ay nakalimut sa namin ang aso namin. At natagpuan na lamang namin ito na patay.

Nang icheck namin ang CCTV ay naiwan naming bukas ang gate noong araw na 'yun at magisang nakalabas si Oggie ng bahay at dahil bulag ito ay hindi nito nakita na may sasakyan na bubunggo sa kanya.

Nilapitan ako ang kambal at pinatahan sa pagiyak. Matapos nun ay niyakap nila akong dalawa.

Inilapag ni Camille ang bulaklak na dala sa puntod ng Lola ko na katabi lang din ng ng puntod ni Oggie. Sinindihan ko ang kandila at pagkatapos nun ay tinulungan ko ang asawa ko na makaupo sa tabi ko.

Isinukbit ni Camille ang kamay sa braso ko at isinandal ang ulo sa aking balikat habang pinagmamasdan namin ang mga anak.

Bumuntong hininga ako at itinagilid ang ulo para halikan si Camille sa noo. "Thank you and Wabayou Camille." sambit ko.

"Wabayou too Paul."

Kami ni Camille at ang anim na anak namin. Wala na akong gugustuhin pa kundi ang manatili ng ganito.

Ang totoo niyang ay hindi ko akalain na dadating ako sa puntong ito na magkakaroon ng asawa at mga anak. Ang alam ko lang naman noon ang mambabae pero noong dunating si Camille, maraming nagbago.

Natuto akong magseryoso, na magmahal at 'wag lang puro trabaho. Sa kabila ng kinalakihan ko na walang magulang at tanging Lola lang ang meron ay hindi ko inakalang magkakaroon ako ng sarili kong pamikya na aalagaan at mamahalin ko.

ENGR.Where stories live. Discover now