CHAPTER 32: MAMA KO

9.7K 288 65
                                    

CHAPTER 32

MAMA KO


Nakasuot ako ngayon ng long gown na kulay blue. Tiningnan ko pa ang sarili sa salamin para masigurong maayos na ang lahat. Sandali pa ay bumuntong hininga ako at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Paglabas ko pa lamang ay bumungad sa akin ang mga anak kong sina Pauline at Pamela na naka-pajama na.

"You're so beautiful Mama." sambit ni Pauline habang n akayakap sa kanyang teddy bear. Napatingin naman ako kay Pamela na mukhang walang masabi at nakatitig lang sa akin. "I love you Mama." sambit nito sa akin at nag-iloveyou din si Pauline.

Naggulat naman ako ng bigla nila akong yakapin sa binti. Hindi ko maggawang lumuhod dahil sa gown kong suot. Hinawakan ko na lamang sila sa uluhan at medyo ginulo ang buhok. "I love you too mga anak ko." sabi ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Eric kaya nagpaalam na ako sa mga anak ko. Hinintay pa ako ng mga anak ko at ni Aling Cora na makaalis bago sila tuluyang pumasok sa loob condo building.

Habang nasa biyahe ay walang ibang ginawa si Eric kundi ang kulitin ako tungkol kay Paul. Tinatanong niya sa akin kung nagkabalikan na daw ba kami. Hindi pa siya doon nakuntento dahil ang sabi niya ay kapg nagkabalikan kami o naging marupok ako ay kailangan ko daw siyang bigyan ng sampung libo at kung hindi naman ay ako ang bibigyan niya.

"Hindi kami magkakabalikan. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako marupok." sambit ko at napatingin ako sa kanya ng tumawa siya.

Tumigil kami dahil naka-stop light. Tiningnan ko lang si Eric na kinuha ang cellphone at may ipinakita sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero ang gusto ko lang ay lamunin ng lupa ngayon din. "HIndi pala marupok ha!" pangaasar niya pero pinatay ko ang cellphone niya.

I FELT ALIVE AGAIN, iyon ang caption sa post ni Paul sa instagram at facebook at may kasama iyon na larawan na nangyari noong last week, iyong nagmeeting kami at siya ang naghatid sa akin pauwi dahil iniwan ako ni Eric. Ang nasa picture lang naman ay 'yung ninakawan niya ako ng halik at 'yung pangalawa ay maggka-holding hands kami.

Muli na naman akong inasar ni Eric tungkol sa karupukan na paulit-ulit kong tinatanggi dahil hindi naman talaga totoo na marupok ako.

"Weh?" bulong ng konsensya ko at napailing ako.

Fine! Marupok ako pero slight lang.

Nang makarating kami sa venue ay maraming tao. Inalalayan ako ni Eric mula sa pagbaa hanggang sa makarating kami sa unahan na kung saan don kami naka-assign na maupo. Agad akong naupo dahil medyo masakit na ang paa ko dahil s asuot kong heels. Hindi naman kasi ako sanay ng ganito, ang magsuot ng gown at heels.

Si Eric ay tumayo at nagpaalam sa akin na may kakausapin lang haang ako naman ay naiwan. Inilibot ko buong paningin sa paligid. Aminado rin ako sa sarili ko na hinahanap ko si Paul pero mukhang wala pa ito. May narinig din ako na baka hindi ito makapunta dahil sa anak niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ko ang instagram. Imes na magscroll ay agad kong sinearch ang account ni Paul at doon bumungad sa akon ang larawan na ipinakita sa akin ni Eric kung saan ay hinalikan ako ni Paul at magkahawak ang kamay namin.

Tiningnan ko ang ilang picture na nakapost niya at puro picture nila iyon ng anak niyang si Paulo. Ang ibang picture naman ay buhat buhatni Paul at ng mga kabarkada niya si Paulo. Nakahawak ang mga ito sa katawan ng anak niya at mukhang nilalaro nila ito.

Napangiti naman ako dahil sa mga nakita dahil mukhang inalagaan ni Paul ang anak niya kahit nilayasan ko siya noon. Masaya ako dahil hindi niya pinabayaan si Paulo pero ang tanong, nambababae pa rin kaya siya?

Natigilan ako sa tanong ko dahil ano bang pakialam ko kung mambabae si Paul at tsaka labas na ako sa buhay niya.

"Camille." tawag sa akin ng isang babae at paglingon ko ay si Lia. Iyong babaeng kaibigan ni Paul, napatingin ako sa kasama niya at ngumiti sa akin si Archi. Jeric na kasamahan namin sa trabaho at kaibigan din Paul.

"Kamusta ka na? Gumanda ka lalo." sabi niya at mataman akong ngumiti.

"Ayos lang naman, heto at isang Engineer na." sagot ko. Naupo si Lia sa tabi habang si Jeric naman ay nakita kong lumait kay Mr. Donatella.

"Nakwento ka sa akin ni Paul noong isang araw. Proud na proud at tuwang-tuwa iyon habang kwinekwento ka niya sa akin. Ang sabi nga niya ay Engineer ka na rin at magkatrabaho kayo sa isang project under Donatella Company." nakinig lang ako sa sinabi ni Lia at hindi alam ang sasabihin.

"Mahal na mahal ka ni Paul. Napakaraming babae 'nun pero sa isang Camille lang yun nagseryoso at nagmahal. Grabe din ang iyak niya noong iniwan mo siya na unang beses ko lang nakita bukod sa pagiyak sa pagkamatay ng lola niya."

"Hindi naman ako minahal ni Paul eh. Ginamit lang niya ako dahil natatakot siyang wala sa kanyang magaalaga at pati na rin sa anak niya." sagot ko at hinawakan ako ni Lia sa kamay.

"Pakinggan mo ang paliwanag ni Paul. Mahal ka 'nun. Kahit hindi kami magkasundo ni Paul na magkaibigan ay kilala ko siya. Bigyan mo ng chance na magpaliwanag siya. Hindi lang naman pwedeng pagdating sa mga bagay bagay ay tayong babae ang lang ang dapat pakinggan at magpaliwanag, dapat ganun din sa lalaki."

Tumango-tango na lamang ako sa sinabi ni Lia. Inisip ko ang mga sinabi niya at may punto rin naman siya. Matapos ang paguusap namin ay nagpaalam siya sa akin na pupuntang restroom.

Habang naghihintay na magsimula ang program ay inabal ko ang sarili sa pagcecellphone. Sandali pa ay tumabi sa akin si Eric, natapos na ata ang pakikipagusap niya. Nagsimulang magdaldal si Eric tungkol sa mga nakalap niyang tsismis at nakinig lang ako.

Sinong magaakala na kalalaking tao ni Eric ay ang daldal at ang hilig sa tsismis. Tinalo pa ang mga marites. Nasa kalagitaan ng paguusap namin ng biglang may yumakap sa aking beywang.

"Mama ko." sambit niya at mas hinigpitan ang yakap sa akin habang nakaupo ako. Hindi ko alam ang gagawin ko at napatingin ako kay Eric at sinesenyasan siya na hindi ko anak ang batang lalaking yumakap sa akin.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at doon ko lang nakita ang kabuuan niya. Nakaayos ang kanyang buhok at nakasuot ng black tuxedo. Nakita ko naman na ipinasok niya ang ang kamay sa kanyang bulsa at mukhang may kinukuha siya doon. Paglabas ng kanyang kamay sa bulsa ay inabot niya sa akin ang zantan na sira-sira na ang petals pero maayos pa rin.

"Para po ito sa iyo Mama ko." sambit niya at akmang yayakapin niya ako ay iniharang ko ang kamay ko para hidi matuloy ang gagawin niyang pagyakap sa akin. "Na-miss po kita Mama." sambit niya pa at nakita ko ang panunubig ng kanyang mata.

"Hindi kita anak at hindi mo ako Mama." sabi ko at umiling siya.

"I'm Paulo E. Mendiola." pagpapakilala niya na ikinatigil ko. "Miss na po kita, wag mo na po kaming iwan ni Dada. He was sorry on hurting you. Go home Mama." sabi pa niya at tuluyang umiyak pero wala akong maggawa at hindi ako makapagsalita.

"Hindi ako ang Mama mo." sambit ko na ikinalakas lalo ng iyak niya.

"Mama ko." iyak niya at ang iba ay napapatingin na sa amin kaya hindi ako mapakali. Sandali pa ay may dumating at tinawag siya.

"Paulo, anak." pagtawag ni Paul sa anak niya at masamang tumingin sa akin.





























MISTERCAPTAIN

Professor

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.

ENGR.Where stories live. Discover now