EPILOGO

10.9K 250 43
                                    

EPILOGO
MRS./ENGR. CAMILLE V. JIMENEZ


Maaga akong naggising at sa pagmulat ng aking mata ay ang asawa ko kaagad ang una kong nakita. Mahigpit itong nakayakap sa akin na para bang ayaw akong pakawalan.

Hinawakan ko ang kanyang mukha. Ngumiti ako dahil hindi ako makapaniwala na nangyayari ito. Na nasa harap ko ang taing mahal na mahal ko. Akala ko ay imposibleng mangyari ito pero hindi pala.

Sandali pa ay naggising na si Paul at dahan dahan siyang nagmulat. Ngumiti ito at agad akong hinalikan sa labi. "Ang ganda ng asawa ko." sambit niya.

"Wabayou Camille." aniya pa.

Isiniksik ko ang sarili ko kay Paul at niyakap din siya ng mahigpit. "Wabayou too Paul." sagot ko at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.

Nanatili kang magkayakap ni Paul at sandali pa ay nagsimula siyanv kumanta. Iyong kinanta niya sa akin noon sa Wedding Reception namin.


NOTHING'S GONNA STOP US NOW
By: Daniel Padilla and Morisette

🎶 Lookin' in your eyes
I see a paradise
This world that I've found is too good to be true
Standin' here beside you
Want so much to give you
This love in my heart that I'm feeling for you


Hinawakan ni Paul ang aking kamay at hinalikan iyon habang kumakanta pa rin siya. Isinandal ko ang aking mukha sa dibdib niya at hindi ko na napigilan ang umiyak.

Umiiyak ako dahil masaya lang ako. Masaya ako dahil nagmamahal ako at minamahal ako. Sobra sobra yung binigay sa akin ng Diyos kaya wala na akong mahihiling pa kundi ang maging masaya kami ni Paul kasama ang mga anak namin.

    
🎶 Let 'em say we're crazy
I don't care about that
Put your hand in my hand
Baby, don't ever look back
Let the world around us
Just fall apart
Baby, we can make it
If we're heart to heart

    
Maaring minsan naging babaero si Paul pero nagbago na siya. Nagbago siya para sa sarili niya at para sa akin. Doon ako mas lalong nahuhulog at napapamahal kay Paul na kaya gagawin niya ang lahat pa ra lang sa akin.

Maaring para sa iba ay isang simpleng enhinyero ang asawa ko pero higit pa siya doon sa inaakala ng iba dahil kada taon ay may tatlong estudyante na nagtatapos sa highschool dahil sa scholarship na binibigay ni Paul.

Ang perang galing sa kanyang Coffee Shop ay talagang inalaan niya sa pagtulong dahil ang pagpapatayo 'nun ay pamana lamang sa kanya kaya napagdesisyunan niyang itulong na lamang ang kikitain ng Coffee Shop.

    
🎶 And we can build this dream together
Standing strong forever
Nothing's gonna stop us now
And if this world runs out of lovers
We'll still have each other
Nothing's gonna stop us
Nothing's gonna stop us now
Oh, whoa

  
Nitong nakaraan lang din ay alam kong nagipon si Paul ng pera para bumili ng sasakyan na BMW pero hindi niya tinuloy. Sinabi ko sa kanya na pinagipunan niya iyon pero ang sabi niya ay may sasakyan na siya, may sasakyan kami pareho at hindi na namin kailangan ng isang sasakyan pa.

ENGR.Where stories live. Discover now